Pagbisita muli
Third Person's POV
Busy na sa pagprapractice ang Spice girls para sa upcoming comeback nila. Nang natigil ito dahil sa pagpasok ni Kim sa practice studio.
"Excuse me lang kuya Hanse, kausapin ko lang saglit si Vicky."
Nagulat si Vicky nang marinig ang pangalan niya. Lumapit na siya agad kay Kim.
"Bakit ate?" tanong niya.
Pumunta naman sila sa isang sulok at iba pa rin ang pwesto ng iba nilang kasama at hindi muna sila magprapractice para hintayin nila si Vicky.
"Nag-usap kami ng mama mo," sagot ni Kim at umiwas lang si Vicky ng tingin. "Nabanggit niya ang totoong nangyari kung bakit niya pinalayas ang papa mo," sabi pa niya pero hindi pa rin umiimik si Vicky.
"Vicky may care din ako sa relasyon niyo ng mama mo. At nasasaktan siya sa mga inaakto mo," sabi ni Kim pero hindi pa rin siya umiimik. "Vicky, umiiyak siyang nagkukwento sa'kin about sa nangyari. Please try mo siyang kausapin," sabi ni Kim at nakahawak pa ang kamay niya sa dalawa nitong kamay.
"Hinding-hindi mangyayari yun ate," saad niya.
"Vicky she's your mom. Alam ko yung feeling niya kasi minsan ko na rin ginawa ang ginagawa mo. Nagrebelde ako kasi gusto nila akong isama sa States. At parang napiga ang puso ko nang nakita ko silang umiiyak habang nakaluhod sa harap ko. Huwag mong hayaang mangyari yun Vicky," huling advice ni Kim sa kanya bago niya kinuha ang atensyon ng lahat. "As for now, bumisita muna kayo sa mga bahay-bahay niyo for one week kasi after marelease ng comeback niyo ay magiging busy nanaman kayo so before the comeback na lang kayo bibisita." Tumingin muna siya kay Vicky bago niya tinignan isa-isa ang tatlo pa. "I hope makakabisita na kayong lahat 'no?" Umiwas na muli si Vicky ng tingin.
Pagkatapos mag-announce ni Kim ay lumabas na rin siya agad.
"Uwi ka na sa'min Lailly," rinig ni Vicky na sinabi ni Chandra at nahiya lang na tumango si Lailly.
"Eh ikaw Vicky?" tanong sa kanya ni Shaira.
Ngumiti lang siyang tipid kay Shaira habang pinag-iisipan ang sinabi sa kanya ni Kim. Naguiguilty na siya dahil sa inaakto niya tungo sa kanyang ina.
"Uuwi na ako," determinado niyang sabi kaya dahil dun ay napalingon silang tatlo sa kanya na waring nagtatanong.
Ang dance instractor nila ay lumabas na rin ng practice room, sunod lang siyang lumabas kay Kim.
"Himala," saad ni Chandra.
"Nakapag-isip-isip ka naman Vicky?" tanong naman sa kanya ni Shaira.
"Ah oo," nahihiya pa niyang sagot.
Nakuha na nila ang mga bags nila mula sa kanilang dorm at unang ibinana si Shaira.
"Namamasko po," pagkatok ni Shaira sa kanilang pinto.
"Sino bang namamasko ng kay aga-aga?" tanong ng nanay niya nang hindi pa binubuksan ang pinto kaya hindi niya alam kang sino ang kumatok. "Shaira?" Laking gulat niya nang malamang si Shaira ang nasa kabilang side ng pinto.
"Ate Shaira!" Nagtakbuhan naman ang dalawa para salubungin ng yakapin si Shaira nang malamang nakabisita na ulit ang kanilang ate sa bahay nila.
"Kumusta na kayo?" tanong niya sa kambal.
"Okay lang naman kami ate," sabi ni ate.
"Ate yung promise mo na mamasyal tayo sa mall ha?" sabi naman ni Sophie.
"Oo, mamamasyal tayo bukas," sagot ni Shaira na ikinatuwa ng dalawa.
"Yehey!" sabi nila at bumalik sa harapan ng TV.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfic(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...