Chapter 31: Couple shirt?

78 16 0
                                    

Couple shirt?

Lailly's POV

Naghahanap ako ngayon ng t-shirt para suotin ngayon. Kasi magkikita kami ni Zack mamaya. Nang makita ko sa cabinet ko ang paborito kong damit na kulay yellow. Kinuha ko naman ito at may nasama ring t-shirt na ganito rin ang design pero mas malaki nga lang.

Saan ko kaya nakuha 'tong isa? Pinili kong isuot ang mas maliit na kulay yellow at nagshort lang naman ako ng kulay white.

Ilang saglit pa nga ay dumating na si Zack sa park kung saan ako naghintay. Pero hindi ko alam kung bakit siya natigilan nang makita ako.

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong niya na tinuro pa ang t-shirt ko.

"Binigay ni papa 'to bakit?" tanong ko naman.

"Eh may ganyan din kasi ako pero nawawala sa bahay," sagot ni Zack.

"Ganito din ba kulay at design?" tanong ko muli sa kanya.

"Oo ganyan na ganyan," sagot lang niya.

"Baka yung nasa cabinet ko," sabi ko. "Kunin natin mamaya sa dorm," sabi ko pa na sinang-ayunan niya.

Kumakain na kami ngayon ni Zack ng street food sa park, libre niya eh.

"Ang sarap talaga ng fishball," sabi ko.

"Gusto mo palagian tayo rito?" tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Hindi pwede uy, pano kung busy ang sched natin pareho?" tanong ko naman kaya napaisip siya.

"Oo nga 'no. How about kapag free lang tayo tulad ngayon?" sabi niya.

"Pwede lang din basta ba pagkain na libre." Natawa siya sa sinabi ko.

"You know what, you're funny," sabi niya kaya napalingon muli ako sa kanya.

"Ah eh funny ba?" Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Natahimik lang kami habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Ahm Zack," pagtawag ko sa pangalan niya dahilan ng paglingon niya sa'kin na waring nagtatanong.

"Bakit nga pala ako ang gusto mong kasama?" tanong ko kaya napaisip siya muli at ibinaba ang pagkain niya sa tabi niya sa upuan at pinisil ang dalawa kong pisngi.

"Kasi ang cute-cute mo," sabi niya kaya nagpout lang ako habang pisil-pisil pa rin niya ang pisngi ko.

Kinuha na rin niya ang pagkain niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Yun ba talaga ang dahilan?" masuspetsa kong tanong.

"Oo naman. Bakit may iba pa bang dahilan?" tanong niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Malay ko sa'yo kung may iba ka pang dahilan," sabi ko naman.

"Tsanga pala, nakarecover ka na ba sa pagkawala ni tito?" tanong niya at tumingin lang ako sa ibaba at tinigil muna ang pagkain.

"Medyo natatanggap ko na ang pagkawala ni papa dahil may bago na akong pamilya na tanggap ako," saad ko. "At saka sigurado ako na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari kay papa iyon," sabi ko pa.

"Smile ka na, deserve mong maging masaya," sabi naman niya dahilan ng pag-ngiti ko.

"Salamat," sabi ko.

"Saan?" tanong naman niya.

"Para sa pagcomfort mo sa'kin," sagot ko sa kanya.

"Wala yun," sabi niya at tumayo na. "Halika na," sabi pa niya at saktong naubos naman na ang kinakain namin.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon