Chapter 9: Mr. Mysterious Guy

153 42 25
                                    

Mr. Mysterious Guy

Vicky's POV

As usual hindi nanaman kami sabay kumain ni mama. Mas nauna ako ngayong kumain. Minsan kasi ay mas nauuna siyang kumain, minsan naman ay mas nauuna ako pero meron din yung time na sabay kaming kumain pero walang kibuan.

Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na agad ako ng nagkainan ko at naghugas na rin ng plato.

Papasok na sana ako ng school nang may narinig akong nagriring. Tinignan ko naman ang bag ko at yung cellphone ko pala ang nagriring.

"Hellow?"

(Hellow Vicky?) sabi ng kabilang linya.

"Hellow manager?"

(Oo, ahm gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na may practice kayo mamayang uwian niyo sa school,) sabi niya.

"Saan po manager?" tanong ko naman.

(Sa building na lang muna,) sagot naman niya.

"Oh sige po," sabi ko at si manager na rin ang pumatay ng tawag.

Inayos ko na rin ang bag ko para makapunta na ako sa school.

Pagpasok ko sa room ay nakita ko si Kristy na busy sa kanyang cellphone kaya dumeretso na ako sa upuan ko at saktong pagkababa ko ng aking bag ay pumunta agad si Angelie kay Kristy.

"Kristy look." Ipinakita niya ang kanyang cellphone kay Kristy.

"New girlgroup of KLM Entertainment?" tanong ni Kristy pero hindi ko nakita ang cellphone ni Angelie.

"Balita ko may nakuha raw sa school natin," excited na sabi ni Angelie.

"I'm sure ako yun," proud naman na sabi ni Kristy.

"Huh? Panong naging ikaw?" tanong naman sa kanya ni Angelie.

"Nag-audition kaya ako," rinig kong usapan nila.

Pero alam ko namang ako yun. Hindi ko lang sure kung nakapagdecide na si manager na kunin din si bessy.

Bakit kaya hindi nila alam? Hindi ba ipinakita sa article ang mga pangalan namin?

"Pero sure ka bang nakuha ka?" tanong niya.

"Oo naman 'no, impress na impress nga yung nagpa-audition sa'kin eh," proud pa ring sabi ni bessy.

"Eh sabi dito, ipapakilala na sila sa August 8. At ready for filming na rin ang music video nila ng kanilang debut song plus sa mismong araw rin na yun ay irerelease ang first album nila na square one." Halatang nagulat si Kristy sa sinabi ni Angelie.

"Huh eh bakit 'di nila ako ininform?" Alam kong nasaktan si Kristy sa sinabi ni Angelie pero hindi lang niya pinapahalata.

"Talagang sure ka na na makukuha ka?" tanong lang ulit ni Angelie.

"Oo naman 'no," sagot niya.

"Eh bakit 'di mo alam ang mga 'to?" Nagkamot na lang si Kristy sa likod ng kanyang ulo dahil hindi na niya alam ang isasagot niya.

"Patingin nga yung article," sabi ko kaya ibinigay naman ni Angelie ang cellphone niya.

"Himala nagkainterest si Vicky sa mga ganitong grupo," asar sa'kin ni Angelie pero hindi ko na iyon inintindi at tinignan ko na lang ang article.

Sabi rito, 'This is an upcoming girlgroup of KLM Rntertainment. Mark your calendars on August 8 'cause this day, it will be a great day for the Spice Girls are coming into the p-pop world. It will also release their first album named square one which consist of their two songs: Whistle and Boombayah(debut song). At the same time they will release their song's a music video on youtube. And maybe next week they will start filming their debut song. They are just currently rehearsing the dance yet'.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon