Notebook
Third Person's POV
"Nasan na yun," busy sa paghahanap ang apat na dalaga sa notebook ni Vicky.
Paikot-ikot na nga sila sa cottage kung saan alam ni Vicky naiwala niya. Pero hindi nila alam na nasa kay Peter lang pala.
"Sigurado ka ba talagang dito mo lang naiwala yun Vicky?" tanong sa kanya ni Lailly.
"Oo sigurado akong dito lang," sagot naman ni Vicky.
"Baka namiss place mo lang somewhere else yun Vicky," sabi naman ni Chandra.
"Hindi, sigurado akong dito ko lang naiwan yun." Busy pa rin sila sa paghahanap nang pumunta si Ricky sa cottage.
"Girls, anong ginagawa niyo?" tanong naman nito sa kanila.
"Hinahanap namin yung notebook ni Vicky na naiwala niya dito," sagot naman ni Shaira.
"Tara swimming muna tayo, mamaya niyo na hanapin 'yan. Mag-enjoy muna tayo," saad ni Ricky.
"Oo nga Vicky, mamaya mo na hanapin para maalala mo pa kung saan mo talaga yun naiwala," sabi ni Chandra kaya wala nang nagawa pa si Vicky at sumunod na lang siya sa kanila sa dagat at dun nagtampi-tampisaw.
Idinikit naman ni Peter ang pinunit niyang letter para sa kanya ni Vicky sa nabili niyang notebook.
Hindi na siyang nag-abala pang magsulat ng informations about sa kanya na gaya ng nakita niya sa notebook ni Vicky. Sa unang page ay sulat niya agad ito para kay Vicky.
Dear Vicky,
Hindi mo naman kailangang ipamukha sa'kin na hate na hate mo ako. Saka hindi naman talaga ako masama sadyang mapang-asar lang. Nung araw na nahulog ang necklace mo sa basurahan ay hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. Basta na lang nadulas sa kamay ko kaya nahulog yun. But I swear I didn't mean it. You know, your different from other girls around kasi pilit lumalapit ang mga fans naming babae habang ikaw ay pilit naman akong linalayuan. Hanggang dito na lang muna.
Your mortal enemy,
Peter
Itinago na niya ang notebook na binili niya at ang notebook ni Vicky. Lumabas na rin siya pagkatapos nun.
Nakita niyang masaya ng nagswiswimming ang lahat maliban na lang sa kanya.
"Oh nandiyan na pala si Peter," sabi ni Topher.
"Saan ka ba pumunta Peter?" tanong naman ni Mack nang paparating na siya sa dagat.
"Ah dun lang sa taas," sagot naman niya at lumusong na rin sa dagat pero bago yun tinanggal niya muna ang t-shirt niya kaya ang apat na dalaga ay napatakip ng mata at napatalikod sa gawi niya.
Nagtilian naman ang mga nakakakita sa kanyang mga dumadaang babae.
Pumunta na siya sa kasamahan niya sa malalim na part ng dagat. Alam naman nilang lahat lumangoy.
Pero ang apat ay nasa hindi masyado malalim na part ng dagat at pati na rin si Kim dahil hindi rin niya alam lumangoy.
"Tara na dun," pinipilit ni Mack si Kim na pumunta sa mga lalaki which is sa malalim.
"Hindi ko nga alam lumangoy," reklamo ni Kim.
"Tignan mo sila." Tinuro ni Shaira ang dalawa habang nagpipilitan naman sila. "Parang may something sa kanila 'di ba?" tanong pa niya.
"'Yan din ang iniisip ko," sabi naman ni Chandra.
"Sige na, ipipiggy back ride kita habang lumalangoy," sabi naman ni Mack sa kanya.
"Huwag mo akong ihuhulog ah?" tanong ni Kim sa kanya.
"Hinding-hindi ko hahayaang mangyari yun dahil nandito naman akong sasalo sa'yo kapag mahuhulog ka," sabi pa ni Mack.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
