New Girl Group
Third person's POV
"Kailangan mo ba talagang humanap ng bagong grupo?" tanong ni Mack kay Kim habang nag-uusap sila sa may office ni Kim.
"Oo," maikli namang sagot ni Kim.
"Okay kung 'yan ang disisyon mo." Si Mack kasi ang manager ng Kingston at isa pa ay magbestfriend sila dati pa.
Pero nakahawak sila ng kanya-kanya nilang grupo. At kakadisband lang ng grupo ni Kim last year kaya humahanap siya ngayon ng ibang girl group.
"Sige, alis na ako Kimmy. Lagi kang mag-iinga ha," sabi ni Mack at hinawakan ang ulo ni Kim.
Ganun na talaga sila kaclose. Childhood best friends sila eh. Saka Kimmy na talaga ang tawag ni Mack kay Kim kahit na ang totoong pangalan ni Kim ay Kimberly Mondego. At umalis na nga si Mack sa office ni Kim.
'Gusto kong magkaroon ng bagong grupo. Hindi lang magaling sumayaw at kumanta kundi mga kakaibang babae ang hanap ko,' sabi sa isip ni Kim.
Sa ilang araw na nailaan para mag-ensayo para sa darating na audition ay nag-oovertime na mag-ensayo sila Shaira at Lailly. Nakahiga sila sa higaan ni Shaira dahil sa pagod. Nag-eensayo ngayon sila sa bahay nila Shaira.
"Magpahinga muna tayo, nakakapagod magpractice," nakahigang saad ni Lailly.
"Oo nga, wait lang maghahanda lang ako ng meryenda," patayong sabi ni Shaira at dumeretso sa pinto.
Ilang sandali lang na nahiga si Lailly ay dumating na si Shaira bitbit ang tray ng juice at supot ng pandesal.
Bigla namang bumangon si Lailly at sinalubong si Shaira sa may pintuan.
"Sorry, ito lang kaya kong bilhin," malungkot-lungkot na sabi ni Shaira.
"Ano ka ba, okay lang yun. Parehas naman tayong mahirap lang kaya naiintindihan kita." Kumuha na lang si Lailly ng isang pirasong tinapay at ang isang basong juice.
"Alam mo, iniisip ko kung bakit kaya hindi pa tayo naging close noon. Eh magkasundo naman tayo," sabi ni Shaira habang kumakain ng pandesal.
"'Yan rin iniisip ko..." tumigil muna si Lailly sa pagsasalita para lunukin ang nginunguya niyang tinapay. At kinuha niya ang kanyang juice para uminom. "Naiinggit nga ako sa 'yo kasi kaibigan mo lahat ng classmates natin. Ang sikat mo pa," dagdag pa ni Lailly.
"Hindi naman ako sikat. Pala-kaibigan lang talaga ako," pagtatanggi naman ni Shaira.
"Pero hindi mo ako kinaibigan?" malungkot na saad ni Lailly.
"Sa tingin ko kasi iignore mo ako. Akala ko suplada ka," rason naman ni Shaira.
"Wow, mag-sisix years na tayong magclassmate pero 'yan pa rin ang impression mo sa 'kin," reklamo ni Lailly kay Shaira.
"Sorry naman, eh hindi ka kasi nakikihalubilo," wika ni Shaira.
"Hindi ba pwedeng nahihiya lang ako? Suplada agad?" tanong ni Lailly.
"Ano bang kinakahiya mo? Saka bakit ba kasi ganyan ka manamit?" Tumingin sa paligid si Lailly bago nagsalita.
"Sabi na nga, sasabihin mo rin akong abnormal," malungkot na saad niya.
"Uy, di naman. Nagtanong lang ako eh." Tumahimik muna si Shaira para mag-isip. "Kaya ba hindi ka masyado nakikihalubilo sa iba?" Tumango lang si Lailly sa tanong ni Shaira.
"Hindi ka ba sawa sa ganyang porma? Gumamit ka kaya ng girl things," suggestion naman ni Shaira.
"Ibinibigay na kasi sa 'kin ni papa ang mga hindi na niya kasya kaya panlalaki ang mga damit ko," paliwanag ni Lailly.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
