Chapter 24: Burial

84 22 0
                                    

Burial

Lailly's POV

Matulin ang pagtakbo ng oras at ngayon ay umaga nanaman. Malapit na ngang mag-eight ng umaga.

Hinihintay ko lang talaga para makapunta na ako at baka sabihing excited akong makita siya kapag nakarating ako dun ng wala pa sa oras.

Pagkarating ko sa dati naming pinagkikitaan ay nakangiti siyang sumalubong sa'min. Nagfake smile na lang din ako sa kanya bago umupo sa napili niyang table.

"Bakit nga pala naisipan mong magkita tayo ngayon?" pagsimula kong tanong.

"Gusto ko lang sanang itanong sa'yo kung pwedeng maglevel up na tayo from dating to magjowa," nakangiti pa rin niyang tanong.

At kitang-kita ko pa ang dimples niya dahil sa kanyang pag ngiti.

Pigilan mo ang sarili mong kiligin Lailly. Oo, nagwagwapuhan ka sa kanya pero sasaktan ka lang niyan. Curious ako kung ilang babae na ang napaiyak nitong mokong na 'to.

"Lailly?" tanong niya na nagsnap pa ng daliri sa harapan ko.

Hala, nakakahiya. Natulala ako sa harapan niya.

"Ah eh ano ulit yun?" tanong ko.

"Tinatanong ko kung pwede na bang maging tayo?" tanong naman niya.

"I'm sorry," sabi ko lang at tumayo na sa pagkakaupo ko at akmang aalis na sana nang hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapalingon ulit ako sa kanya.

"Anong sorry Lailly?" tanong niya kaya hinarap ko muli siya.

"Kristof, pinuputol ko na ang ugnayan natin," sabi ko at dahil dun ay napatayo na rin siya.

"Lailly, ano bang sinasabi mo? 'Di ba dating na tayo tapos bigla kang magkakaganyan?" naguguluhang saad ni Kristof.

"Narealize kong hindi pala kita gusto," diretso kong sabi.

Ayaw ko talagang makapanakit ng iba kaya tinatagan ko talaga ang damdamin ko para masabi ko ang mga bagay na yun at para mapalayo ang loob niya sa'kin.

"Lailly naman," sabi niya at pilit hinahawakan ang kamay ko pero inilalayo ko lang ito.

"Final na ang disisyon ko Kristof," huli kong sinabi bago tuluyang umalis sa lugar na yun.

Sobrang bilis ng pag-uusap namin. Napapaisip pa nga ako kung ganun na ba talaga ako kaharsh at napalayo ko siya sa'kin ng ganun kabilis.

Sabagay hindi naman kasi totoo ang pinapakita niya  kaya kahit ano pa man ang salitang bitiwan kong masasakit sa kanya ay walang epekto sa kanya. Kasi nga isa lang naman akong laruan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad and expected na hindi niya ako sinundan. Expected ko naman na yun so bakit pa ba ako masasaktan?

"Oh anong nangyari?" tanong ni Shaira.

Hinintay kasi nila ako sa may labasan ng restaurant kaya mabilis ko ring sinabi sa kanya na kailangan na naming lumayo sa isa't-isa.

"Nung una ayaw niya pero kinalaunan ay hinayaan lang niya akong umalis. Alam ko naman kasi na hindi ako mahalaga sa kanya," sagot ko.

"Tama nga 'yang disisyon mo Lailly. At huwag mo nga siyang panghinayangan. May darating ding mas better kaysa sa kanya," sabi naman ni Vicky.

"Tara na," sabi ni Chandra at sumakay na nga kami sa van.

Pinaandar na rin ng driver ang van pauwi ng bahay namin. Pagkarating namin ay tinatawag pa nila ako pero nagpatuloy lang ako sa pag-akyat ng aking kwarto. Ang bigat kasi ng nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon