Necklace
Vicky's POV
"Miss meron na po ba si miss Kim?" tanong ko.
"Ahm I'm sorry ma'am but can you wait a little longer? Their meeting is about to finish," sagot naman niya.
"Okay po. Makakapaghintay naman po ako," sabi ko at naupo na sa may tabi lang ng reception area.
May mga upuan kasi dun na paghihintayan. And after a while ay naeavesdrop ko na may tinawagan ang receptionist.
"Hi miss Kim, I just want to inform you that there is someone who is waiting for you in the reception area." Ilang saglit lang siyang tumahimik para pakinggan ang nasa kabilang linya. "Ahm okay miss." Ibinaba na niya ang telepono at tumingin sa 'kin. "Ma'am I will accompany you to miss Kim's office," sabi niya naman.
"Ah sige po." Sumunod naman ako sa kanya at hanggang sa may binuksan siyang pinto.
"You will stay here for a while ma'am. And wait for miss Kim here."
Hayan nanaman yung wait eh. Okay lang, sanay naman akong maghintay. Lagi namang ako ang naghihintay eh. Nakahugot naman ako. Ganyan talaga epekto ng pinaghihintay lagi.
Ilang saglit pa ay napatingin na lang ako sa pinto nang bumukas ito at ang akala kong si miss Kim ang papasok ay nagkamali ako kasi dalawang babae na kasing edad ko lang ang pumasok.
"Hi, hinihintay mo rin ba si miss Kim?" Tumango lang ako sa tanong ng kakapasok lang kanina.
Hindi kasi ako masyadong nakikihalubilo lalo na kung hindi ko pa kilala.
Ilang saglit pa ngang pag-iingay ng mga kasama ko sa office ni miss Kim ay meron ulit pumasok na babae. Tumabi naman siya agad sa 'kin. Apat lang kasi ang upuan dito at vacant pa naman ang left side ko kaya dun siya naupo.
Nilabas niya naman ang cellphone niya pagkaupo niya. Pansin ko rin ang mahaba at makintab niyang buhok at base sa damit niya ay anak mayaman siya.
Napalingon ako sa kanan ko nang magsalita ang isa sa mga maingay kanina.
"Sana pasok tayo," sabi niya.
"Oo nga, sa dinami-rami ba naman ng nag-audition tayo pa ang makukuha," sang-ayon naman ng isa pa niyang kasama.
Ano ba ang mga sinasabi nila? Anong audition yun? Nakaupo pa rin kami habang hinihintay si miss Kim. Bakit nga ba natagalan siya?
Sabay-sabay naman kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. At ilinuwa na nga si miss Kim.
"I'm sorry, napaghintay ko kayo," paghingi niya ng patawad.
"Okay lang po," sagot naman ng isang babaeng boyish kung manamit.
Nang napatingin sa 'kin si miss Kim. "Buti nakapunta ka Vicky?" tanong niya.
"Triny ko lang po sana kayong kausapin about sa sinabi niyong trabaho," sagot ko lang.
"Sigurado akong magugustuhan mo ang magiging trabaho mo," sabi niya at lumingon sa babae sa kaliwa ko. "Buti nakapunta ka rin Chandra? Don't you think it's a scam or something?" wik naman ni miss Kim.
"I thought it at first. Ano ba talagang kailangan niyo sa 'kin? Say it already," naiinip na saad niya.
"I want you two to be part of my newly group," paliwanag niya.
"What group?" tanong ulit ng babae.
"Kayong apat ay maswerteng napili bilang maging Spice Girls," at pagkatapos na pagkatapos sabihin ni miss Kim ay nagtilian naman ang dalawang kanina pa maingay sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
