Outing
Third Person's POV
"Sa dami kasi ng mga batang nagmomotor ng mabilis eh muntikan na siyang mamatay," sabi ng driver.
"Pati na rin tayo malapit ng mamatay dahil sa batang yun," sabi naman ni Kim.
Meron kasing nag-over take sa kanila kanina kaya napalakas ang driver sa pagbreak.
"Mamatay agad ate? Hindi ba pwedeng mainjured muna?" pilyong saad ni Topher.
"Ikaw talagang bata ka," sabi ni Mack sa kanya para na rin maprotektahan si Kim.
"Nasaktan ba kayo?" tanong ng driver.
"Hindi naman kuya," sabi ni Peter.
"Hindi kayo pero sa amin oo," sabi naman ni Ricky kaya dahil dun ay lumingon silang lahat sa kanilang tatlo sa likod.
"Okay na kami, huwag niyo na kaming alalahanin," sabi naman ni Toni.
"Huwag kayong mag-alala malapit na tayo. Lalagyan natin ng ice ang mga ulo niyo," sabi ni Mack kaya dahil dun ay napalingon ulit sila sa harapan.
Isang oras pang byahe nila na hindi sila masyado nag-iingay.
"Bakit ang layo?" tanong ni Justine habang pababa na sila ng van.
"Mas maganda kasi ang mga resort dito compared sa atin," sagot naman ni Mack.
Namangha naman sila sa kanilang nakita dahil ang ganda ng beach na natatanaw nila sa gilid nito ay may building na kung saan dun ang tuluyan ng mga pumupunta sa resort.
"Nakapagbook na ako sa hotel nila. Tatlong rooms in three days," sabi ni Mack habang linilead niya ang daan papunta sa hotel.
"Boys, maghahati kayo sa dalawang kwarto pero dapat tig-apat lang kasama na ako dun, at ang isang room naman ang para sa mga babae," mahaba pang salaysay ni Mack.
Pagpasok nila sa hotel ay dumeretso na si Mack sa reception at sunundan lang din siya ng mga kasama niya.
"I book a rooms," sabi niya sa lalaking receptionist.
"Your name sir?" tanong naman nito sa kanya.
"Mark John Mendez," sagot lang niya.
"Here's your key sir," binigay na ng receptionist ang tatlong susi para sa tatlong kwarto na kinuha nila.
Kinuha na rin naman ng isa pang lalaki ang mga luggage nila at ilinagay sa paglagyan na may gulong at sumunod din sila sa kanila hanggang sa makarating na sila sa mismong harapan ng mga kwarto nila ay ibinalik na niya ang mga bagahe nila.
His point is para hindi sila mahirapan habang paakyat sila sa kanilang kwarto.
"Peter, Topher, Olie and Zack sa iisang kwarto." As they hears their names ay napalingon sila kay Mack. "At sa mga hindi natawag ay sa isa tayong kwarto," sabi ni Mack.
Nagsenyales naman ang unang natawag na apat dahil magagawa nila ang gusto nila. Makakapag-ingay sila hangga't kailan nila gusto dahil walang magbabantay sa kanila.
Habang nakabasungot naman ang tatlo nang papasok na sila sa kanilang kwarto.
At kanina pa nakapasok sa loob ang mga babae. Namili na sila ng kanilang bed at tumalon-talon na si Shaira sa bed habang si Chandra naman ay humiga na at sina Lailly, Vicky at Kim ay nakaupo sa gilid ng bed.
Dalawa kasi ang bed dito at malaki rin ang mga ito. Sina Lailly, Vicky at Shaira ang magkakatabi samantalang sa isa naman ay sina Chandra at Kim.
"Manager-"

BINABASA MO ANG
Spice Girls (Complete)
Fanfiction(Complete) Magkakaibang istorya ng buhay, nagtipon-tipon para sa iisang layunin- at yun ay para pasayahin ang kanilang manonood. A Spice Girls is a girl group that consist of four ladies that will burn the stage if they perform. Started: July 1, 201...