Chapter 44: Birthday Surprice

88 21 0
                                    

Birthday Surprice

Third Person's POV

"Sorry magcocommute tayo, wala naman akong sasakyan," sabi ni Vicky.

"Sabihin ko na lang sa driver namin na ipagdrive tayo," sabi niya at bumalik siya sa loob para sabihin ito sa kagroupmates niya at tinawagan lang nila ang driver nila.

Ilang saglit na nga ay dumating na ang driver.

"Tara na sir," sabi ng driver at sumakay na rin ang dalawa sa van.

Una silang bumaba sa national bookstore at pinaalala ni Vicky ang tungkol sa libro na pinag-agawan pa nila. May konting eksena ang nagflaflash sa alaala niya pero hindi lahat. Sunod silang pumunta sa Enchanted kingdom at sumakay naman sila ng ferris wheel na gaya rin ng sinakyan nila noon. At gaya rin sa bookstore kanina ay may naalala rin siya konti.

"Ngayon punta naman tayo sa malayo," sabi ni Vicky kay Peter nang makasakay na sila muli ng van.

"Saan naman?" tanong ni Peter pero wala siyang balak sagutin ang tanong niya. "Ang layo naman," sabi ni Peter nang kalahating oras pa lang siya nakaupo sa sasakyan.

"Malapit na tayo, konting tiis na lang," sagot naman ni Vicky.

Nakatiis naman si Peter ng kalahati pang oras.

"Nandito na tayo," sabi ni Vicky nang pababa na sila sa van.

"Sa Mediz resort?" Nabigla si Vicky sa sinabi ni Peter.

"Naalala mo?" tanong ni Vicky pero nadismaya siya sa sinagot nito.

"Nabasa ko lang dun," sabi niya at tinuro ang signage ng resort.

"Halika," sabi niya at naglakad-lakad na muna sila sa buhangin.

Napatingin naman si Peter sa relo niya. "Alas dose na pala, kaya pala gutom na ako," parinig niya kay Vicky kasi hindi na nagawang mag-almusal pa ni Peter dahil sa kakamadali ni Vicky sa kanya.

"Halika, kain na tayo at madami pa akong ipapakita sa'yo," sabi ni Vicky at hinila na si Peter papunta sa restaurant nitong resort.

Si Vicky ang nagbayad kasi wala ring nadalang wallet si Peter. Hindi naman na gaya noon si Vicky na nakabudget lang talaga ang laman ng wallet.

Tuloy-tuloy lang sa pagkain si Peter nang nakatingin lang sa kanya si Vicky.

"Bakit 'di ka pa kumakain?" tanong ni Peter sa kanya.

"Ahh," sabi naman ni Vicky at nagsimula na ring kumain.

"Nabusog ako dun, salamat ha? Babawi ako next time," sabi ni Peter nang palabas ma sila sa restaurant.

"Kahit huwag na," sagot ni Vicky.

"Saan na tayo?" tanong muli ni Peter.

"Dito," sabi naman ni Vicky at hinila siya papunta sa cottage kung saan ay dun niya kinuha ang notebook ni Vicky noon.

"Anong gagawin natin dito?" nagtataka namang tanong ni Peter.

"Wala ka bang naalala dito?" Parang nawawalan na ng pag-asang sabi ni Vicky.

"Wala talaga," sagot ni Peter.

Pansin ni Peter ang paglungkot sa mukha ni Vicky.

"Uwi na rin tayo, wala rin naman pala akong mapapala sa pag-papaalala sa'yo." Tumayo na si Vicky at nagstep na palabas ng cottage nang pigilan siya ni Peter.

"Baka hindi ko na maalala pero please ipaalala mo pa rin sa'kin mga alaala natin noon. I want to know," nagkaroon muli ng pag-asa si Vicky at kwinento na lang niya ang mga nangyari dito sa resort ng tatlong araw at pinili pa ni Vicky na idaan siya sa Eden garden bago sila umuwi.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon