Tinawagan siya ni Monjour sa opisina at sinabing kailangan daw niyang pumunta agad sa hospital! Isang buwan na din ang nakakalipas mula ng maaksidente si Monjover, sa wakas ay nagising na rin ito. Salamat sa Diyos. Iyon ang binalita sa kaniya ni Monjour kaya hindi siya magkanda-ugagang umalis na sa opisina.
"Gina, kapag may naghanap sa'kin pakisabing wala ako. Salamat." Hindi na niya hinintay na sumagot ito at agad na siyang tumakbo upang mapuntahan agad si Monjover sa hospital.
"Joss," tawag ni Rio.
Ayaw niya na sana itong lingunin at kausapin kaso naisip niyang ang bastos naman niya sa lalaki. Nagmamadali na talaga siya at gusto na niyang makita agad ang lagay ni Monjover, kaso kabastusan naman kung magbibingibingihan siya kay Rio. Kaya walang magawang naglakad siya pabalik upang harapin ang binata.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
Talaga bang tinawag lang siya nito upang tanungin? Hindi ba nito alam kung gaano na niya kagustong lumipad kung pwede lang. "Ahh, sa hospital, Rio. Nagising na daw kasi si Monjover at gustong-gusto ko talagang makita ang lagay ni Monjover," aniya na pilit pinapahinahon ang sariling boses. Nanginginig na kasi iyon dahil sa sobrang sabik na marating agad ang kinaroroonan ni Monjover.
"Ganun ba? Mag-iingat ka at kumalma ka lang, Joss. Natatakot ako, baka uuwi akong mag-isa nito sa Japan," nakangising sambit ni Rio. "Pero masaya ako para sa'yo, Joss at ginagalang namin ng Papa ang magiging desisyon mo. Tandaan mo lang lagi na welcome na welcome ka sa kompanya," anito dahilan upang magsalubong ang kaniyang kilay.
Ibubuka na sana niya ang kaniyang bibig upang tanungin ang lalaki ng bigla nitong sinakop ang kaniyang mukha at ginawaran siya ng magaan na halik sa noo. Wala namang dapat iiyak, pero parang nais niyang maiyak sa mga sinabi at ginawa ni Rio. Bakit kasi hindi na lang ito ang minamahal ng puso niya? Bakit kasi kailangang si Monjover lang ang nilalaman niyon at wala ng iba? Mabait si Rio at maalaga, minsanman ay hindi nito sinaktan ang puso niya, pero sadista yata ang puso niya dahil mas gusto nito lagi ang nasasaktan pag-dating sa pag-ibig.
Baka nga, baka nga umuwi ito pabalik sa Japan na mag-isa. Hindi pa naman siya sigurado at ayaw niyang umasa kaya iniangat niya ang dalawang braso upang yakapin ito ng mahigpit. Kahit aning timbang niya sa sarili ay wala talaga siyang nararamdamang pag-ibig para sa lalaki. Kumportable siya rito, hanggang doon lang at wala ng iba pa. Para itong kapatid para sa kaniya.
"Magkita na lang tayo sa bahay, Rio. Mag-usap tayo kapag matino na ang utak ko. Ngayon kasi ukopado ni Monjover ang buong utak ko," aniya.
Agad naman itong tumango at matamis na ngumiti. "Take care and relax. Sige na alam kong sabik ka nang makita ang lalaking iyon," pagtataboy nito.
Hindi na niya sinagot si Rio, agad na siyang naglakad palayo rito at patakbong hinabol ang elevator ng opisina. Kahit ilang beses pa niyang sabihin sa saeiling kumalma at magdahan-dahan dahil baka madapa siya'y hindi niya maiwasang hindi magmadali.
Kahit ang sinasakyang company car na naghatid sa kanya'y nais na niyang paliparin para lang marating agad nila ang hospital, upang makita na niya si Monjover. Matagal din kasi itong nakaratay lang sa kama at walang malay, kaya naman ngayon ay nasasabik siyang makita ang lagay ng lalaki.
Nang makarating sa mismong lugar ay hindi na niya hinintay na maipark ang sasakyan. Agad na siyang nagpababa sa mismong entrance ng hospital at tinakbo ang kwarto ni Monjover, ilang minuto na lang makikita na niya ito ulit.
Nang nasa tapat na siya ng pintuan nito'y dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang pinto, agad namang bumungad sa harapan niya ang masayang pamilya nito na panay ang tawanan at biruan. Nakita din niya ang masayang mukha ni Monjover. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa pwesto nito, nais niya itong makitang nakangiti at masaya. Nais niya itong mayakap, nais niya itong makausap na sumasagot ito, kahit sa galit na paraan, sa naiinis na paraan at sa kahit anong paraan.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...