"Magtatrabaho kana agad, nak?" takang tanong ng Papay niya nang makita siyang maagang gumising, naligo at nagbihis ng pang-opisina.
"Opo, Pay. Ngayon kasi ang schedule ko para makausap ang Presidente ng M&M COMPANY kaya naman kailangan ko nang pumasok," paliwanag niya. "Dito na muna si Rio at alagaan niyo ah," bilin niya na tinanguan naman ng kanyang butihing ama.
"Kahapon ka nga lang nakauwi galing Japan tapos papasok kana agad. Hindi ka man lang ba binigyan ng pahinga?"
"Ayos lang Pay." Nilapitan niya ito at niyakap. "Kaya ko naman atsaka importante lang talaga kaya nga ako ang pinapunta ni Mr. Furukawa eh, kasi sobrang halaga ng dapat kong asikasuhin."
"Makikita mo ba doon ang asawa mo?" mataman siya nitong tinitigan sa mga mata.
Kahit ang mga magulang niya ay natatakot sa pwedeng mangyari para sa kanila ng asawa. Nakita na kasi ng mga ito ang naranasan niya noong umuwi siya sa mga ito bago siya nagpasyang pumunta nang Japan.
"Posible. Pero wala na po 'yon maayos na ako at handa na ako na magkita at magkausap kaming muli ni Monjover. Kaya kung 'yon man ang inaalala mo, Pay. Huwag kana pong mag-alala I'm a strong woman now, pinatibay na ako ng panahon," pangungumbinsi niya rito. "Sana nga!" epal naman ng puso niya.
"Nandito lang kami, Nak." Niyakap niya ito ng mahigpit. Siya rin naman ay nag-aalala sa sarili niya, pero bahala na.
------
Kanina pa siya naka-upo sa binigay na upuan nang Sekretarya ni Monjour Maniquis, at hanggang ngayon ay wala padin ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit ito na-late.
"This is not so him," bulong niya sa sarili.
Nasa conference room siya ngayon kasama ang lima pang bussiness man at parehong hinihintay din ng mga ito ang pagdating ni Monjour. Ang lubos niyang ipinagtataka ay kung bakit hanggang ngayon ay wala padin ito. Ang pagkakilala niya rito dati ay sobrang higpit nito sa time management. Anong nagyari? Ikinasal lang ito noong nakaraang taon ay nawala na ang importansiya nito sa time management!
"People change," aniya ulit sa sarili.
Sabagay, lahat naman nagbabago. Napatingin siya sa pintuan ng bigla itong bumukas. "Ah, sa wakas nandito na siya," masaya niyang sambit sa sarili at hinanda ang pinakamatamis na ngiting madalas niyang ibigay noon kay Monjour, ngunit ng makilala niya kung sino ang lalaking pumasok ay nanigas bigla ang bibig niya sa pagkabigla.
It's not Monjour Maniqius the President. It was her ex-husband the VP, Monjover Maniquis, bigla'y hindi niya alam ang gagawin, ngingiti ba siya at babatiin ito o uupo nalang upang itago ang sarili.
Sobrang lakas nang tibok ng puso niya at animo'y lalabas na iyon sa kinalalagyan.
"Good morning everyone." Umpisang bati ni Monjover. "I'm sorry if Monjour my brother didn't make it today. May emergency kasing nangyari kaya ako na muna ang haharap sa inyong lahat. I'm Monjover Maniquis the Vice President of M&M and I hope we could make this meeting excellent. Let's have a seat," anito sa pormal na pormal na tono.
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito, She guess he already forget her. Sabagay, ano bang importante sa kanya para hindi siya makalimutan nito. Hindi naman mahirap rito ang kalimutan siya.
----
Natapos ang meeting na nagkasundo ang lahat kaya naman masaya siya, simula bukas ay papasok na sila ni Rio sa kompanyang ito at araw-araw sa loob ng siyam na buwan kapag natapos na ang sadya nila dito ay uuwi nadin silang pabalik ng Japan.
"Yes, Mr. Furukawa, the meeting was good and all did agree to what I suggested. Yes Sir. Yes thank you. Bye." And she pressed the end button.
Masaya siya at pinagkakatiwalaan siya ng kanyang butihing amo. Nakangiti siyang naglalakad ng biglang may pamilyar na boses ang nagsasalita sa kanyang likuran.
"Oo, Kuya. Maayos na ang lahat huwag kanang mag-alala. Alagaan mo nalang ang asawa mo. Haha. Oo spoiled brat ba? Sige ikaw na bahala diyan. Bye." Hindi na ulit ito nagsalita.
Tumigil siya sa tapat nang elevator at gano'n din ito. Nagpasalamat siya dahil marami silang kasabay na bababa at may kausap din itong mga nakasama nila kanina sa board meeting kaya hindi masyadong nakakailang. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok sa loob at pumwesto sa dulo. Kulang nalang ay isiksik niya sa pinakagilid ang sarili dahil kahit nasa dulo na siya ay nakatabi parin niya ito, hindi siya nagpahalatang naaapektuhan. Kunyare'y inilabas niya ang cp at agad na nag-swipe ng kung ano-ano kumalma lang ang sarili.
Apektado parin talaga siya sa presensiya ng asawa. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay naaapektuhan padin siya rito lalo na kapag nasa malapit lang ito.
"Ms. Madrigal," tawag nito sa kanya.
Bahagya pa siyang nagulat sa pagkakatawag nito, hindi naman ito sumisigaw ngunit dahil balisa ang buong sistema niya kaya ang bilis niyang magulat. "Hinding-hindi na ako iinum ng kape simula ngayon!" tahimik niyang kausap sa sarili.
"Y-yes?"
"Nothing, just making sure that it's really you." Tinitigan siya nito sakto sa mata habang nakangiti.
"Aahh," wala siyang mahagilap na isasagot kaya ngumiti nalang din siya.
Sakto namang bumukas ang elevator at nakita niyang nasa seven floor palang sila. Dahil naso-suffocate na talaga siya sa presensiya ni Monjover ay ipinasya nalang niyang lumabas at maghagdan nalang. Mas maiging hagdanin nalang niya hindi pa siya mamamatay sa kaba.
"Excuse me."
"Wala pa tayo sa basement," pigil ni Monjover ang isang braso niya.
Lalo siyang nangisay sa nararamdamang kiliti sa pagkakahawak nito. Nahihibang na siya at naiinis na siya sa sarili niya, ngunit niknik nitong ipahalata niya iyon rito.
"Ah, hindi dito lang talaga ako. May pupuntahan lang ako saglit. Sige thank you," aniya at tuluyan ng lumabas.
Nakahinga siya ng maluwag ng sumara ang pintuan ng elevator. "Hay! Ngayon pa nga lang hindi ko na kinaya ang pagtatagpo namin, kumusta na kaya ako bukas at sa susunod pang mga bukas." Malungkot niyang sambit sa sarili.
Daig pa niya isang teenager kapag nasa malapit ang dating asawa. Kesa mag-isip ng mag-isip ay humakbang na siya patungo sa hagdanan. Sisimulan na niyang bumaba, dahil alam niyang nakakapagod ngunit mas maigi na ang gano'n kesa maloka-loka siya.
Maaga pa ang pasok bukas at kailangan niyang makapaghanda ng bongga.
-FLORDELUNA
PS:
Ito na po ang request mong update GretchenBraun thank you for your comment.
Hindi ko alam but I find it sweet :)Guys, tyaga lang saglit.
Malapit narin naman kaming magkita ni ENDING!Please, support niyo pala ulit ang BOOK 2
THANK YOU!
<3
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...