“Nanalo yata si Mamay sa jueteng,” sambit ng kuya Claire niya.
“Talaga? Magkano naman May?” tanong niya sa Ina'ng abala sa nilulutong gulay.
“At bakit ko naman sasabihin baka manghingi pa kayo.”
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng Ina. “Damot mo May,” sambit ng dalawang kuya niyang si Jake at Claire.
“Ang sasakit niyo naman sa ulo!”
Lalo silang nagtawanan sa sinabi nito. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, ito ang lagi niyang naririnig na sinasabi ng Ina, ang masasakit silang lahat sa ulo.
“Relax ka lang Sweetie,” sabat ng Papay nilang kagagaling lang sa labas at mukhang nagsibak ng mga nakuhang kahoy dahil pawis na pawis.
“Isa kapa! Nagmana sayo lahat ang mga anak mo,” baling naman nito sa Papay nila.
Tuwing umaga ay gano'n ang tema nila mula noon hanggang ngayon na nakapag-asawa na siya.
“Shempre naman semilya ko yan eh,” biro ng Papay nila na ikinatawa nilang lahat.
Tama nga ang Ina niya, lahat sila ay nagmana sa Papay nila na may scence of humor.
“Ewan ko sa inyo!” Lalo silang napahalakhak ng makitang napipikon na ang Mamay nila.
“Ihanda niyo na ang lamesa at kakain na tayo.”Agad naman gumalaw ang kuya Jake niya. Ito ang laging naghahanda sa lamesa mula noon, hanggang ngayon. Isa itong dakilang masipag pagdating sa gawaing bahay kaso wala naman itong tiyaga pagdating sa trabaho.
“Oh! Maupo na tayo Sissy hayaan mo na ang mga kuya mong gumawa n'yan,” aya naman sa kanya ng kanyang kuya Calvin. Masipag ito kaya naman pagdating sa bahay ay hindi na ito masyadong gumagalaw. “Halikana JM,” aya naman nito sa kuya niyang super bait.
“Oo nga pala Joshua, kumusta na si bayaw? Imbitahan mo naman ang asawa mong bisitahin kami. Mula ng ikinasal kayo ay hindi man lang 'yon nakaapak dito,” anang kuya JM niya dahilan upang mawala ang masaya niyang vibes at biglang nalungkot muli ng maalalang may asawa nga pala siya.
"Ahh! Abala kasi siya masyado, Kuys kaya gano'n," pagdadahilan niya. Wala na siyang ibang maisip na idahilan, kaya sana ay kagatin parin ng nga ito ang gasgas na niyang pagtatanggol sa asawa.
"Magbigay naman siya ng oras sa pamilya ng asawa niya, ang huli ko kasing kita sa kanya ay 'yong kasal niyo pa. Sobrang tagal na," sabay na napatingin sa gawi niya ang mga kapatid.
"Hayaan mo, Kuys. Sasabihin ko," tabingi ang ngiti niya sa labi. Nagi-guilty siya sa pamilya. Hindi niya kayang aminin kung anong klaseng sitwasyon ang kinatatayuan niya ngayon sa poder ni Monjover.
"Huwag mong pilitin, Bunso kung ayaw. Ayos lang naman sa'min kung ayaw niya kaming makita," seryosong sambit ni Jake.
"H-hindi naman sa gano'n, Kuys. Hayaan niyo kakausapin ko ang a-asawa ko," hindi niya alam kung ba't ang hirap bigkasin ng salitang 'Asawa'. Siguro ay dahil sa hindi naman ito naging asawa para sa kanya.
"Ayos lang ba talaga kayo ng Asawa mo, Joshua?"
Bigla niyang nalunok ang kanyang dila sa deretsong tanong ng Ina. Dahil kung ibabalik tanaw niya ang pagsasama nila ni Monjover ay ni minsan sa dalawang taon nilang pagsasama ay hindi sila naging maayos.
“Kakakasal niyo lang ay mukha na kayong maghihiwalay kaagad. Hmm, 'yan na nga ba ang sinabi ko noon na huwag pilitin kung ayaw kang panagutan.”
Nais niyang pagsisihan ang ginawa noon pero wala na siyang magawa kundi languyin ang putik na sinimulan na niyang hukayin!
Dahil sa totoo lang hindi niya masagot ng maayos kung ayos nga ba ang buhay niya ngayong may asawa na siya.
Napatingin siya sa kuya Calvin niya na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. Nais niyang humingi ng saklolo sa kapatid ngunit hindi naman niya alam kung ano ang sinasabi ng isipan nito. Sa lahat ay ito lang ang bukod tanging nahihingahan niya ng sama ng loob, dito siya umiiyak tuwing nasasaktan siya sa ginagawa ng asawa. Dahil pakiramdam niya’y mas maiintindihan siya nito dahil may puso itong babae 'di tulad sa mga kuya niyang barako at sa nanay nilang siga.Minsan naman sa Papay niya siya humihingi ng payo ngunit hanggang do'n lang, hindi naman niya kayang sabihin ang lahat ng hinanakit niya sa asawa dito dahil hindi naman niya nais na magalit ang Ama sa asawa.
“M-maayos naman po kami ng a-asawa ko, May.”
Sa wakas ay nahagilap din niya ang kanyang nablangkong utak at naigalaw nadin niya ang kanyang umurong na dila.
Hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan siya ng maigi nito.“Maayos naman daw, May. Kaya huwag kanang mag-alala. Kilala mo naman yan si bunso hindi yan papayag na aapi-apihin lang. Alam mo naman na palaban yan kaya tama na ang tamang hinala Mother Earth,” sabat naman ni Calvin na nakapagpahinga ng maluwag sa kanya.
“Naniniguro lang naman ako,” anang Mamay niya saka ibinalik ang buong atensyon sa ginagawa.
Nilingon niya ang kanyang Papay na nakangiti sa kanya ngunit alam niyang hindi iyon ngiti ng masaya. Isa iyong ngiting may binabadya, she really loved her Papay. Ilang beses niyang pinangarap na sana kapag nakapag-asawa man siya’y katulad ng Papay niya na sobrang mahal ang Mamay nila at sobrang sweet pa. Ngunit tama nga ang kasabihan na hindi lahat ng pangarap ay natutupad. Dahil kabaliktaran sa gusto niya ang ugali ng napangasawa.
Ang dahilan siguro ay hindi siya mahal nito mula noong una palang.-Flor de Luna
*Self Edited only.
Pero medyo mas maayos na po siya kesa doon sa una kong gawa ehehe :)
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...