Engagement
Kim's POV
Nandito ako ngayon sa office ko inaaral ang document na schedule nanaman ng Spice Girls nang may kumatok sa pinto ko kaya napalingon ako rito. Napag-alaman kong ang PA pala ng CEO ito.
Naglakad siya papalapit sa table ko at may ibinigay siyang file.
"Ikaw na lang daw muna magtali ng total expenses ng kompanya this year. Absent kasi ang may trabaho niyan eh," sabi niya.
"Oh sige," sagot ko naman at binuklat ko na muna ang file.
"Sabi ni sir hanggang mamayang hapon lang 'yan ipapasa sa kanya," huling sinabi niya bago tuluyang umalis.
Tinignan ko naman ang laman ng file at meron na dito ang mga expences ng Kingston, Spice Girls at ng sunbae nila.
Pero bawat group na nakasaad dito ay may nakalista pa kung ilan yung binayad para sa designer nila, sa mga bawat MV na nagastos nila. Nakasaad din dito ang income nila.
Kapag kasi nanalo sila sa isang music show ay may reward na pera pero sabi naman nila na expences lang so magfofocus lang ako sa expences.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo na graduate ako ng accountant kaya kapag absent yung may trabaho nito ay ako ang pinangsu-sub nila.
Hanggang sa umabot na nga ng hapon at papunta na ako sa office ni sir Matt, ang CEO ng KLM Entertainment nang masalubong ko ang anak niya kaya nagbow ako sign ng paggalang. Siguro kakagaling lang niya sa office ni sir Matt.
Dumeretso lang ako papunta sa office ni sir pero nagulat ako nang nakabukas konti ang pinto. Nagdahan-dahan akong lumapit at nagulat ako nang may nag-uusap sa loob.
"Dad, ayoko," sabi ni Mack.
"Why don't you try, alam kong deserving ka," sabi sa kanya ni sir.
"Bakit hindi niyo ibagay kay Niko ang posisyon tutal siya naman ang may gusto." Lumapit pa ako sa medyo bukas na pinto at nakita kong likuran ni Mack.
Sa pagkakaalam ko ay sabay kaming nag-apply rito bilang manager pero wala siyang binabanggit na ama niya ang CEO ng kompanya.
"Kasi ikaw ang panganay Mark. Dapat lang na ikaw ang magmana nito," sabi ni sir at lumapit kay Mack.
"Pero ayoko, mas gusto kong maging manager," sagot niya.
Nang aksidente kong nasagi ang pinto kaya napalingon silang pareho sa gawi ko. Kita ko rin ang pagkagulat ni Mack nung makita niya ako. Dahil sa nalaman naman na rin nila na meron ako ay dumeretso na ako kay sir Matt at binigay ang file.
"Natapos ko na sir," sabi ko at dumeretso na sa paglakad without looking at Mack na parang iniiwasan ko siya.
Pero nang malagpasan ko siya palabas na sana ng pinto ay hinawakan niya ang kamay ko para pigilan akong maglakad.
"Kimmy let me explain," sabi niya pero binawi ko lang ang kamay ko at dumeretso na ulit sa paglalakad.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero alam kong nakasunod lang siya sa'kin.
"Kim." Hinabol niya ako at hinarang ang daraanan ko. "Ki-"
"Anong dahilan kung bakit mo nilihim ang bagay na 'to?" tanong ko.
"Kim-"
"Sagutin mo ako!" Hindi siya sumagot at nanahimik kami ng ilang minuto hanggang sa nagdecide akong maglakad na muli pero hinawakan lang niya ang palapulsuhan ko at tinangay ako habang naglalakad kami.
"Ano ba!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya at tinangay ako papunta sa kotse niya.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero nagpatuloy lang siya sa pagdri-drive. "Ibaba mo na nga ako, ayokong sumama sa katulad mong manloloko," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...