"BENTE KWATRO"

2.6K 37 2
                                    

And I don't want you, to go!
  

Kinagabihan ay nasa sala siya nakaupo habang hinihintay ang pagdating ni Monjover.


Nakapagdesisyon na siya at talagang makikipaghiwalay na siya rito. Naihanda at naempake na niya ang mga damit na kailangan niyang dalhin sa pag-alis. Sana lang ay may magdidilig padin sa mga alaga niyang bulaklak kapag wala na siya sa pamamahay na ito, lalong-lalo na ang kanyang Balileng. 


Nang marinig niya ang kotse nitong papasok na sa gate ay inihanda na niya ang sarili at ang mga sasabihin rito.


“Oh! Bakit nand'yan kapa?” bungad nito ng mapansin siya.


“Mag-usap tayo. Hinintay talaga kita dahil may kailangan tayong pag-usapan.” Itinuro niya ang bakanteng upuan at agad naman itong umupo.



“K-kung ang pag-uusapan natin ay iyong tungkol na naman sa pag-alis mo’y, hindi padin nagbabago ang desisyon ko. Hindi kapa din maaaring umalis.” Agad nitong saad ng makaupo.


Nagbuga muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita, hinanda na niya ang sarili at buong-buo na ang desisyon niya. “Sa gusto mo o  sa hindi ay aalis na ako ngayon Monjover,” mahinahon niyang sambit. “Galing dito kanina si Lesiel, kinausap niya ako at inamin ang relasyon niyong dalawa atsaka sinabi din niya sa akin na hindi ka niya bibitawan at gagawin niya ang lahat upang hiwalayan mo lang ako.” Naninikip ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman ngunit hindi niya iyon maaring indahin.



Handa na siya, hindi na niya hinintay na magsalita pa ito at nagpatuloy siya sa mga nais sabihin. “Hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo sakin, Jover. Totoong pagod na ako, hindi nadin kita pahihirapan. I know Lesiel was your first love and maybe magiging masaya ka kapag ibinigay kita ng tuluyan sa kanya. Siguro kapag siya ang nakasama mo'y hindi mo gagawin ang mga bagay na ginawa mo sa panahong ako ang kasama mo 'di ba. Siguro hindi mo siya sasaktan dahil mahal mo siya, hindi katulad 'kong hindi mo naman minahal,” pilit ang ngiting sambit niya.



Laking bilib niya sa sarili dahil nagagawa niya pang ngumiti kahit na ang totoo’y nagdurugo na ang puso niya sa sobrang sakit. “Please, let’s file an annulment para hindi kana nakatali pa sakin.” Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng asawa.


“I don't want to get an annulment.”


“I want you to be free. Gusto kong lumaya kana sa'kin, Jover kaya bakit aayawan mo ang sinasabi ko.” balik niyang tanong sa asawa. 



“Dahil ayoko! Dapat ba laging may dahilan.”


“Oo! I want to know your reasons! Dahil ito naman ang gusto mong mangyari noon pa 'di ba?” matigas niyang sambit. “Ngayong ibinibigay ko na bakit tinatanggihan mo.”



“Noon! Oo pero hindi na ngayon. I want you to stay with me and I want to say sorry for all the mistake I've done, but if you want to leave now then leave. Pero hindi ako makikipag-annul.”


"Tinutulungan kita na maging malaya sa'kin. Thats why I want us to get an annulment."



"Sigurado ka bang para sa'kin? O baka para sa sarili mo, Joss."



Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin sa bagay na iyan?"


"Baka ikaw ang may dahilan kung bakit atat kang makipaghiwalay sa'kin. Paraan mo ang lahat ng ito para ma-guilty ulit ako, ano? Dito ka magaling sino ba ang pinagmamalaki mo, Joss. May iba kana kaya ang lakas na ng loob mong makipaghiwalay sak—"



Hindi na niya nakayanan ang lahat at nasampal na niya ito sa pisngi.  "Bawiin mo ang sinabi mo."


Sinampal niya ulit ito sa kabilang pisngi. Punong-puno na siya sa ugali nito, ito na nga ang may kasalanan binabaliktad pa sa kanya. Pinagsasampal niya ito sa sobrang galit.


"Sige, sampalin mo ako. Magalit ka sa'kin, Joss. Ilabas mo ang lahat ng galit mo. Bugbogin mo ako, suntukin mo ako, gawin mo ang lahat!" sigaw nito sa kanya kaya siya natauhan, saka itinigil ang ginagawa at tinitigan ito sa mga mata.


"Bakit? Kapag ba sinaktan kita nang sinaktan mababawasan ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Kapag ba binugbog kita, makakalimutan ko na ba lahat ng sakit na itinanim mo dito sa puso ko. May magbabago ba, Jover?" Akala niya ay wala na siyang luhang mailuha. Ngunit mali siya dahil umiiyak na naman siya ngayon. "Kahit patayin pa kita nandidito padin ang sakit!" Hindi ito nakasagot sa sinabi niya, "I have to go. Baka hindi ko na maabutan ang last trip,” aniya at agad ng inabot ang nakahandang maleta sa gilid.


“Please don’t go, Joss.” Pigil nito ang isang braso niya na agad naman niyang iwinasiwas upang mabitawan nito. “Please leave me. Hindi ka aalis at hindi ako makikipaghiwalay sayo, Joss.” Mababang tinig nito na parang maiiyak nadin.


Doon niya ito nilingon, nais niyang malaman kung ano ang dahilan nito. Hindi parin ba sapat ang parusa niya, baka kulang padin kaya pinipigilan siya nito.


“B-Bakit? Anong dahilan at ayaw mo akong umalis,” natahimik ito bigla sa tanong niya.


“H-hindi ko alam... Basta ayokong umalis ka,” anito na halata ngang naguguluhan sa tanong niya.


“Hindi mo alam. But you want me stay with you? How long? Kailan mo nais malaman ang bagay na hindi mo alam kung bakit gusto mo akong manatili sa buhay mo.  Kung hindi mo naman alam ang dahilan. Kailan mo nais malaman, Mon? Kapag uugod-ugod na ako, at hindi ko na kayang maglakad palayo sayo? Kailan, kapag pati sarili ko kinamumuhian ko na dahil sa mga katangahan ko? Kailan Mon?  Kailan? Sabihin mo sa'kin kung kailan. Para malaman ko, para mapaghandaan ko at para mapag-desisyonan ko kung dapat ko pa bang hintayin at dapat ka pa bang mahalin.” Lalo siyang napaiyak.


Ang hirap naman magmahal ng taong hindi alam ang nararamdaman. How could she stay kung hindi naman nito alam ang dahilan kung bakit kailangan niyang manatili. Akma itong lalapit upang yakapin siya ngunit umatras siya palayo, hindi niya kailangan ang yakap nito. Ayaw na niyang magdalawang isip pa baka magbago pa ang desisyon niya kapag nakulong siya sa mga bisig ni Monjover. Tama na muna ang pagpapakatanga niya ng sobrang pagmamahal para dito.


“Maghiwalay na tayo. Hindi ko na alam kung mahal padin ba kita,” humahagulhol niyang sambit. “Hayaan mo na akong umalis hangga’t may natitira pa akong respeto sayo at sa sarili ko,” aniya. 


Nang wala siyang marinig na sagot mula dito’y dahan-dahan na siyang tumalikod at naglakad palabas.
Palabas ng pinto. Palabas ng gate at lalong-lalo na palabas ng buhay nito. Aalis na siya sa buhay nito sa buhay ng lalaking buong buhay niyang minahal at ipinaglaban. Napagod din siya, nakakapagod din pala ang magmahal ng sobra, nakakapagod at hapong-hapo na siya.

+++

Enjoy :*

FLORDELUNA

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon