"TWELVE"

2.5K 30 0
                                    

Isang linggo nadin ang nakakalipas mula noong gabing kumain sila sa mansiyon ng pamilya Maniquis, at ngayon nga ay wala paring pagbabago sa samahan nila ni Monjover.

She was still his slave a.k.a maid, hardenera, labandera at iba pa. Pero hindi siya isang asawa.  Sinipat niya ang malaking wall clock na nakasabit sa pader upang tignan kung anong oras na at bakit hindi parin umuuwi si Monjover. Alas onse ‘y medya na at wala padin ito. Saan na naman kaya ito nagpunta ngayon? Nakakapagod nadin ang maghintay sa taong hindi mo alam kung dapat pabang hintayin, kahit naman sinasabi ng isipan niyang tumigil na siya sa paghihintay ay ayaw naman magpaawaat ng kanyang pusong nais padin itong hintayin at makitang ligtas at maayos. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala, baka kasi napa'no ito sa daan, nakahanap ng away o nadisgrasiya. Malapit ng maghating gabi at wala parin ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, maghihintay padin siya ng trenta minutos saka siya aakyat sa sariling silid upang matulog nalang.

Nang biglang tumunog ang telepono ay ngali-ngali niyang tinakbo iyon upang masagot. Kinakabahan habang inaangat ang telepono, hinihiling na sana hindi iyon masamang balita. Sana hindi naman pulis ang tumawag sa kanya upang ibalita ang isang masamang balita.

“Hello?” mahina niyang sambit habang ang dibdib ay nais ng lumabas sa kaba.

“Jover?” anang kabilang linya.


Boses iyon ng babae at pamilyar sa kanya ang malambing na boses nito.  "Jover, ikaw na ba ito? Hmm, I guess you're not. Okay i will call you later. Bye." Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.



Kung hindi siya nagkakamali ay si Lesiel ang may-ari ng boses na iyon, hindi niya makakalimutan kung paano nito bigkasan sa malambing na paraan ang pangalan ng asawa. Soo! Ito ang kasama ng asawa niya kaya late na naman itong umuwe? Muli ay parang may tumutusok na punyal sa kanyang dibdib,  naninikip ito bigla at para bang pilit iyong pinapadugo kaya nasasaktan siya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga upang kahit papaano ay mabawasan ang paninikip ng dibdib. Kung magkakasakit man siya sa puso ay hindi niya na iyon dapat pang pagtakhan.

Mayamaya lang ay ugong ng sasakyan nito ang narinig niya kaya agad siyang tumakbo sa may pintuan upang salubungin ito.

"Saan ka galing?" agad niyang tanong ng nasa tapat na niya ang asawa.

"Why do you care?" balewala nitong sambit.

"Shempre kasi asawa mo ako.  Kaya naman may pakialam ako, kaya tinatanong kita kung saan ka nanggaling."

"Kung gano'n ay sinasabi ko na sayong itigil mo na ang sinasabi mong may pakialam ka. Dahil simula't sapol, hindi kita binigyan ng karapatan upang pakialaman ako."


Bahagya siyang nasaktan sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpatinag sa sakit na nararamdaman.  "May karapatan ako dahil asawa kita, kasal ka sa'kin at 'yon ang nagbigay ng karapatan sa'kin upang tanungin kita upang malaman ko ang mga ginagawa mo!"


Pagak itong ngumiti at nagsalita. "Kasal ako sayo sa papel, Joss! But never in my soul neither my heart. Kaya pwede ba tigilan mo na ang kahibangan mo!" galit nitong sambit.


"Sino ang kasama mo at saan kayo nagpunta?" Hindi niya pinansin ang sinabi nito.


"Wala kang pakialam sa bagay na iyon!" akmang tatalikod na naman ito sa kanya ng agad ding matigilan sa sinabi niya.

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon