Chapter 26: October-comeback

89 22 0
                                    

October-comeback

Vicky's POV

Dumeretso muna kami sa living room para dun tumambay tutal wala na rin naman kaming ginagawa.

"Ang lakas ng ulan ngayon ah, may bagyo yata," sabi ni Lailly nang paupo na kami sa sofa.

Pansin ko rin yun. Umuulan-ulan naman paminsan-minsan pero hindi gaya ngayon na pati hangin ay malakas.

"Buksan niyo nga yung TV para makapanood tayo ng news," utos ko at sinunod din naman nila ito.

"Aasahan natin ang malakas na pagbugso ng ulan sa metro Manila buhat ng paparating na bagyo. At aasahan natin ang pagsignal #2 sa sinabing lugar bukas," sabi ng reporter sa TV.

October na nanaman kasi bukas kaya pinagbabagyo nanaman.

"October na pala bukas, ang bilis ng panahon," sabi ni Shaira.

"Oo nga," sagot naman ni Lailly.

Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Bigla kong naalala si mama, kumusta na kaya siya? Kumakain ba siya ng maayos? Hays, pano ba kasi magpababa ng pride?

Nung gumagabi na nga ay nagsipuntahan na kami sa kwarto namin. At natulog na nga ako.

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising dahil magprapractice ulit kami. Maaga na kami ngayon kasi sa hapon naman ay ang Kingston ang magprapractice. Dahil may comeback na rin sila ngayong October. Kami kasi ay muntik ng araw-araw ang pagprapractice pero ang Kingston ay by schedule na lang.

Dumeretso na nga kaming nagpractice nang makarating kami sa building. Time passes by at lunch na. Dito na kami kumain, nagbaon na rin naman kami from our dorm.

Nang tumayo na ako para magrefill ng bottle ko sa water dispenser ay natigilan ako dahil sa sinigaw ni Shaira.

"OMG, Vicky may dalaw ka ba ngayon?" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"May tagos ka Vicky," sabi naman ni Chandra kaya tinignan ko naman ang pants ko at tama nga sila. May tagos ako.

"Hala, 'di ko alam," sagot ko.

"Tara, samahan ka na naming bumili ng pads," tumayo na si Shaira pero tumanggi lang ako.

"Hindi, ako na. Kaya ko namang bumili mag-isa," sagot ko naman.

Ipinulupot naman ni Lailly ang jacket niya sa bewang ko, "gamitin mo muna," sabay sabi nito.

"Salamat," sabi ko naman at nagtungo na nga sa labas.

Wala namang ulam ngayon, malakas na hangin lang. Nalalakad lang din naman ang convinient store dito kaya okay lang na huwag ko ng guluhin ang driver para lang idala ako sa tindahan pero hindi pa man ako nakalayo ay bumugso na ang malakas na ulan.

Shocks! Ano ba naman ito. Bawal pa sana akong maulanan eh.

Nakastay lang ako roon at nagcover ng ulo gamit ang kamay ko nang maglalakad na sana ulit ako ay sa pagstep ko pa lang, naramdaman kong wala ng tumutulo sa ulo kong ulan pero nakikita ko naman ang pagbagsak nito sa lupa kaya nilingon ko sa taas at may payong pala rito. Nilingon ko naman kung sinong may hawak ng payong.

"Bakit ka nandito kuya Red?" tanong ko.

"Napadaan lang ako," sabi niya. "Saka bakit ka ba nagkaulanan?" tanong niya.

"May bibilhin lang sana ako," sagot ko.

"Ako na bibili," sabi niya at pumunta kami sa silong. "Stay ka na lang dito," sabi ulit niya sa'kin.

"Hindi, ako na bibili kuya," sagot ko.

"Ako na, ano bang bibilhin mo?" tanong niya.

"Ano kasi..." nahihiya pa akong umiwas ng tingin.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon