Anniversary concert
Third Person's POV
Kinaumagahan ay maaga silang naghanda para pumunta sa venue kung saan gaganapin ang concert nila. Nakahawak pa si Vicky sa pendant ng necklace na binigay noon ni Fed.
"Kayo ang lucky charm ko, para sa inyo ang performance na 'to," sabi ni Vicky sa kanyang sarili bago tuluyang pumasok sa dressing room.
Sa ospital naman ay bigla na lang nagising si Peter sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog. Napahawak siya bigla sa kanyang ulo.
'Bakit feeling ko ang importante ng araw na 'to?' tanong niya sa kanyang sarili nang magising na rin ang step mother niya na nagbabantay sa kanya.
"Gising ka na," sabi niya.
"S-sino ka?" tanong ni Peter sa step mother niya.
"Ako ang step mother mo Peter," sabi naman niya.
"Ah Peter ba pangalan ko?" tanong niya. "Parang akong bagong silang na bata, wala akong naalala kahit konti."
"Dahil yun sa sakit mo Peter at inoperahan ka sa ulo kaya nawala mga alaala mo," sagot naman ng step mother niya.
"Ganun ba mama?"
Unang nag-entrance ang apat papuntang stage at hanggang sa nagsimula ng tumugtog ang music nila.
Kitang-kita ni Vicky iyon mula sa backstage pero nakapalit naman na sila ng damit at nakaayos na rin.
Una nilang sinayaw ang kalalabas lang na kanta nila which is 'as if it's your last,' nang tapos na nila itong sayawin ay nagline na silang apat sa harapan.
"Hi, ako si Lailly Soliven of Spice Girls the main visual and sunbae of the group," pagpapakilala ni Lailly.
"Hello, I'm Chandra Villejo of Spice Girls, the main rapper and center of the group," pagpapakilala naman ni Chandra.
"Hello sa inyo. Ako si Shaira Cruz of Spice Girls, the main vocalist of the group," pagpapakilala naman ni Shaira sa kanyang sarili.
"Hi everyone, some of you may asking why I'm here of this group instead of Vicky but sadly I replaced her," naging tahimik ang lahat dahil sa speech ni Kristy. "I'm Kristy Guzman of Spice Girls, the main dancer and face of the group," pagpapakilala ni Kristy sa kanyang sarili but not unlike to the other members na pagkatapos nilang magpakilala ay naghihiyawan sila.
Nung siya na ang nagpakilala ay tahimik lang ang audience. Napatingin ang tatlo kay Kristy na maluha-luha na.
"By the way we invited several guest for you to enjoy their performances and there's more. We have unexpected guest that we invite for tonight, she will be performing at the end of our guest's performance," paliwanag ni Chandra. "So are you ready?" tanong muli niya.
Naghiyawan na ang audience.
"Hindi namin kayo marinig, ready na ba kayo?" tanong naman ni Shaira at mas lumakas pa ang hiyawan ng audience at bumaba na nga sila sa stage para makapagperform din ang ibang grupo at ngayon ay ang Kingston na ang magpeperform.
"Step mom," pagtawag ni Peter sa step mother niya kaya napalingon siya rito. "Kanina ko pa napapansin na parang iba ang araw na 'to, para bang pinaghandaan ko ng matagal," tanong ni Peter sa kanya.
"Peter, ang totoo kasi niyan ay concert ng Spice Girls ngayon-"
"Spice Girls?" pag-interrupt niya sa sasabihin ng kanyang step mom.
"Isa silang grupo na may apat na myembro," sagot niya. "At magpeperform kayo sa concert nila," wika niya.
"Gusto kong pumunta step mom," sabi niya at tinanggal na agad ang swero na kinabit sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...
