Chapter 10: Mall

143 39 33
                                    

Mall

Shaira's POV

Pagbangon ko sa higaan ko ay nakita ko agad ang sikat ng araw. Hala umaga na pala kaya nagmadali na akong pumunta sa banyo para maligo.

At nakita yata ako nila nanay na kasalukuyang kumakain sa hapag.

"Bakit nalate ka ng bangon ngayon Shai?" rinig kong tanong ni nanay pero hindi ko na inintinding sagutin pa at nagbuhos na lang ako ng tubig sa katawan ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. At tatakbo na sana palabas ng bahay nang nagsalita pa si nanay.

"Hindi ka na kakain nak?" tanong niya habang naghuhugas na ng plato.

"Hindi na nay kasi late na late na late na ako," sabi ko bago tumakbo ulit palabas na ng bahay. Nasa malapit na ako ng gate nang may nagbusina sa tabi at tinignan ko naman ito at nakita kong palabas na mula sa kotse si sir Michael, ang boyfriend ko.

Oo teacher ang boyfriend ko pero inililihim namin iyon sa publiko. Ang alam lang nila ay magkaibigan lang kami. Magtotwo years na nga kami eh.

"Sabi ko na nga malelate ka, tignan mo ang laki na ng eyebags mo," patawa-tawa niyang sabi.

"Kagabi lang naman ako nagpuyat 'no. Lalaki agad eyebags?" sabi ko habang pahawak-hawak ako sa ibaba ng mata ko.

"Joke lang, halika na nga," sabi niya at inakbayan na ako papasok sa gate.

Binuksan naman agad ng guard ang gate. Syempre may ID ako. Dito kasi sa school namin ay may 'no ID, no entry' policy.

"Ang gwapo mo ngayon baby," pagbola ko.

"Araw-araw naman akong gwapo 'no," pagmayabang niya.

At hanggang sa magseseperate ways na kami papuntang room namin at Senior high school teacher's nook naman ang punta niya.

"Bye. Text-text na lang tayo. Wala kasi akong time para makapagkita tayo dahil full load ako ngayon," rason niya.

"Okay, naiintindihan ko," malungkot kong saad.

Pero hinawakan niya lang ang magkabilang pisngi ko at inangat ang ulo ko para matignan ko ang mga mata niya.

"Huwag ka ng mag-alala, magkikita pa naman tayo mamaya eh," sabi niya.

Siya kasi ang laging naghahatid sa'kin. Pero hindi niya ako pwedeng sunduin dahil hindi pa alam nila nanay at baka mapagalitan ako.

"Smile ka na okay?" Nakabusangot pa rin kasi ako.

"Okay sige na bye," sabi ko na lang at tumalikod na papuntang room.

Pero nang nakailang hakbang na ako ay muli akong lumingon at nalaman kong nakatingin pa rin siya sa'kin. At kumaway-kaway lang siya. Ngumiti naman ako sa kanya at sinenyasan niya akong magpatuloy na sa paglalakad kaya lumingon na ulit ako sa harapan.

Anak ng pating! Nakalimutan ko na late na pala ako. Kaya binigay ko na ang lahat ng makakaya ko para tumakbo. Para lang makarating na agad ako sa room.

Hingal na hingal akong nakarating.

"Sa wakas nakarating na rin si Shaira," rinig kong sabi ng boses ni Lailly.

"Bakit walang teacher?" tanong ko habang papunta pa lang sa upuan ko at ibinaba na nga ang bag ko sa aking upuan.

"Absent daw si ma'am," sagot naman ni Hannah, ang isa sa mga kaibigan ko.

Pero sa totoo lang hindi pa nila alam na kasali kami sa bagong grupo na magdedebut next week. Bawal pa raw sabihin sabi ni manager Kim.

Marami na rin akong nababasang articles about sa bagong group na imamanage ni manager Kim. Siya kasi ang isa sa mga sikat na manager.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon