Chapter 27: Prince charming

76 22 0
                                    

Prince charming

Third Person's POV

Nagdisisyon ang tatlo na pumunta muna sa mall dahil wala rin naman silang magawa sa dorm nila.

"Sayang, hindi natin nakasama si Vicky," malungkot na saad ni Shaira.

"Mabait kasi siyang estudyante at hindi gaya sa'tin na tinatamad ng pumasok," ani naman ni Chandra.

Marami na rin silang pinamili dahil nakuha na nila ang pangalawang sahod nila. Si Shaira ay ibinigay ang ilan sa sahod niya sa kanyang magulang.

At ngayon ay kumakain sila sa isang Italian restaurant.

"Ang sarap pala ng pagkain nila dito," sabi ni Lailly.

"Kain ka pa Lailly, marami pa oh," sabi ni Shaira at ibinigay pa sa kanya ang inorder nila.

"Salamat ha?" sabi niya at tinanggap ang ibinigay ni Shaira.

Pero binawi lang iyon ni Shaira. "Ano ka, ikaw lang ang mabubusog ganun? Habang kami konti pa lang ang nakain?"

"Eh 'di sa inyo na. Hindi naman na rin ako gutom." Ibinalik na nga ni Lailly ang ibinigay ni Shaira.

"Hindi raw gutom pero nakailang plate na siya," sabi ni Chandra sa kanya.

Nang ilang sandali pa ay may tumabi kay Chandra at umakbay pa ito sa kanya.

"Kay babae niyong tao pero ang galing niyong kumain," sabi ni Topher at sumubo ng isang siomai sa plato ni Chandra.

"Ano ba!" sabi naman ni Chandra at tinanggal ang pagkakaakbay ni Topher.

"Sinusulit lang namin ang time na konti-konti lang ang kinakain namin," sabi naman ni Shaira.

"Nasan si Vicky?" napalingon sila dahil sa nagsalita at napag-alaman nilang si Peter pala iyon.

"Pumasok siya," maikling sagot ni Chandra.

Isa-isang tinignan ni Shaira ang mga Kingston members pero wala doon ang hinahanap niya.

"Nasan si Olie?" tanong niya sa mga ito.

"May sarili siyang lakad," sagot ni Topher.

"Saan naman?" tanong ulit ni Shaira.

"Ewan. Humiwalay siya sa'min kanina nang makarating na kami dito," sagot ulit ni Topher.

Napatango na lang si Shaira sa sagot niya.

"Uy, hinahanap siya." Sinundot-sundot pa ni Ricky ang tagiliran ni Shaira.

"Ano ba. Huwag niyo ngang bigyan ng malisya yun. Malamang siya lang ang nawawala sa inyo," sagot ni Shaira kaya natahimik sila.

"Hays, kailan kaya matatapos si Lailly kumain?" Napansin ni Chandra na kanina pa kumakain si Lailly.

"Ah," nahiya niyang tinigil ang pagkain. "Sorry, hindi kayo gutom? Kain tayo," sabi niya sa mga lalaki.

"Tapos na kaming kumain. Nadaanan lang namin kayo," sagot ni Toni.

"Punta lang ako sa cr," tumayo na si Shaira sa kanyang upuan.

"Hintayin mo na si Lailly kumain at sasamahan ka namin," sabi naman sa kanya ni Chandra.

"Huwag na, ako na lang," sagot ni Shaira at pinabayaan na lang nila si Shaira mag-isa na pupunta sa cr.

Hinanap niya muna ang cr bago siya pumasok sa loob. Lumabas na nga siya sa isa sa mga cubicle at naghugas ng kamay. May nakasabay siyang mga teenager na mas bata sa kanya at yung iba ay nagpapapicture sa kanya.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon