49. Fly

58 2 0
                                    

Jungkook's POV

"Maknae mamimiss namin kayo"sabi ni Jin hyung. Jusko! Aalis lang kami ni Bunny ng 2 weeks at pupunta ng Paris

"Hyung 2 weeks lang naman eh"sabi ko.

"Kahit na. Walang mang-aasar saamin. Wala rin kaming maasar. Tapos wala nang mang-bubully saamin"sabi ni V hyung at nag-fake cry.

Parang mamatay ako. Eh aalis lang naman ako eh.

"Sige. Bibilhin ko kayo ng pasalubong" sabi ko.

"Yung masarap ah!"sabi ni Jimin hyung.

"Bakit? Sino ba ang nag-sabi na pagkain ang bibilhin niya. Puwedeng mga bagay."sabi ni Suga hyung. Psh! Inaalala lamg niya yung pillow niyang nawala.

"Hay! Jungkookie mamimiss kita!"sabi ni J-Hope hyung. Para siyang isip bata.

"Mamimiss ka naming lahat. Pero Jungkook marami daw mga magnanakaw sa Paris. Medyo dangerous daw iyon. Kaya mag-ingat ka at alagaan mo si Nayeon. Hindi puro fun at laro ang inaatupag mo" sabi ni Rap Mon hyung. Hay. Thank you mayroon na akong nakitang matino na kausap.

"Oo naman hyung ako pa"sabi ko.

"Ang yabang mo talaga alis ka na nga. Baka mamaya mainip si Nayeon noona sayo dahil wala ka pa tapos hahanap ng iba!"sabi ni Jimin hyung. Tinatakot pa niya ako eh alam ko ako lang ang mahal ni Bunny ko.

"Oo na sige na"sabi ko at pumunta sa kotse dala dala yung maleta ko.

Nag-drive ako papunta sa bahay nila. Bumusina ako at nakita ko siyang lumabas dala dala yung maleta niya. Bumaba muna ako sa kotse at kinuha ang maleta niya.

"Alagaan mo siya don Jungkook"sabi ni Jihyo noona.

"Oo noona. Halikana bunny"sabi ko at nilagay ang maleta niya sa likod ng kotse tapos pinangbukas ko siya ng pintuan sa harap at pumasok na siya.

"Kookie"sabi niya.

"Hmmm?"

"Alam mo ba kung ano ang puwedeng gawin doon?"tanong niya. Hindi siya nag-research. Haha!

"Oo naman! Ako pa! Marami akong alam na lugar na puwedeng puntahan doon. Isa na yung Eiffel Tower doon" sabi ko pero walang sumasagot saakin.

Tumigin ako sandali kay Nayeon noona at nakita kong natutulog na siya. Napangiti nalang ako.

"Baby Bunny"sabi ko habang ngumingiti.

*After 30 minutes*

Nandito na kami sa airport at tulog pa si bunny. Kaya inalis ko muna yung seatbelt ko at lumapit sakanya. Hinalikan ko yung pisngi niya.

"Bunny ko gising ka na"sabi ko at dahan dahan niyang binuksan yung mata niya. Nung nakita niya ako ngumiti siya saakin.

"Nandito na tayo"sabi ko.

Bumaba na kami at pumunta na kami sa airplane namin.

"Kookie gusto ko sa tabi ng window"
sabi niya

"Sige"

Tapos umupo na siya sa upuan na katabi ng window.

(After the flight)

Nandito na kami sa hotel namin.

"Bunny matulog ka pa 2am palang dito"sabi ko at humiga sa kama.

"Pero 9:00 na sa Pilipinas eh"reklamo niya.

"Sumunod ka nalang saakin"sabi ko.

"Fine"sabi niya at tumabi saakin.

"Mamaya may pupuntahan tayo"sabi ko.

Hindi siya sumasagot kaya tinignan ko siya at tulog na siya. Napatawa  nalang ako.

"Goodnight"

Unexpected Love (BangTwice)Where stories live. Discover now