Classmate
Third Person's POV
Kinaumagahan, maagang pumunta si Kim sa dorm ng Spice Girls at naupo muna sa sofa habang naghihintay. Nag-iinat naman na lumabas si Lailly sa kwarto niya.
"Saan lakad mo ngayon ate?" tanong niya.
"Siguro makikipagdate siya kay kuya Mack," sagot naman ni Chandra na kakalabas lang din ng kwarto niya.
"Mga loka, 'di ba pupunta tayo sa sinasabi niyo na may cancer?"
"Ay oo nga pala," sabi naman ni Lailly at nagkamot pa sa kanyang ulo.
"Sige na, magsibihis na kayo at pupunta na tayo," sabi ni Kim sa kanila.
"Eh pano 'yan hindi pa gising ang dalawa," sabi naman ni Chandra.
"Gisingin niyo na sila at para makapagbihis na rin," saad muli ni Kim kaya nagtungo na sila sa kwarto ng dalawa para gisingin sila.
Si Chandra ay nagtungo sa kwarto ni Vicky at si Lailly naman ay sa kwarto ni Shaira.
"Vicky gising na!" sigaw ni Chandra kaya nagising ang diwa niya.
"Ano ba 'yan, ang ingay mo naman Chandra," sabi niya at nagtakip ng tenga gamit ang unan.
"Ano ba Vicky, ngayon ang pagpunta natin sa batang may cancer," at dahil sa sinabi ni Chandra ay napabangon si Vicky.
"Ngayon ba yun?" tanong niya at tumango lang si Chandra kaya magbibihis na si Vicky.
"Gising na." Niyugyog-yugyog naman ni Lailly si Shaira upang magising ito.
"Bakit ba ang ingay mo diyan, ang aga pa kaya," sabi ni Shaira at nagmulat-mulat pa ng mata.
"Ngayon daw ang punta natin sa batang may cancer," sabi naman ni Lailly kay Shaira dahilan para mapabalikwas siya sa pagbangon at nagbihis na rin siya.
Nang nakapagbihis na nga lahat ay pumunta na sila sa sinabing ospital at nagtungo sa reception area. Sinabi naman na ni Kim ang pangalan ng bibisitahin at nang nakuha na nila ang room number ay pinuntahan na nila iyon agad.
Kumatok muna sila bago pinagbuksan ng babae na nagpadala ng sulat. Napahawak siya sa bibig niya nang malaman kung sino ang kumatok.
"Pasok kayo," sabi niya.
Lumapit naman sila sa bed kung nasan ang bata na nakahiga na natutulog pa rin hanggang ngayon.
"Salamat at pumunta kayo," maluha-luhang sabi ng babae.
"Ano po bang kalagayan niya ate?" tanong ni Kim.
"Fan na fan niyo ang anak ko," naluluha pa ring sabi niya.
Hinawakan ni Shaira ang kamay ng bata ng mahigpit dahilan para magising ito. Pagkamulat niya ng kanyang mata ay gulat siyang nakatingin sa apat.
"Hi," kumaway si Chandra sa kanya.
"Nay pakurot nga ako at baka nananaginip lang ako," sabi ng bata.
"Hindi ka nananaginip anak, totoo sila," sabi naman ng nanay niya sa kanyang anak.
Hinawakan niya ang kamay nila isa-isa at nanatili naman silang nakangiti.
"Salamat at pumunta kayo," sabi ng babae.
"Syempre nangangailangan kayo ate," sabi naman ni Kim.
"Salamat talaga," sabi niya na nagpupunas ng pisngi dahil sa mga luha niyo.
"Tahan na ate, malalagpasan din ito ng anak niyo." Hinawakan na ni Lailly ang balikat ng babae para tumahan ito sa pag-iyak.
"Sana nga iha," sabi na lang ng babae kay Lailly.
![](https://img.wattpad.com/cover/161171440-288-k675679.jpg)
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...