You make me believe, na pwede mo na akong mahalin!
+++Nagmamadaling umuwi si Monjover sa bahay nila. Kung pwede nga lang niyang paliparin ang sasakyan ay ginawa na niya makarating lang agad sa bahay. Hindi man halata ay hindi niya kayang isipin na hindi na niya maaabutan ang asawa sa bahay nila, kaya nga hindi na niya naihatid si Lesiel sa mismong bahay nito dahil hindi na matanggal sa isipan niya ang sinabi ng asawa kanina sa restaurant.
He remember the pain pass in her teary eyes, hindi niya kayang alalahanin ang sakit na rumehistro sa mga mata ng asawa, kanina habang tahimik lang itong nakatitig sa kanya.
God knows he really wanted to explain what's happening to him and Lesiel, dahil ayaw niyang magalit ito sa kanya. Ngunit hindi niya alam kung gaano na katagal itong nakatingin sa kanila, kaya mas pinili nalang niyang umalis muna dahil kung hindi niya ginawa iyon ay baka anong gulo ang nangyari. Pero hindi niya inaasahang masasaktan siya sa banta nito, hindi niya kayang isipin na magagawa nitong umalis sa poder niya samantalang mas malala pa nga ang mga pinag-gagawa niya noon.
Kung noon siguro nito ginawa ang bantang ginawa kanina ay baka nagdiwang pa siya sa tuwa. But honestly not this time! Para siyang mababaliw sa kakaisip kung tototohanin ba nito ang sinabi sa kanya bago siya tuluyang umalis o tinatakot lang siya nito. Dahil kung totoo ngang tinatakot lang siya ng asawa'y nagtagumpay itong takutin siya.
Naabutan niyang nag-eempake ng mga damit nito ang asawa.
"Where are you going?" aniya. "Bakit ka nag-eempake? Aalis kana ba talaga, bakit napagod kana?" salita siya ng salita ngunit para itong walang naririnig dahil patuloy lang ito sa ginagawang pag-eempake.
"Sa tingin mo ba papayagan kitang umalis sa pamamahay na ito, Joshua!" aniya ngunit wala padin itong reaksyon. Nagpa-panic na ang buo niyang pagkatao, hindi siya pwedeng iwanan nito. Not now and not ever, nag-eeffort narin siya upang maayos ang pagsasama nila.
"Hindi pa ako tapos sa parusang ibinigay ko sayo! Kaya wala kang karapatang umalis." Hindi iyon ang nais niyang sabihin ngunit sa kawalang masabi ay iyon ang nabanggit niya. Saka lang siya nilingon ng asawa at matalim na tumingin sa kanya.
"Pwess! Ako na mismo ang magtatapos sa kunsemisyon ko sa impyernong buhay na 'to, Monjover," balik nitong sigaw na lubha niyang ikinagulat.
Ni minsan sa buhay niya'y hindi siya nagawang sigawan ng asawa kahit na noong kolehiyo palang sila. Somobra na ba talaga siya sa pananakit rito, kaya ito nagkakaganito ngayon?
"Pagod na pagod na ako! Pagod na akong mahalin ka dahil sobrang sakit na."
Nakikita niya sa mga mata nito ang sobrang sakit habang nagsasalita. "S-sinabi ko bang mapagod ka," he was such a jerk by bringing those words with his wife. Pero wala siyang ibang maisip sabihin. Natatabunan ng lungkot nito ang isipan niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang mapansin niya ang sakit na nakasulat sa mga mata nito. Pero naapektuhan siya at nasasaktan siya dahil alam niyang siya ang may gawa ng lahat nang iyon.
"Pero napapagod din ako."
"Hindi ba't ginusto mo 'to, ginusto mo ang buhay na ganito."
"Yes!" walang kagatol-gatol nitong pag-amin. "Because I loved you. I love you more than everything, pero hindi ko sinabing patayin mo ako ng ganito." Nagsimula na itong humikbi. "...Pagod na akong mahalin at unawain ka Monjover. Mula sa araw na 'to pinapalaya na kita. Malaya ka na kaya sana naman palayain mo na din ako," patuloy nito sa pag-iyak. "Kung papipiliin ako sa mahalin ka at sa hindi ka mahalin. Mas pipiliin ko pa rin ang mahalin ka, dahil walang ibang laman ang puso ko kundi ikaw lang. Ikaw lang ang tanging nagpapatibok nito." She paused at huminga ng malalim. "Ikaw parin ang nandidito kahit sobrang nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo sa'kin," anito habang duro-duro ang dibdib.
"Ngunit kung papipiliin ulit ako kung papapasukin ba kita sa buhay ko o hindi—" she paused again ang stare at his eyes with so much pain. "Mas pipiliin ko na lang na huwag ka nang papasukin pa ulit sa buhay ko, Monjover."Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng nararamdaman niya, ngunit alam niyang nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Joshua.
"Ang sarap–sarap mong mahalin. Ngunit ang sakit-sakit na. Nasasaktan na ako sa pagmamahal ko sayo. Parang ikakamatay ko na ang sakit na dulot ng sobrang pagmamahal ko sa'yo. P-patawarin mo ako kung inilagay kita sa ganitong sitwasyon, patawarin mo rin ako kung minahal kita ng sobra kaya ko nagawang ikulong ka sa pagmamahal ko. Patawarin mo ako kung kasalanan ang mahalin ka at patawarin mo din ako dahil hindi ko na kaya. Malaya ka na, pinapalaya na kita so please let me go."
She burst into crying after speaking those words. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit na idinulot niya sa asawa. Kasalanan niya kung bakit gusto na nitong makalaya mula sa kanya at wala siyang ibang sisisihin sa nangyari dahil wala naman itong ginawa kundi ang mahalin siya, habang siya naman ay walang ibang ginawa kundi saktan ito ng saktan.
Alam niyang isa siyang Gago, siraulo o kahit ano pa ang nais niyang itawag sa sarili. Pero hindi niya kakayanin kung iiwan siya ni Joshua.Ngayon pa!
"Hindi ka maaring umalis, dahil asawa kita at mananatili ka dito hangga't ako ang asawa mo." Takot siyang umalia ito sa piling niya, baka masanay ito at huwag ng bumalik sa kanya. Kaya naman kahit anong pwede niyang sabihin ay sasabihin niya huwag lamang itong tuluyang umalis. Kahit magalit pa ito sa kanya ay mas kakayanin niya. Ang hindi niya kakayanin ay galit na nga ito, tuluyan pa siya nitong iniwan.
"Oo! Asawa mo ako, asawa mo lang ako. Pero hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mo. Ako pa nga palagi ang dahilan kung bakit mainit ang ulo mo. Asawa mo nga ako, pero palagi ka namang galit sa'kin, ni hindi nga tayo nagkakausap ng matagal dahil nauuwi lang lagi sa bangayan. Pero iniintindi ko lahat 'yon dahil asawa mo ako. Nandito ka nga pero parang kay layo mo sa'kin. Asawa mo lang ako at siguro nga hanggang gano'n lang ang gagampanan kung papel sa buhay mo. Walang iba kundi isang Asawa lang! Asawa lang ang obligasyon ko sayo, taga pagluto mo, taga sandok ng kanin mo, taga linis ng malaki mong bahay, taga laba ng mga damit mo, taga pag-alaga mo lalo na kapag may sakit ka. Ano pa? Asawa mo ako, pero katulong ang turing mo sakin!" anito na lalong nag-unahan ang mga luha.
Yes! He was a bastard back then at ngayon lang niya na-realize na ang gago-gago niya pala noon, karapat-dapat lang talaga na iwanan siya nito."Sabagay, asawa mo lang pala ako. Asawa mo kapag may kailangan ka, asawa mo sa papel. Asawa mo ako, pero ikaw at ang pamilya lang natin ang nakakaalam. Asawa mo lang naman ako kapag nahihirapan ka eh!"
Gustong-gusto niya itong hilahin at yakapin upang mapawi ang sakit na siya ang may dahilan. Sobrang laki ng kasalanan at pagkukulang niya rito. Kung maibabalik lang niya ang lahat ay babawi siya dito— sana hindi pa huli ang lahat. Sana hindi pa ito mawalan ng pag-asa at sana bigyan pa siya ulit nito ng pangalawang pagkakataon. Sisiguraduhin niyang babawi siya.
Babawi siya sa lahat ng pagkukulang niya.
+++
Indorse ko nadin ang book2 nito na si MONJOUR MANIQUIS.
Sana may time kayo na mabasa siya. Hehe :)
Sa susunod na update.
Hasta Lavista!
Mga Dzong at Dzai!
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Fiksi Umumsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...