"BENTE TRES"

2.5K 26 1
                                    

Hindi siya pinayagan ni Monjover na umalis nang araw na iyon. Tatlong araw narin ang nakakalipas mula noong nag-away sila ng matindi. Ilang araw nadin siyang hindi lumalabas ng silid. Lalabas lang siya kapag alam niyang wala na ang asawa sa bahay, katulad ngayon. Nasa hardin siya at kinakausap ang mga halaman lalo na si baleleng.



Namumulaklak na naman ang kanyang Baleleng at hindi na ito natuloy sa pagkamatay.
"Maayos kana, Baleleng?" nakangiti niyang tanong sa halaman na animo'y sasagot ito. "Ako kaya? Kailan ako aayos? Buti kapa, kapag namamatay ka binubuhay ulit kita. Ako, kapag namamatay ako kailangan kong mabuhay ulit para sa sarili ko," malungkot niyang kausap sa sarili. 




Pangalawang beses na niyang sinabi sa sarili na aalis na siya sa poder ni Monjover ngunit lagi namang hindi natutuloy.




"Minsan nga, Baleleng. Naiisip ko wala akong isang salita at paninindigan kaya lagi akong inaabuso ni Monjover. Alam mo, mula no'ng araw na pinakasalan ako ni Monjover, 'yon na ang pinakamasayang araw ko at pinangako kong hinding-hindi ko siya susukuan, kaso... nakakapagod din palang lumaban kapag ikaw lang mag-isa ang lumalaban, Baleleng. Napapagod na ako at gusto ko ng sumuko. Buti kapa nga kapag sukong-suko kana sa buhay mo ngayon, nandito ako para ilaban ka. Samantalang ako, wala- sarili ko lang."



Nais na naman niyang umiyak sa lungkot na nararamdaman ng biglang tumunog ang doorbell.



Sino ang bisita niya? Wala naman siyang inaasahan. Kesa tanungin pa ng tanungin ang sarili ay agad siyang tumakbo sa gate upang pagbuksan kung sino man ang atat na ginagawang piano ang doorbell.



"Lesiel!" gulat niyang tanong. Mag-isa lang itong pumunta? Anong nais nito sa kanya.



"Hi, can we talk?" nakangiting bungad nito sa kanya.



"Tuloy ka." Agad naman itong pumasok. "Anong gusto mo, Juice or w—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla itong magsalita.



"Nothing. Hindi naman ako magtatagal, Joss. I just want to tell you something," natigilan siya.




Ano naman ang something na iyon at mukhang kay halaga upang puntahan pa talaga siya nito sa bahay nila.  "A-ano ba 'yon?"



"Oo. May relasyon parin kami ni Jover and we never broke-up kahit alam kong nand'yan kana. Oo nasasaktan ako, but who cares? We loved each other. I know Jover didn't love you, 'coz if he do hinding-hindi ka niya pagtataksilan. Handa akong magpakatanga kahit ano pa ang sabihin ng iba. Hindi ko man siya kayang ipaglaban dahil kasal kayong dalawa, pero hindi ko siya iiwan, Joss. Hinding-hindi ko siya isusuko. " 




Nagsalubong ang kilay niya sa lahat ng sinabi nito.  Pumunta lang ba ito sa bahay nila upang buwesitin siya at sabihin sa kanya ang lahat ng bagay na iyon? Isa lang din naman ang masasabi niya, tunay ngang makakapal at malalakas talaga ang loob ng mga kabit. Hindi niya alam kung saan ito banda humugot ng kakapalan ng mukha. 


"Ano ba ang gusto mong palabasin?" 



"Gusto ko lang malaman mo, na hindi ko iiwan si Jover kahit ano pa man ang mangyari, dahil ako ang mahal niya. Kaya sana huwag mong ipagdamot sa'kin ang karapatan ko sa kanya."



"Alam mo  ba kung ano ang sinasabi mo ngayon sa'kin, Lesiel?" Nagagalit na siya.




Yeah! Tama nga ang asawa noon na iba ito. Dahil sa lahat ng babae nito noon ay ito ang baliw at ubod ng kapal amg mukha.  "Ano bang karapatan ang pinagsasabi mo? Gusto mo bang isampal ko sa pagmumukha mo kung ano ang mga karapatang hinihingi mo sakin." 




"Kinorner mo lang naman si Jover, Joss! Kaya ka niya pinakasalan. Alam ko ang istorya niyo, kaya kung wala ang marriage certificate na pinagmamalaki mo, sa tingin mo ba may karapatan ka parin sa kanya?" mataray nitong sambit dahilan upang matigilan siya. 




Tama naman ito, pero sa mata ng lahat ay siya ang tunay na asawa. Kahit ano paman ang nangyari noon sa kanila.



"Kahit na! Ako padin ang asawa at sa sitwasyon natin ngayon. Ikaw padin ang lalabas na kabit, mahal ka? Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa'kin na ikaw ang mahal. Pang-ilan kana ba niyang babae? Ahh! Oo nga pala, ikaw ang unang minahal, pero hindi ikaw ang huling minahal ng asawa ko Lesiel.  Ilang babae na ba ang dinala ni Monjover dito? Baka gusto mong isa-isahin ko para malaman mong hindi lang ikaw ang baliw na humarap sa'kin dito upang angkinin at sabihing sila ang mahal ng asawa ko! Hindi lang ikaw ang una, kaya sanay na sanay na ako." Nakita niya ang kirot na gumuhit sa mga mata nito.
"Parausan ka lang din niya, katulad ko at katulad ng ibang babaeng nabaliw sa kanya. Angat nga lang ako sa inyo, dahil ako ang pinakasalan. Kapag ba idenimanda kita, may magagawa ba ang pagmamahal mo, hah?" 




Bahagya itong umatras at nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya bago muling nagsalita. "You win. But you can never win Jover's heart at sisiguraduhin kong hihiwalayan ka niya! "



Iyon lang at agad din itong umalis. Wala na siyang luhang mailabas. Pagod na siyang umiyak dahil mula ng makilala niya si Monjover ay lagi nalang siyang umiiyak.

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon