Two year's before.
Mula no'ng gabing plinano niyang kornerin si Monjover at iniwan siya nitong mag-isa sa loob ng motel. Kinabukasan ay hindi na niya ulit nahagilap ang lalaki, wala narin siyang balak na habulin pa ito dahil alam niyang lagpas langit ang galit nito sa kanya.Sinimulan niya ulit ang buhay na parang walang nangyari, ngunit isang araw...
Biglang humilab ang tiyan niya at nais niyang masuka. Sinipat na muna niya ang orasan sa kanyang kwarto at nakita niyang alas sais palang ng umaga, agad siyang tumakbo sa labas ng silid at agad tinumbok ang banyo, dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Nagtataka siya dahil wala naman siyang kinain upang maging sanhi ng pagsusuka niya. Natigilan siya ng maalalang dalawang buwan na pala siyang hindi dinadalaw ng buwanang dalaw.
"Hindi naman siguro, at huwag naman sana." Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na sana ay hindi totoo ang hinala.
Upang mabawasan ang sobrang pag-iisip ay nagdesisyon siyang pumunta sa hospital...
"Okay naman ang lahat ng test mo Ms. Madrigal and I want to congratulate you because you're seven week's pregnant to be exact," halos mabingi siya sa sinabi ni Doctor Magno. "Wala kang sakit o anuman, pero buntis ka. And congrats dahil magiging nanay kana," masayang sambit nito.
Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya.
Ang daming tanong na nagsulpotan sa isipan niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang bagay na iyon sa pamilya niya. Hindi din niya mawari kung good news ba iyon o bad news, nais niyang maiyak sa nalaman.Masyado siyang nagpadalus-dalos sa nararamdaman at hindi iniisip kung ano ang kahihinatnan. Kung maibabalik lang sana niya ang nakaraan ay hindi niya gagawin ang kagagahang nagawa! Nasa huli palagi ang pagsisisi.
Sinubukan niyang hanapin at kausapin si Monjover upang manghingi ng tulong ngunit..."Problema mo na'yan, Joss. At hindi porket ayaw kitang panagutan ay pababayaan ko ang anak ko sayo. Ang magagawa ko lang d'yan ay suportahan ka pinansiyal, pero kung iniisip mong pakakasalan kita dahil nabuntis ka. D'yan ka nagkakamali! Kung hindi mo kayang ipaliwanag na walang magiging Ama ang anak mo para mas maintindihan ng magulang mo ay ipaliwanag mo 'yong ginawa mo para hindi ako madawit sa problemang ginawa mo!" matigas nitong sambit saka siya tinalikuran.
Hindi man lang siya hinayaan ng lalaking makapagsalita. Guhong-guho na ang mundo niya at hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Tatlong buwan na ang tiyan niya ng mapansin ng Mamay niya ang umbok nito.
“Ano 'yan Joshua at bakit hindi na normal ang laki ng tiyan mo? Baka may nais kang aminin sa’min ng Papay mo,” anito isang araw ng nagkatipun-tipon silang pamilya sa agahan.
She was trapped at hindi na niya alam kung ano ang isasagot. Nalunok niya na pati ang kanyang dila at wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak nalang bigla. Dahil sobrang depress na siya sa kakaisip, natatakot siyang baka bugbugin siya ng mga kuya niya at magalit ang magulang niya, baka itakwil siya.
Kaya imbes na sagutin ang tanong ng Ina ay umiyak nalang siya. Doon nalaman ng lahat na buntis siya. Nagalit ang buong pamilya ngunit hindi naman siya binugbog ng mga kuya niya at hindi naman siya pinalayas ng Mamay at Papay niya. Ngunit pinilit ng mga itong iharap niya ang nakabuntis sa kanya.
Ngunit iyon nga ang pinakaunang problema niya’y lalo siyang umiyak at inamin sa mga ito ang katotohanan. Lalong nagalit ang mga kuya niya at binalaan siyang hanapin at iharap sa lalong madaling panahon ang Ama ng ipinagbubuntis.
Sa kawalang magawa ay pinilit niyang kausapin ulit si Monjover. Nakiusap na kung maaari ay harapin nito ang kanyang mga magulang at samahan siyang magpaliwanag na hindi sila nagmamahalan kaya hindi sila maaring ipakasal at magkunwari itong may asawa na.
Ngunit imbes na tulungan siya’y sinabihan pa siya ng lalaki na;
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Ficción Generalsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...