"SIX"

2.5K 31 1
                                    

Lumipas ang linggong gano'n lagi ang ginagawa ni Joshua sa araw-araw. Gumigising siya ng maaga upang ipaghanda ng pagkain ang asawa ngunit hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito naghahanda para sa pagpasok sa trabaho.

“Hindi kaba aalis ngayon?” takang tanong ni Joshua sa asawang prenting naka-upo sa sofa.

“Hindi” maiksing sagot nito na abalang nanunuod ng T.V.

Tinatamad na naman ba itong pumasok sa trabaho? Ewan bakit ba napaka-iresponsable ng taong minahal niya.

“Gaga ka kasi!” singit na naman ng kontrabida niyang isip. Tanggap naman niyang Gaga siya dahil minahal niya ang lalaking hindi siya mahal. Eh, sa taong ito siya masaya kahit na ba lagi nalang siyang sinasaktan nito.

Tumuloy na siya sa kusina upang maghanda ng makakain nilang mag-asawa. Kahit naman walang kwentang asawa ito’y hindi naman niya masikmurang pabayaan nalang. Sa awa ng diyos hindi naman siya katulad nitong pabaya. Nagtimpla siya ng dalawang  kape dahil nais din niyang mainitan ang mga sikmura nilang dalawa saka siya maghahanda ng almusal. Abala siya sa paghahanda ng almusal ng biglang tumunog ang doorbell. Hindi na niya kailangang lumabas dahil agad ng tumayo ang asawa.

May inaasahan yata itong bisita. “Sino naman kaya ang bisita niya?” tanong niya sa sarili.

Gusto niyang maki-usyoso kaya naman napag-pasyahan niyang lumabas din upang makita kung sino ang bisita ng biglang nanlaki ang mga mata sa nakitang eksena.

Magkadikit ang labi ng asawa at ng babaeng bisita. Bigla siyang nanginig sa nakita wala na ba talagang respeto ang mga ito. Oo nga pala kailan ba siya ni-respeto ng asawa? Hindi lang pala ito ang unang beses na may gano'ng tagpo siyang nasaksihan.

Tumikhim siya upang magkaroon naman ng hiya ang dalawa at mapansing may tao sa paligid.

“Ah! May tao pala,” nakangiting sambit ng babae.

Agad niyang pinag-aralan ang itshura ng babae ng humarap ito. Tulad nang mga naunang babaeng dinala ni Monjover sa bahay nila ay maganda at sexy din ang babae. Makinis ang balat at mukhang alagang gluta pati lamok at langaw ay mahihiyang dumapo. Mukha itong model, samantalang siya?

Niyuko niya ang sarili. Simple lang ang suot niya at may parte pang butas-butas dahil sa kalumaan na at nanghihinayang siyang itapon dahil presko naman kapag sinuot. Nakataling buhok at pawisang mukha dahil sa pagluluto. Napakalayo niya sa babaeng nakayakap ngayon sa asawa. Kaya wala siyang karapatang saktan ang babaeng ito baka kapag nasugatan pa niya ang makinis nitong mukha at balat ay pagbayarin pa siya ng milyon, wala siyang gano'n kalaking pera.

“Akala ko babe, pinag-off mo ang mga katulong mo bakit may natira pa?” tukoy nito sa kanya.

Bahagya siyang nasaktan sa maling akala ng babae ngunit wala siyang lakas upang ipakilala ang sarili dito.
Hindi nga talaga siya mukhang asawa ni Monjover, mas mukha nga naman talaga siyang katulong nito. Matagal na niyang tanggap ngunit hanggang ngayon ay nasasaktan padin siya.

Hindi naman siya sobrang pangit, maganda nga daw siya kapag naayusan ngunit wala naman siyang hilig mag-ayos. Komportable naman siya sa mga sinusuot niya at hindi niya kailangang mag-ayos dahil sanay naman na siyang makita ang simpleng siya. Ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay nakakaramdam siya ng panliliit sa sarili dahil hindi man lang niya kayang ipagmalaki sa mga kabit ng asawa na siya ang tunay at kabit lang ang mga ito.

“Aalis din naman siya mamaya. Pinagluto ko lang,” sagot naman ng asawa habang inaalalayan ang magandang babae papasok ng bahay.

Nais niyang manliit noong lagpasan siya ng dalawa. Sobrang liit na talaga ng tingin niya sa sarili, hindi lang ito ang unang beses na ginawa ni Monjover ang magdala ng babae sa bahay nila, medyo sanay narin naman siya ngunit kahit sanay na sanay na siya’y nasasaktan padin siya.

Nagsimula nadin siyang maglakad papasok sa loob upang tapusin ang niluluto. Kahit nagliliyab ang damdamin ay sinarapan padin niya ang niluluto dahil una, ayaw niyang pagalitan siya ng asawa kapag hindi masarap ang inihain niya. Pangalawa’y, nais niyang walang masabing masama ang babae sa luto niya. Kahit sa pamamagitan lang no'n maipagmalaki naman niya ang sarili.
Iniiwasan niyang madako ang paningin sa may sala dahil ayaw niyang makita ang lambingan ng asawa at ng magandang babae. Pakiramdam niya’y isang matandang karne ang nilalaga niya at napakatagal lumambot. Inip na inip na siya at nais na niyang makaalis sa lugar na ito magkukulong nalang siguro siya sa silid niya buong araw para hindi niya makita ang ginagawang katarantaduhan ng asawa. Gusto ng pumutok ng bombang pinipigilan niya sa dibdib.
Hanggang sa wakas ay naluto narin ang niluluto ay inihain na niya ito agad at kumuha ng para sa sarili niya kahit gaano pa siya ngayon ka nasasaktan ay hindi naman niya hahayaang magutom ang sarili. Ang swerte naman ng asawa niya kung ito lang at ang kabit niya ang makikinabang sa niluto niya.

Nang matapos sa ginagawa’y agad siyang pumanhik sa kwarto upang magkulong. Wala naman kasi siyang maisip na puntahan kahit naisin man niyang umuwe muna sa bahay nila’y ayaw niyang makita ng mga magulang at mga kapatid ang sakit na nakaguhit sa mga mata niya. Kaya naman dito nalang siya kahit ikamatay na niya ang sakit, bukas kakausapin niya ang asawa! Hindi na tama ang ginagawa nito sa kanya.

- Flor de Luna

Enjoy guy's
Self-edited! Sana ay nagustuhan niyo.
Hmm :)

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon