TRENTA 'y SAIS

2.5K 29 0
                                        

Ilang oras din silang naghintay sa labas kasama ang pamilya ni Monjover. Kanina pa nila inaabangan ang paglabas ng Doctor na nag-asikaso kay Monjover, hinihintay ang paglabas nito at inaasahang sana ay bitbit nito ang isang magandang balita, kung masama man iyon ay baka hindi nila kayanin lahat. Hindi siya tumitigil sa kauusal ng panalangin para sa kaligtasan ng dating asawa.

Nang pumihit pabukas ang pinto'y sabay-sabay na nagtayuan ang lahat maliban sa kaniya, wala na siyang lakas upang tumayo, dahil sobrang nakakapanghina na nang tuhod ang nangyari sa araw na ito at sinamahan pa ng tensyon na nararamdaman.

Agad na nagsilipatan ang mga magulang ng asawa sa doktor upang alamin kung kumusta na si Monjover.

“The Operation is Good, nalampasan ni Mr. Maniquis ang crissis. But for now his  still unconscious kaya hayaan na muna natin siyang magpahinga. Sobra ang damage na natamo ng katawan niya at magpasalamat tayo sa lakas niya dahil lumalaban siya. I hope you're all now relieve. Huwag na po kayong mag-alala," nakahingang maluwag ang lahat dahil sa sinabi ng doktor.  "Nga pala sino si Joshua?” mayamaya ay tanong nito.


Agad siyang tumayo upang ipresenta ang sarili. At sa kabila nang lungkot na nararamdaman ay nais niyang matawa nang mapanganga ang doktor at mapamulagat ng makita siya. Ang buong akala siguro nito ay isa siyang lalaki.
Letchugas na pangalan kasi tunog tomboy!


"Ahh, by the way ikaw pala si Joshua," alanganing wika nito. Bahagya muna itong umubo bago muling nagsalita. "Lagi niyang sinasambit ang pangalan mo, unconciously at kapag bumababa ang heartbeat niya'y sinasambit lang namin ang pangalan mo at babalik iyon sa normal. I don't really believe in miracle, but when I saw Mr. Maniquis fighting for his life because of the name his shouting. Ngayon ako naniniwala sa true love," pahbibigay alam nito.


Naging emosyonal ang lahat sa sinabi ni Dr. Reyes.  Lalong-lalo na siya, pakiramdam niya ay nais niyang magpagulong-gulong ng iyak sa sahig.  Kung kanina ay hindi niya nais umiyak ngayon ay ayaw ng magpapigil ng kanyang mga luhang nagsimula ng mah-unahan sa pag-agos.


"Dito na po muna ako," paalam ni Dr. Reyes.

“Thank you doc,” sabay-sabay na pasasalamat ng mga magulang ng asawa sa butihing doktor.

“Ligtas na ang anak ko,” mangiyak-iyak na sambit ng Mama nito tsaka siya binalingan at niyakap. "He truly love's you, Joss. Thank you for making my son fight for his dear life," lalo siyang naiyak sa sinabi nito. Hindi niya mapigilang hindi ma-overwhelmed sa sinabi ng doktor.

----


Isang linggo din na natulog lang si Monjover. Grabi pala talaga ang pagkabangga nito dahil ang sabi sa report ay hindi naman nakainum ang biktima. Sadyang nahagip lang ang kotse nito ng malaking truck dahil tinangka ng truck na mag over-take sa gilid ng sasakyan ni Monjover kaya na disgrasya.

Tuwing gabi ay siya ang nagbabantay dito at pagdating naman ng umaga ay ang mama nito ang nag-aalaga. Ang sabi ng doctor ay lagi lang daw nilang kakausapin ang pasyente, dahil kahit daw natutulog ito'y naririnig daw nito ang mga sinasabi nila at ganun nga ang ginagawa niya rito kapag siya na ang nagbabantay. Katulad na lang ngayon na pinupunasan niya ito upang kahit papaano ay ma-preskuhan ang katawan nito at laging kinakausap ng kung ano-ano.

"Gumising ka na, Monjover. Alam mo ba miss ka na kaya ni Gina mah labs mo namimiss ka na niya, dinalaw ka kaya nun noong nakaraan at mukhang nagalit pa ng makitang ako ang bantay mo," napangiti siya sa alaalang dumaloy sa isipan nang araw na makita siya ni Gina.


"Atsaka, isang linggo ka na ding natutulog d'yan kaya dapat magising ka na, dapat ayos ka na ngayon para naman kapag mahina ka pa matutulungan pa kita hangga't nandito ako sa Pinas kasi kapag umabot na ako ng siyam na buwan, aalis na ako at ulit hindi na kita maalaga—" bigla siyang napatigil sa pagsasalita ng biglang gumalaw ang daliri nito.


Laging ganun kapag kinakausap niya ito, normal daw na nangyayari ang bagay na iyon ayon kay Dr. Reyes.


"Bakit, ayaw mong umalis ako?" alam naman niyang hindi ito sasagot, kaya napapangiti na lang siya sa sarili. "Kaya nga sinasabi ko sa'yo ngayon na magpagaling ka na, para kahit papaano mag-jamming naman tayo bago ako umuwi ng Japan," hinawakan niya ang kamay ng lalaki. "Ang dami kong gustong klaruhin sa'yo, kaya dapat huwag kang madaya d'yan at gumising ka na."



Sa kakausap niya dito nang wala naman siyang natatanggap na sagot ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya kinabukasan dahil may tumatawag sa pangalan niya.



"Joss, Joss," boses ng babae ang nagpagising sa diwa niya. "Joss, umaga na,  maaari ka nang umuwi para makapagpahinga," wika ni Mrs. Maniquis ang ina ni Monjover.



"Ah, hindi ko namalayan ang oras ma," hinagod nito ang likod niya.



"Huwag ka na munang pumasok sa trabaho ngayon, magpahinga ka na muna at kami na lang muna ng Papa mo ang bahala dito," anito at agad naman niyang tinanguan.



Siguro nga'y dapat niya munang sundin ang payo nang kaniyang beyanan, dahil nararamdaman na din niya ang pagod sa sariling katawan. Ilang gabi na din siyang walang maayos na tulog sa kakabantay sa dating asawa. Laking pasasalamat niya pa din sa pamilya ni Monjover dahil pamilya pa din ang turing nito sa kanya.


"Babalik na lang po ako mamayang gabi ma," paalam niya tsaka ito niyakap nang mahigpit.



"Maraming salamat Joss, salamat sa lahat-lahat. Kahit hiwalay na kayo ng anak ko'y hindi pa rin nagbago ang pakikitungo mo sa'min," emosyonal na sambit nito.


"Hmm.. naging pamilya ko din po kayo ma, at hindi niyo naman ako pinabayaan noon kaya nagpapasalamat pa rin ako kasi sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niyong lahat sa'kin. Hindi man kami naging maayos noon ni Monjover, hindi naman ibig sabihin nun ay tatanggalin ko na rin kayo sa buhay ko," mangiyak-iyak niyang wika at ganun din ang kaniyang beyanan.


"Maraming salamat Joss," anito.


"Sige na po dito na ako ma, mag-iingat kayo dito ah. Tawagan niyo po ako agad kapag may problema," paalam niya saka lumabas sa kwarto ni Monjover.


Magpapahinga na muna siya dahil mukhang kailangan na kailangan niya na iyon, nakakalimutan niya na ang sarili dahil sa labis na pag-aalala sa kaniyang asawa. 


"Mamaya na lang ulit Mon," paalam niya tsaka tuluyang lumabas.


    FLORDELUNA

Kunting kembot na lang talaga ay matatapos na ako sa pag-eedit dito.
Guys, abangan niyo ang book2
Thank you in advance
Hehe ;)

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon