Kinaumagahan ay nagising si Joshua na mag-isa nalang sa malaking kama ni Monjover, ngunit nag-iwan ito ng note sa mesa.
Wife.Hindi na kita ginising dahil alam kong napagud kita kagabi, may hinanda akong almusal para sayo, I hope na mainit pa yan paggising mo.
Agad niyang nilingon ang mesa sa gilid at nakita nga niyang may mga pinggan at mangkok na natatakpan. Napangiti siya sa ginagawa nitong effort.
Pumasok na nga pala ako sa trabaho, I really don't want to go kaso may kailangan akong permahan at may importante akong meeting.
I hope you would appreciate my effort's. I was just trying to fix our marriage.
Tungkol naman dun sa sinabi ko kagabi.
Pasensya kana kung hindi padin ako sigurado sa nararamdaman ko. Sana huwag mo akong sukuan, Josh. I will try my best to be good this time.
Thank you for your expert massage last night my strengh just boosting right now.
Take care cause I care.Husband.
Sapat na ang lahat ng nabasa niya upang makompleto ang kanyang araw. Nais man niyang manlumo dahil hindi man lang nito isinulat ang matagal na niyang nais marinig mula dito, pero choosy paba siya? Buti nga may sweet message na ito ngayon, noon nga pinapalayas nalang siya nito pag humupa na ang init ng katawan nito.
“Atleast!” aniya sa sarili.
May improvement narin naman ang pagsasama nila at sana nga ay ito na ang maganda nilang simula. Ipagpapasalamat niya iyon ng malaki sa poong maykapal, dahil sa wakas dininig nadin ang matagal niyang hinihiling.
Napatingin siya sa maliit na orasan sa gilid, alas onse 'y medya na.Tanghali na siyang nagising, oo nga pala. Bakit ba hindi siya tatanghaliin e, umaga na siyang pinatulog ng asawa naririnig na niya ang tilaok ng manok kanina bago siya hinayaan nitong matulog ng mahimbing.
Nagpasya na siyang bumangon upang kainin ang inihandang pagkain ng asawa at para narin makaligo. Nais niyang mag-ikot sa mall dahil medyo naboboryong nadin siya sa bahay nila kaya ngayon nga’y nais naman niyang makita ang labas.
Nagmadali siyang maligo upang makaalis narin at makapag-ikot talaga dahil medyo maaga parin naman at wala naman siyang ibang gagawin.
Nang nasa mall na siya’y nagpasya muna siyang pumasok sa isang bookstore upang magbasabasa ng kahit ano, titignan niya kung may latest books na naman ba at ng makaramdam ng pagod ay nagpasya na siyang lumabas at mag-ikot ulit dadaan muna siyang department store dahil may nais siyang bilhin para sa sarili ng mapadaan siya sa isang magandang restaurant ay may pamilyar na lalaki siyang nakitang pumasok do'n.
"Oh! Si Monjover 'yon ah. Anong ginagawa niya dito? Ang layo ng robinson na to sa opisina?" kausap niya sa sarili, upang masagot ang tanong niya'y ngali-ngali niya itong sinundan at laking gulat niya sa eksenang nasaksihan.
She saw her husband with another woman. And that woman was Lesiel his all time sweetheart, nakita pa niyang humalik sa labi ng asawa ang babae saka umupo sa kabilang dako. Hindi niya alam kung ano ang gagawin? Nais niyang umalis nalang at lukuhin ang sariling wala siyang nakitang ganoong tagpo. Nais din niyang puntahan ang asawa at makipag-plastikan as if hindi siya apektado. O kaya naman ay magwala as if she’s not a professional kind of woman.
Gusto niyang humandusay sa sahig at mag-iiyak ngunit isa iyong malaking kahihiyan. Akala niya’y nais nitong ayusin ang pagsasama nila, akala niya’y masaya na silang dalawa. Ngunit mali pala lahat ang akala niya. Tama nga ang legendary saying na marami ang namamatay sa maling akala.
Dahil kung pwede lang ikamatay ang sakit na nararamdaman niya ngayong mga oras na ito’y kanina pa siya humandusay sa sahig.
Kusang humakbang ang mga paa niya patungo sa mesa ng dalawa. Hindi na siya nag-isip pa ng mga dapat gawin, ang dami niyang nais sabihin ngunit ng makaharap na niya ang dalawa ay bigla niyang nalunok ang dila dahil kahit isang salita’y hindi niya kayang bigkasin.
Flor De Luna
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...