Paghiganti
Shaira's POV
Nakangiti ako habang nakatingin sa nakuhanan kong picture nila Chandra at Topher at habang naglalakad kami papunta sa sinabing lugar.
"Nakita niyo ba sina Topher at Chandra?" tanong ni Olie kaya napalingon ako sa likuran at hindi ko na nga sila mahanap.
"Baka gusto lang nilang magkamoment," sabi naman ni Ricky.
Loka-loka si Chandra ah, iniwan niya akong isang babae na napapalibutan ng mga lalaki.
"Ah maiwan ko muna kayo diyan, may pupuntahan lang ako," sabi ni Toni na tutok din sa cellphone niya.
"Sige, magsi-alis na kayo," sabi naman ni Justine.
"May pupuntahan lang kami ni Shaira ah?" tanong naman ni Olie at tinangay na nga ako kung saan kaming dalawa lang na nakaupo sa damuhan na magkatabi.
Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko at 11:45 na. Malapit na ang countdown.
"Gusto mo ng makakain?" tanong ni Olie kaya napalingon ako sa kanya.
"Ha?" tanong ko pa.
"Stay ka lang diyan, bibili lang ako," sabi niya at tumango na lang ako.
Pero ilang sandali pa ng paghihintay ay may tumabi sa'king lalaki.
"Mag-isa ka lang miss?" tanong niya na nakahawak pa ng bote ng alak at hula ko ay lasing na ito at ang pagkakaalam ko ay nasa mid 30's na siya.
Lumayo ako konti sa kanya pero lumapit lang siya at hinawakan pa ang kamay ko.
"Ano ba!" pilit lang akong kumakawala sa pagkakahawak niya nang may kamay na humawak sa braso niya.
Tinignan ko kung sino yun at si Olie iyon. Nabitawan na rin ako ng lalaki dahil yata sa higpit ng pagkakahawak niya pero hindi ko inaasahang itinalikod niya ang braso ng lalaki sa kanya dahilan ng pag-aray niya dahil nasaktan siya sa ginawa ni Olie sa kanya.
"Don't mess up with my girl, understand?" sabi niya na siyang ikinagulat ko at mabilis na ring umalis ang lalaki.
Kinuha niya naman ang pagkain na hawak ng isang babae na sa tingin ko ay pinahawak niya kanina.
"Bakit hindi ka man lang lumaban kanina?" tanong niya habang inaabot ang footlong na binili niya at tinanggap ko rin naman ito.
"Ano yung sinabi mo kanina?" tanong ko at nagsubo lang muna siya. Pero imbes na sumagot ay tinignan lang niya ako at sunod ang pagkain niya. "Ano Olie?" tanong ko pa rin nang hindi pa sinisimulan ang pagkain ko.
"I don't know," sagot niya na halata ko ring naguguluhan siya.
"Anong I don't know? Ikaw ang sumagot nun," tanong ko pa rin.
Hindi gaya kanina ay ngumiti na siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.
"Kain ka na lang muna saka na natin pag-usapan," sagot niya.
Gusto ko sanang sabihin na ano lang kung pag-usapan namin ngayon pero hindi ko na inabala pang sabihin iyon. Kinuha na niya ang footlong ko at sinubo sa'kin.
"Kain ka na," sabi niya at nginuya-nguya ko na lang ang sinubo niya sa'kin. "Ano masarap ba?" tanong niya at tumango na lang ako.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkakasabi niya ng 'my girl'. Shaira ano ba! Mali itong nararamdaman mo. Remember may boyfriend ka kaya hindi mo dapat 'to nararamdaman sa kanya. Kailangan ko na talaga siyang iwasan pero pano, eh siya naman 'tong lumalapit? Hays ang gulo? Naguguluhan na talaga ako ngayon lalo na at hindi pa nagpaparamdam si baby. Ni happy new year o merry christmas man lang, wala.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...