Chapter 33: Confession

78 17 0
                                    

Confession

Third Person's POV

Hanggang sa natapos na silang kumain at ngayon ay naglalakad na lang sila paikot-ikot sa mall nang hilain ni Topher ang kamay ni Chandra.

"Ano ba!" sabi niya pero nakalayo na ang mga kasama nila kaya hindi nila narinig ang sigaw niya at hindi rin nila napansin ang pagkawala nila sa kanilang grupo na gaya nila Shaira at Olie.

"Bitawan mo nga ako," sabi muli ni Chandra.

"May pupuntahan tayo," sabi ni Topher at tinangay na si Chandra.

Nagpatangay na rin ito dahil wala na rin naman siyang magagawa. Pumunta sila sa quantum at bumili agad si Topher ng tokens.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Chandra sa kanya.

"Malamang maglalaro," sagot naman sa kanya ni Topher.

Nagtungo si Topher sa isang machine at sumunod lang din si Chandra sa kanya. Itong machine ay yung merong parang hook at kukuha ka roon ng mga keychains or stuffed toys. Naglalaro lang si Topher doon habang pinapanood ni Chandra.

"Ikaw try mo," sabi ni Topher kay Chandra kasi wala nga siyang makuha-kuha.

Nang turn na ni Chandra ay may nakuha siya agad.

"Oh," inabot ni Chandra ang isang white na maliit na teddy bear.

"Bakit mo inaabot 'yan? Ikaw ang nakakuha eh," sabi naman ni Topher kaya itinago na lang ni Chandra iyon.

Sunod silang pumunta sa basketball. Nakailang shoot-shoot din si Topher nang maalala niya si Chandra.

"Ikaw naman," sabi ni Topher.

"I don't do that kind of stuff," sagot naman sa kanya ni Chandra.

"Try mo lang, laro lang naman 'yan eh," sabi niya kaya napilit din niya si Chandra magbasketball.

Every try pa niya eh nashoo-shoot niya agad. "Hindi mo ba talaga tinatry 'to?" tanong ni Topher kasi pansin niyang magaling naman siya rito.

Nang pagod na sila sa paglalaro ay lumabas na sila doon at naglakad-lakad na lang sila. Hindi na rin nila alam kung saan nagpunta ang mga kasama nila. Hanggang sa napatingin si Topher kay Chandra nang napatigil ito sa paglalakad at parang gulat na napatingin sa isang direksyon.

"Anong problema?" tanong ni Topher sa kanya pero hindi siya sumagot at diretso lang ang tingin kaya tinignan na ni Topher kung anong tinitignan niya at nakita niya ang lalaki na nakatingin din ng diretso kay Chandra at papalapit sa kanya.

Tumalikod na si Chandra at sinubukang iwasan ang nakita niya. Nakasunod lang din naman si Topher sa kanya.

"Chandra." Sinubukang habulin ng lalaki si Chandra pero hindi siya tumigil sa paglalakad. "Chandra," sabi muli ng lalaki at hinawakan na ang braso niya para tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Ano ba," sabi niya at pansin ni Topher ang mga luhang kumawala sa mga mata niya.

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin ako napapatawad?" tanong ng lalaki sa kanya.

"What would you expect? Ginawa mo yun tapos kailangang maging masaya ako?" tanong ni Chandra na umiiyak na.

"Hindi naman sa ganun pero matagal na yun at pinagsisisihan ko na so please balik ka na sa'kin Chandra," sabi muli ng lalaki.

Tahimik lang din namang nakikinig si Topher sa usapan ng dalawa.

"You wish. I will never go back to you," sagot ni Chandra.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon