Dance practice
Shaira's POV
Nang nakapili na si Lailly ng damit niya ay may kumatok sa pinto sabay sabing "Arnel, nandito na kami," sabi ni lola.
"Nandiyan na sila," sabi ko naman at binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko para salubungin sila.
Si papa naman na ang bumukas ng pinto at nang mabuksan na niya ang pinto ay pumasok na ang kamag-anak namin. Nagmano naman agad ako kay lolo at lola.
"Ay ate napanood ko yung music video mo sa youtube. Ang ganda mo dun promise," sinalubong ako ng dalawa kong pinsan na babae.
"Talaga?" tanong ko kay Dara.
Oh 'di ba pang kpop talaga ang dating. Parang si Dara Park lang ng 2en1 ang peg. (insert 2en1's Fire)
"Oo Shaira congrates," sabi naman ni Suzy.
Pang Miss A rin ang dating ni Suzy. (insert MissA's Bad girl, good girl)
Bakit kaya hindi ako natulad sa kanila na pang kpop ang pangalan. Wala kasing kahilig-hilig si nanay at tatay ng mga kpop. Eh sila tita, super fan ng kpop.
"Thank you," sagot ko lang.
Si Dara ay mas bata sa'kin ng isang taon at si Suzy naman ay kasing edad ko lang.
Magpipinsan kami dahil si Dara ay anak nila tita Imelda na kapatid ni papa at si Suzy naman ay anak nila tito Jose na kapatid din ni papa.
Nakalimutan kong meron pa pala si Lailly kaya lumingon ako at nandun na siya sa likod ko.
"Ah sige Shaira, uwi na ako," sabi naman niya at tumango lang ako. "tito uwi na po ako," sabi niya kay tatay na nandito pa rin sa sala.
Nandun kasi siya sa kusina kanina kasama ni nanay para magluto. 'Di ko alam kung ano pang lulutuin nila eh ang dami na kayang handa.
"Wait lang iha, mag-uwi ka sa inyo," sabi ni tatay kaya hindi muna gumalaw si Lailly para umuwi at bumalik si papa sa kusina para ipaghanda si Lailly ng iuuwi niya.
Nakahawak na ngayon si papa ng puting supot na may lamang tatlong tupperware. At tinanggap naman iyon ni Lailly sabay sabing, "salamat po," at tumalikod na nga siya para umuwi.
Pagtingin ko sa paligid ay wala na ang dalawa kong pinsan at pagpunta ko sa aking kwarto ay nandun na sila at pinake alaman ang mga nailabas kong damit kanina.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kanila.
"Ang gaganda ng damit mo Shaira ah, nag-improve na siya," sabi ni Suzy.
Kinuha ko na ang mga damit ko sa kanila at itinago na iyon sa aparador ko.
"Wala ba kayong pasok?" tanong ko.
"Meron pero syempre sinacrifice namin ang isang araw na pagpasok para makita ka bago ka tuluyang sumikat at baka hindi ka na namin makita kapag nangyari yun," saad muli ni Suzy.
"Makikita niyo pa rin naman ako," sabi ko.
"Sa TV na lang siguro," sabi naman ni Dara.
"Sa sobrang busy mo Shaira hindi ko maisip na makikita ka pa namin sa personal," sabi naman ni Suzy.
"Hindi naman gaano busy kapag naging sikat ka na. Nakakapaggala pa naman kami," sagot ko.
"Talaga ate?" tanong ni Dara pero biglang nalungkot ang mukha niya. "Pero mahal ang pamasahe mula sa probinsya," sabi pa niya.
"Huwag kayong mag-alala kapag nakuha ko na ang sweldo ko ay papadalhan ko kayo," sagot ko na nagpaliwanag muli sa mukha ni Dara.
"Talaga ate?" tanong niya na ikinatango ko lang.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...