"EIGHTEEN"

2.5K 42 0
                                    

Ilang oras lang ay nasa loob na sila mismo ng Enchanted Kingdom. Parang bata na tuwang-tuwa siya habang nakatingin sa mga rides na nakikita. Gusto niyang masakyan ang lahat, ang tagal niyang pinangarap na makapunta sa lugar na iyon at ito na nga, nasa harapan na niya. Isang dream come true, para sa kanya.

Binayaran ni Monjover ang entrance nilang dalawa at bumili din ito ng makakain upang hindi naman sila gutumin habang ine-enjoy nila ang lahat ng rides.

"Sakay tayo d'yan." turo niya sa roller coaster.

"Sige, hindi ka ba takot?" tanong nito na tanging iling lamang ang kanyang itinugon.

Matagal na niyang pangarap ang makasakay sa rides na iyon. Anang karamihan na makabaliktad sikmura daw, imbes na matakot ay lalo pa siyang na-curious. Agad naman silang pumila upang makasakay.

Bukod sa roller coaster ay sinakyan niya halos ang lahat pati yung malaking barko na halos lumipad na sa katagalang galaw, at ang bangkang aakyat sa pinakataas at baba nalang bigla na para kang papatayin at saglit na hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan. Pagkatapos sa karosel ay pumasok din sila sa ice world. Kahit hindi siya marunong at laging natutumba ay never give up ang kanyang tema. Buti pa si Monjover ay magaling mag-skate at hindi natutumba, ngunit siya kunting hakbang lang lagapak na agad sa matigas na yelo. Parang batang sobrang saya niya dahil halos lahat na experience niyang sakyan at pasukan, kahit na nakakatakot man iyon o nakakamangha.

Ngayon nga ay nasa ferris wheel silang dalawa ni Monjover. Mahina lang ang ikot niyon hindi katulad sa maliit na ferris wheel sa peryahan na nasasakyan niya noon na halos mamatay na siya sa takot dahil sa lakas ng ikot niyon. 

"Masaya ka ba?" napatingin siya sa mukha nito ng bigla nitong natanong kung masaya siya.

Importante pa ba dito kung anoman ang sagot niya? Ngunit animo'y nakatitig ito sa mga mata niya at hinihintay ang kanyang sagot, kaya tumango nalanh siya at ngumiti.  "May kapalit ba ang bagay na ito?"

"Ha? Bakit mo naman natanong 'yan?"

"W-wala lang… nakakapanibago kasi."

"Gusto lang kitang makitang masaya," anito na lalong nagpagulo sa isip niya.

Himala yatang nais nitong makita siyang masaya. Anong meron?

"Bakit?"

Nakita niya ang pag-iba ng ekspresiyon nito. Ang kanena'y nakangiting mukha ni Monjover ngayon ay seryoso itong nakatitig sa kanya, hindi sa galit na paraan kundi sa namumungay na mga mata. 

"Wala lang. Sabi mo kasi kagabi na hindi mo na ako kayang pakisamahan at ang sama-sama kong asawa sayo. Tama ka naman, pasensiya kana kung masama ang trato ko sayo alam kong nahihirapan kana sa'kin, kaya bumabawi lang ako."

Bigla siyang napaisip sa sinabi nito. Hindi na niya matandaan ang nangyari sa sobrang kalasingan niya kagabi ay hindi na niya namalayan na naglabas pala siya ng sama ng loob rito. Pero, dahil lang talaga doon kaya ito nanging mabait ngayon? 

Hmm… posible bang nakonsensiya ito? Imposible naman. Kausap niya sa sarili. Ang dami na niyang nabanggit na pangongonsensiya rito at imposibleng ngayon lang ito natablan. 

"Hmm... Gano'n ba? Pasensiya kana sa inasal ko kagabi," pahapyaw siyang ngumiti at tumingin sa mga mata nito. "Maraming salamat sa libre mong ito."

Kung totoo ngang nakonsensiya ito dahil sa mha sinabi niya ay salamat sa diyos kung ganoon. Pero mahirap ng umasa, magpapasalamat nalang siya sa ginawa nito ngayong gabi.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka  tumingin ulit sa magandang tanawin sa bintana ng ferris wheel.

Stress free! Nakaka-wala ng bigat ng loob ang Enchanted Kingdom sobrang saya niya ngayong gabi.

------

Kinabukasan ay maaga parin umuwi si Monjover tulad kahapon. Agad itong umupo sa sofa at panay hagod ng batok, alam niyang napapagod ito at wala narin naman siyang gagawin dahil katatapos niya lang magluto.

“Pagod ka?” nagdadalawang isip niyang tanong dito.

Tumango ito habang nakapikit “Ang daming trabaho sa opisina grabi,” hapong-hapo nitong paliwanag habang ang likod ay nakasandal sa sofa.

“Gusto mong hilotin kita?”

“That will be a great idea, kung ayos lang sayo?” Nanatiling nakapikit ang mga mata nito.

"Hmm.. Ayos lang, magaling akong manghilot. Noon ako lagi ang pinapahilot ni Mamay at Papay kasi 'yong mga barako kong kapatid ang bibigat ng mga kamay. Imbes na marelax sila Papay ay nai-stress pa tuloy lalo," natatawa niyang kwento at pati ito ay nakitawa din.

Marahan niyang inilagay sa balikat nito ang kanyang kamay at sinimulang hilotin ang asawa. Narinig niyang umungol ito sa ginawa niya na ikinangiti naman niya dahil ibig sabihin lang na nagustuhan nito ang masahe niya.

"D'yan! Ahh…  natumbok mo 'yong nangangalay kong balikat. Make it hard, Joss.” utos nito sa tonong animo'y nasasarapan.

Na-werduhan man ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Kahit medyo masakit sa kamay ang sobrang pwersa ay hindi niya alintana basta maibigay lang niya ang nais  nitongmasahe at para narin gumaan ang nararamdaman nitong pangangalay. Alam niyang hindi madali ang trabaho nito sa opisina at alam niyang nakakapagod iyon. Kapag naririnig niya ang ungol nito'y napapangiti siya, bukod sa wierd itong pakinggan ay ito ang  palatandaan na nasasarapan ito sa ginagawa niya kaya mas lalo siyang ginaganahan sa pagmasahe.

Bahagya pa siyang nagulat nang  bigla nitong hinawakan ang kamay niyang abala sa pagmamasahe.

"Bakit?" takang tanong niya.  Bakit masakit na ba ang ginagawa niya kaya pinapatigil na nito.

“You're making my loins hard, Joss. Imbes na marelax ay mas nakakaramdam ako ng pagod,"  hinihingal nitong sambit.

Hindi naman ito tuma-takbo pero bakit ito hinihingal?

"Gano'n ba? Hindi na pala ako magaling manghilot ngayon," tabingi siyang ngumiti.

She's playing innosent, right? Pero ayaw niyang bigyang pangalan ang nakitang pagnanasa na dagling dumaan sa nag-aapoy nitong mata. 

"No! You're good," anito at dahan-dahang inilalapit ang mukha sa mukha niya. "Actually you're very good at it. Pero ginigising ng masahe mo ang natutulog kong pagnanasa, Joss."

Titig na titig ito sa mga mata niya. Ilang dangkal na lamang ang layo ng mga labi nila at isang maling galaw ay maglalapat na ito. Pigil na pigil ang hininga niya habang hindi hinihiwalay ang titig sa mga mata ng asawa.


“A-akala ko pagud ka?” magkandautal-utal niyang sambit.


Kahit na ilang beses ng may nangyayari sa kanila’y hindi padin nagbabago ang nararamdaman niyang pagnanasa kapag nagkakadikit sila ng katawan. Kahit nahihintakutan siya sa nakikitang nag-aapoy ng pagnanasa nito ay natutukso padin siya lalo na kapag nadako ang tingin niya sa labi nitong namumula kahit na hindi naman nalagyan ng liptint. Para padin siyang si Joshua na isang kolehiyala  at walang kaalam-alam sa gano'ng larangan. Sa tuwing nadidikit ang balat nito’y bigla siyang nag-iinit at daig pa niya ang nabuhusan ng isang takuring may laman na kumukulong tubig. Daig niya pa naimpatcho dahil hindi niya alam kung natatae ba siya o ano? He never failed to seduce her, he was a tease at agad-agad siyang narurupok sa pang-aakit nito.

“Hmm, pero hindi ako pagod sa naiisip kong gagawin natin.”


Pagkatapo nitong sambitin ang mga katagang iyon ay agad nitong tinawid ang distansiya nila. Hinapit nito ang beywang niya papalapit sa katawan nito at agad siyang siniil ng halik sa labi.


  -Flordeluna
*slyt SPG :)

(Self edited by me!)

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon