Nasa DeLux Hotel sila ngayon ng Cagayan De Oro dito muna sila mananatili hanggang sa matapos nila ang mga aasikasuhin.
"Isang kwarto lang tayo, Joss." Iyun lang at agad na itong naglakad palayo.
Naiwan siyang mukhang tanga, ngunit hindi naman ito lumayo ng sobra dahil agad din siyang binalikan upang hilain pasunod dito.
"Magkita nalang tayong lahat mamayang alas tres, sa ngayon ay magpahinga na lang muna tayo," anito saka naglakad habang hilahila siya.
"Bakit naman iisa lang tayo ng kwarto?" hindi na niya natiis, nagtanong na talaga siya.
"Gustuhin ko man na hindi tayo masama sa iisang silid, kaso naka-reserved na ang kwarto na ito para sa'tin," paliwanag nito saka pinindot ang button.
"Bakit naman ni-reserve na magkasama tayo? Sino ba ang may pakana?" naiinis niyang wika. Ang makasama lang si Monjover sa opisina ay mahirap na, lamesa nga lang ang nakikita. Ito pa kayang kama! Asar naman!
"Kausapin mo ang Kuya Monjour, hindi ko din alam kung anong trip niya," nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Ayan na naman si Mr. Kupido daw kuno.
"Hmmm, anong apelyedo ba ang gamit mo?" mayamaya ay tanong nito.
"Apelyedo ko," agad niyang sagot.
"Gano'n? Bakit naman apelyedo mo ang ginagamit mo? Eh, kasal ka pa sa'kin ah," bigla nitong sambit. Sakto naman na bumukas ang pinto kaya imbes na sagotin pa ang tanong nito ay agad siyang humakbang palabas ng elevator.
"Anong room tayo?" kunyari ay pag-iiba niya sa usapan.
"Room 1029," agad niyang hinanap ang 1029, pagod na din siya at gusto na niyang mahpahinga.
"Pero bakit sa reservation, Maniquis ang nakasulat?" takang tanong ulit nito.
"Malamang!" aniya. Tsaka nagpatuloy sa paghahanap ng 1029.
"Maniquis ba ang gamit mo sa kompanya?" tanong nito na nakakairitang sagotin. Hindi niya alam kung nagbobobohan ba ito o sadyang normal na talaga iyon sa lalaki."Sa tingin mo ba? Papayag si Kuya Monjour na hindi ko gamitin ang apelyedo niyo?" naiirita niyang sambit. Naiinis na siya sa maraming tanong nito, pero namangha naman siya sa nakitang ngiti sa labi ng datinh asawa, kaya napatanong siya. "Anong meron?" nag-tataka niyang tanong.
"Wala" pangiti-ngiti nitong sambit.
"Siraulo, hali ka na," aya niya na agad naman itong sumunod. Natatawa siya sa kilos ni Monjover, dahil para itong batang binigyan niya ng candy sa ngiting nakikita niya sa mukha nito. "Para kang baliw," sita niya.
"Masamang maging masaya?" sagot naman nito na ipinagkibit balikat niya.
"Bahala ka d'yan," aniya at nagmamadaling naglakad.
Sorry guys kung medyo maiksi lang ito.
Hmm, madalang ang update ko, pasensya na.
Btw, malapit narin naman siyang matapos.
Please, support the book2
Thank you in advance
Love lots :*xxFLORDELUNAxx
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Ficção Geralsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...