Pinagtagpo-tagpo ng tadhana
Kristy's POV
At nagulat ako nang may nagsalita.
"Hand the book," sabi niya at napalingon ako sa kanya.
Nakatayo siya katabi ng kotse niya.
"Kuya," sabi naman niya at nabawi na niya ang libro at tumakbo sa likod ng lalaki.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"I know you," sabi ko habang palapit pa lang sa kanya. "Ikaw ang boss noon ni Vicky, right?" tanong ko.
"Yeah," maikli niyang sagot. "And who do you think you are para ibully si princess?" Tanong pa niya.
Nagpigil ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
"Hindi naman siya mukhang princess. Mukha siyang alipin," sabi ko at sinilip pa siya sa likuran ng lalaki.
"Stop saying things to her," sabi ulit niya.
"Oh, protective kuya," sabi ko.
Actually hindi ko talaga alam kung kaano-ano niya si Ms. nerd pero imposible namang boyfriend niya kaya nagconclude na lang ako na kuya niya ang lalaki.
"Pasok ka na Linda," sabi niya at sinunod lang ni Ms. nerd. "Itong tandaan mo miss. Subukan mo pang ulitin yun sa kapatid ko..."
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Irereport kita sa school niyo," sabi niya at pumasok na sa loob ng kotse niya.
"Hindi tama 'yang ginagawa mo." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Prince na naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.
"Huh, what do you mean?" nagtataka ko namang tanong.
Siya ang hearthrob sa campus. He still grade 11 while me I'm grade 12.
"Bakit mo ba siya binubully?" tanong niya nang tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin.
"Gusto ko lang, saka kailan ka pa nagkaroon ng interes sa babaeng yun?" tanong ko.
"It's not that... naaawa na kasi ako sa kanya."
"Then don't be. Saka bakit mo ba ako kinakausap, close ba tayo?" tanong ko.
"Kristy!" Lumingon ulit ako sa isang direksyon nang may tumawag sa'kin. "Babe sino siya?" Inakbayan niya lang ako pero hindi ako makasagot-sagot sa kanya.
"Boyfriend ka ba niya?" tanong ni Prince.
"Oo," / "Hindi," sabay na sagot namin.
"Ah sige alis na ako," sabi naman ni Prince nang makahalata siya ng awkwardness sa pagitan namin.
Pagkaalis niya ay hinawi ko agad ang kamay niya sa nakaakbay sa'kin.
"Ano bang pinagsasabi mo?" gulat na tanong ko.
"'Di ba nga magpapanggap tayong magkasintahan?" tanong naman niya.
"Itutuloy mo pa rin ba yun?"
"Syempre naman, tara na," sabi niya at hinila na ang kamay ko papasok sa kotse niya.
Hindi ko na nagawang pumalag dahil sa sobrang lakas niya makapaghila sa'kin.
"Sabihin mo kung nasaan yung bahay niyo at ipapaalam kita," biglaang sabi niya.
"Saan tayo pupunta?" nagtataka pa ring sabi ko.
"Basta," sagot niya hanggang sa nakarating na nga kami sa bahay.
"Hi tita," pagbati niya sa mama ko.
"Hi iho," sagot naman niya.
"Tita gusto ko lang po sanang ipaalam si kristy sa inyo, may pupuntahan lang kami," sabi ni Toni.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
