Secret admirer
Third person's POV
Pagkababa ni Vicky ng kotse ay hindi niya inaasahan ang madadatnan niya dahil nakita lang naman niya si Red habang kausap ang nanay niya sa sala.
"Anong ginagawa mo rito kuya Red?" tanong ni Vicky kaya napalingon sila sa kanya.
"Ah binibisita lang kita." Napatayo si Red para salubungin si Vicky.
"Wala naman akong sakit kuya para bisitahin mo," sabi naman sa kanya ni Vicky.
"Hindi ba pwedeng namimiss lang kita?" sabi ulit ni Red.
"Bakit mo naman ako mamimiss kuya?" tanong ulit sa kanya ni Vicky.
Kaya dahil dun ay sumimangot si Red. "Hindi mo ba ako namiss?" tanong naman nito.
"Syempre miss din kita kuya pero-"
"Yun naman pala eh," hindi niya pinatapos si Vicky sa pagsasalita.
"Maupo naman kayo habang nag-uusap iho, iha," sabi ni Amy kaya dahil dun ay bumalik sa pag-upo si Red at sumunod din naman si Vicky sa pag-upo.
"Eh pano na yung bar mo kuya kung araw-araw kang bibisita rito?" tanong ulit ni Vicky sa kanya.
"Ayos lang, marami naman akong crew duon. They can handle it," sabi ni Red at wala ng masabi si Vicky sa isinagot ni Red.
"Vicky," pagtawag niya sa dalaga.
"Ano yun kuya?" tanong naman nito.
"Tinanong ko kay mama kung pwede kitang ligawan at pumayag siya." Halata ni Red na nagulat si Vicky sa sinabi niya.
Tinignan naman niya ang kanyang ina na nasa kusina na ngayon.
"Sorry kuya pero hindi ko pa 'yan priority sa ngayon," sagot naman ni Vicky.
"Okay lang sa'kin Vicky, makakapaghintay naman ako," sagot ulit ni Red.
"Ah hindi ka pa ba uuwi kuya? Gumagabi na kaya," sabi ni Vicky habang nakatingin sa bintana na kita mo talagang gabi na.
"Hindi mo ba naiintindihang gusto kita Vicky, hindi ito biro at huwag mong ibahin ang usapan," wika naman ni Red.
"Kuya Red kasi-"
"Sabihin mo Vicky, may iba ka bang mahal?" At muli ay ininterupt nanaman ni Red ang dapat ay sasabihin ni Vicky.
"Wala kuya, kaya lang kuya lang talaga ang tingin ko sa'yo," sabi naman ni Vicky.
"Ayos lang Vicky, maghihintay ako kung kailan handa mo na akong gustuhin." Ngumiti na lang si Red sa kanya.
Hindi naman sa napapangitan si Vicky kay Red pero parang kapatid na kasi ang turing nito rito. Sa katunayan nga ay si Red ang klase ng lalaki na every girl would dreaming for dahil sa geniun nitong gesture. Pero sabi nga ni Vicky na hindi muna niya priority ang pagboboyfriend kaya tumatanggi siya ngayon kay Red.
"Kailan?" biglaang tanong ni Vicky.
"Huh?" nagtatakang tanong nito.
"Kailan mo ako nagustuhan kuya?" tanong ulit niya.
"Nung time na paalis ka na sa bar ko. Feeling ko kasi mamimiss talaga kita ng sobra. Alam kong ilang beses na kitang pinagsabihan Vicky na lumipat na lang ng trabaho pero sh*t hindi ko pala kayang hindi kita nakikita. Dun ko lang narealize na gusto na pala kita," mahaba niyang paliwanag.
Naging speechless naman si Vicky sa sinabi ni Red.
"Sorry, hindi ko alam," sabi ni Vicky at tumingin sa ibaba.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...