Accident
Shaira's POV
Napatingin na lang ako sa nagsnap ng daliri sa harapan ko.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," sabi ni Vicky.
Nandito na kasi kami sa hapag at kumakain na ng panghapunan at ginalaw ko na muli ang kutsara at tinidor ko nang natauhan ako.
"Kanina pa siya ganyan ah, kaninang pagkarating niya galing sa labas," sabi naman ni Lailly.
"Saan ka ba pumunta Shaira?" tanong naman sa'kin ni Chandra.
"Ah wala," maikli kong sagot.
Hindi ko pwedeng iopen up ang bagay na ito sa kanila.
"Ikakasal na pala si sir Michael," dahil sa sinabi ni Lailly ay napatingin ako sa kanya na nakatutok sa cellphone niya. "Ang buong akala namin noon ay may namamagitan sa inyo," sabi pa niya at pinakita na nga ang cellphone niya.
Kinuha ko naman ito at tinignan ito. Nakita kong ang page pala ng school namin ito. Kung saan dito sila nagpopost ang mga announcements at may mga issue patungkol sa school namin. Napafocus ang tingin ko sa mismong post nila about kay Michael.
"Sino ba siya?" tanong ni Chandra.
"Teacher namin siya noon pero dahil nga napapansin namin na sobrang close nilang dalawa ay inisip namin na may namamagitan sa kanila," sagot naman ni Lailly kay Chandra.
"Ow, so dapat pala huwag na tayong makipagkaibigan sa teacher kasi baka maissue," sabi pa ni Chandra.
Naibaba ko na lang ang cellphone ni Lailly na siyang ikinagulat nila.
"Wala na akong gana," sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko.
"Bakit, masama ba pakiramdam mo Shaira?" tanong naman ni Vicky sa'kin.
"Ah hindi, inaantok lang ako," sagot ko at tuluyan na nga akong umakyat sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa panahon na ito. Iiyak ba ako, magugulat, magtatampo o sasaya dahil kung wala na kami ay mabibigyan ko na ng time si Olie. But I just shook that thought off. Pano ko naisip ang bagay na yun? Pano ko ipagpapalit ang nakilala ko lang ng ilang buwan sa minahal ko at minahal ako ng dalawang taon.
Hindi ko na lang siya crush ngayon kun'di mahal na niya ako ngayon. Masasabi kong mabait naman si Olie pero mahal ako ni Michael at ganun din ako sa kanya. Ipaglalaban kita Michael. Hindi ko hahayaang matuloy ang kasal niyo.
***
Fed's POV
Nakangiti ako habang binubuklat ang notebook na binigay ni Vicky sa'kin. Hindi ko alam na ganito ako nagkulang sa kanya.
Maraming taon na pinaniwala namin siya na niloko ko sila, na may bago akong pamilya. Hinding-hindi ko magagawa yun. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya ko nga nagawa na magtrabaho sa illegal na gawain. Para mabigyan sila ng magandang buhay.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa habang nakaupo sa gilid ng aming kulungan.
Dear papa,
Kung buhay ka pa ngayon sana napanood mo yung video namin. Alam mo ba papa na marami ng nangyari sa'kin ngayon nang hindi ko man lang naisulat sa'yo. Papa, may bago ng mahal si mama. Ayokong maging sila. Papa tulungan mo naman akong pigilan sila please kasi ikaw lang ang nag-iisang papa ko at kahit kailan ay walang sino man ang makakapalit sa inyo sa puso ko.
Your beloved daughter,
VickyNapaiyak ako sa sinabing ito ni Vicky. Kung si Amy kaya niya akong ipagpalit, ako ay hindi. Natatanging si Amy lang ang minahal ko at mamahalin ko. At si Vicky ang patunay nun.

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Hayran Kurgu(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...