Chapter 38: Next plan

73 17 0
                                    

Next plan

Third Person's POV

Sumakay na silang lahat sa van ng Kingston kasi nagcommute naman ang Spice Girls at hindi nila dinala ang van nila.

"What if ipasyal natin si Shaira? Ngayong nakalabas na siya ng ospital," suggestion ni Vicky nang umaandar na ang sasakyan nila.

"Oo nga Vicky magandang ediya," sabi naman ni Topher.

"Pero magpalit muna ako sa dorm," sabi ni Shaira kaya dahil dun ay dumeretso na muna sila sa dorm ng Spice Girls hihintayin si Shaira na makapagpalit.

Nang nakalabas na nga si Shaira sa kwarto niya ay nagtungo na ulit sila sa van.

"Saan tayo?" tanong ni Peter.

"Saan ba magandang pasyalan?" nagtataka namang tanong ni Chandra.

"Sa Enchanted kingdom," suggestion ni Lailly.

"Oo nga enjoy dun," sabi naman ni Vicky.

"Manong sa Enchanted kingdom tayo," sabi ni Topher na katabi lang ng driver.

Nagsibabaan na sila nang makarating na nga sila sa kanilang destinasyon. Dumeretso na rin sila agad sa loob. Humiwalay si Justine sa kanila kasi wala naman siyang kahilig-hilig diyan at isa lang ang makakadescribe sa kanya- isa siyang dakilang KJ. Mas gugustuhin niyang mapag-isa kaysa magsaya kasama sila. Naghanap na nga siya ng mauupuan at dun nag-online na lang sa phone niya.

"Saan tayo una?" tanong ni Olie.

"Sa ferris wheel," sagot ni Shaira.

"Mas maganda kung huli nating sakyan ang ferris wheel Shaira," sabi sa kanya ni Chandra.

"Hindi pa kasi ako nakasakay diyan," sagot niya.

"Dun muna tayo," sabi ni Lailly at tinuro ang roller coaster.

"Oh sige," sang-ayon naman nila at hanggang sa marami na silang nasakyan at ngayon ay pipila na sila para sumakay sa ferris wheel.

"Hihiwalay kami," sabi ni Peter at nakahawak sa kamay ni Vicky.

Napatingin lang din si Vicky sa kamay nila. Gustong magprotesta si Vicky pero may part din naman sa kanya na gusto niya iyon. Hanggang sa umabot na sa kanila ang pila ay nagbayad na sila ng ticket nila.

Pinagbawalan pa sila ng guard na tumuloy sila sa pumasok sa isa sa mga upuan dahil hindi sila kakasya. Dapat daw ay tig-apat lang. So nagdevide na sila sa dalawang grupo. Ang nagsama ay sina Chandra, Topher, Olie at Shaira. Tapos sa isa naman ay sina Lailly, Zack, Toni at Ricky at dahil magsasarili daw sina Peter at Vicky ay hindi na sila nasama sa bilang. Nagkanya-kanya na nga sila ng sakay.

"Ganito pala feeling ng sumakay rito," sabi ni Shaira nang paakyat na ang sinasakyan nila.

"Mas maganda pa pag nasa taas ka na talaga, makikita mo ang kabuuan ng Enchanted kingdom," sabi naman ni Olie.

"Wow oo nga," sabi ni Shaira nang narating na nila ang mismong tuktok at habang nakadungaw siya sa bintana.

Tahimik lang naman ang dalawa na kasakayan nila Shaira at Olie habang magkatabi sila at habang nakatingin sila sa dalawa na sweet na sweet na parang magkasintahan talaga.

"Wow, ang ganda pala talaga rito," sabi ni Lailly habang nakadungaw rin sa bintana.

"Ngayon ka rin ba nakasakay rito?" tanong ni Zack sa kanya.

"Hindi, nakasakay na ako minsan, nung bumawi si papa dahil hindi nanaman niya naalala ang birthday ko," malungkot na saad ni Lailly. "Wala namang taon na naalala niya ang birthday ko eh. Hanggang bawi na lang siya palagi," sabi pa niya at tinap-tap na lang ni Zack ang likod ni Lailly nang feeling niya ay luluha na ito.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon