Kausap niya ngayon ang kapatid na si Monjour na abot tainga ang ngiti sa labi habang makahulugang nakatitig sa mga mata niya.
"Why you keep on smilling like that? Baka hindi mo alam na naiirita ako ngayon sayo. Anong oras na akong pumasok kanina at muntik na 'kong pumatay ng tao sa nakita ko. Si Joshua kasama ang hapon na iyon habang hawak-hawak pa ang mukha na para bang akala nila'y isang malaking Luneta Park ang opisina ko. Hindi man lang ako na-inform, na sa opisina ko din ang opisina nila." Mahaba niyang litanya.
Howow! Imbes na sumagot ito at magseryoso ay tumawa pa ito ng malakas na lalo niyang ikinairita.
"Stop that, will you!" saway niya.
"Okay, okay! Kalma bro." Nakataas pa ang dalawang kamay nito habang nagsasalita na para bang sumusuko nasa isang mahirap na laban. Bumuntong hininga muna si Monjour bago muling nagsalita. "May dahilan ako kaya ko ginawa ang bagay na iyon at talagang wala akong balak na sabihin sa'yo ang bagay na iyon dahil alam kong hindi ka papayag. Nasa utak ko na 'yan Bro. Hindi pa nangyayari naisip ko na, hindi ako magiging ganito kagaling sa larangan ng negosyo kung hindi ako advance mag-isip at para sa'kin, isa kayong malaking pera na dapat kong isugal. And take note, isusugal ko lahat-lahat at sisiguraduhin kung mananalo ako sa sugal na ito." Matalim itong nakatitig sa mga mata niya.
Howhat! Ginagawa silang isang deal ng kuya niya. Gustong-gusto na niya itong dagukan at pagsusuntukin sa mukha, para makaganti man lang.
"Oopps! I know what 'yah thinkin' right now at hindi mo pwedeng gawin ang bagay na iyan sa big brother mo," anito.
Wala pa siyang sinasabi ay alam na nito ang mga nais niyang gawin.
"Naalala mo ba noong gabing nag-dinner tayong lahat sa mansiyon. Kasama mo no'n si Lesiel, hindi ko alam kung kayo na no'n o ano ba?" anito sabay kibit balikat at muling nagsalita. "Basta hiwalay na kayo no'n ni Joshua."
Pilit niyang inaalala ang tagpong sinasabi nito, na agad naman niyang naalala kaya siya tumango. "Anong meron doon?"
"Naalala mo bang naglasing ka no'n?"
Ano naman kung naglasing nga siya? Lagi naman siyang naglalasing e, ano ba talaga ang pinupunto nito? "Hindi ako naglasing. Nilasing niyo talaga ako ni Monico!" natawa ito ng malakas.
"Mali ka, ikaw ang gustong malasing no'n. Ikaw 'yong kulang nalang lunukin mo na pati ang bote ng alak, napaka-disperado mo noong mga panahon na iyon at alam mo ba ang mga ginawa mo no'ng nalasing ka na?"
Nagsalubong bigla ang mga kilay niya dahil wala siyang maalala noong gabing iyon. Basta ang naaalala niya lang pag-gising niya'y, isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Lesiel saka siya nilayasan nito. Kahit anong pilit niyang tanong rito kung anong naging problema kung bakit nais na nitong maghiwalay sila'y hindi siya nito sinasagot sa halip ay sinasabi nitong:
"I hope you could forgive yourself to all that you've done to Joshua at kapag nagawa mo na ang bagay na iyon ay saka ka na ulit magmahal, kapag malinis na ang puso mo. Just moved-on first Jover."
Labis niyang ipinagtataka ang mga sinabi nito noon sa kanya. Kaya ngayon niya malalaman ang sagot sa lahat ng tanong niya mula noong sinabi ni Lesiel ang bagay na iyon.
"Umiiyak ka, hindi lang pala iyak ang ginawa mo nagwala ka pa. Binasag mo 'yong mga mamahaling figurine ni Mama, at 'yong mga antique na platong iningatan niya ng mahabang panahon ay muntik mo nadin madali. Ito pa ang malupit nagsisigaw ka pa," bigla itong tumigil.
Katulad ng pagtigil nito ng kwento ay para ding tumigil ang pag-pintig ng puso niya. Nais niyang sigawan ang kuya niya dahil sa pabitin nitong kwento.
"Ano? Sabihin mo na," pilit niya. Hindi na siya makahinga sa sobrang tense at mukhang balak siyang patayin nito.
"Kalma," tatawa-tawa pa ang tukmol niyang kapatid. "Nagsisisigaw ka ng… Joshua! I need you baaack… I'm sorry, I'm so sorry. Hindi ko kayang mawala ka, pakiusap huwag mo naman akong patayin ng ganitoooo, JOSHUAAAAAA!"
Inaakto pa nito kung paano siyang sumigaw at lumuhod habang nakatingala sa itaas na para bang nandoon si Joshua. Hindi niya lubos maisip na ginawa niya ang bagay na iyon.
"Gano'n. Gano'n na gano'n ang ginawa mo, kaya sinong Lesiel ang matutuwa sayo? Habang kami naman ng Mama at Papa, sobrang naawa talaga kami sa'yo. Umiiyak pa nga si Mama no'n dahil sa sobrang pagka-habag sa anak niyang gago. Kaya nila ako inutusang ibalik sayo si Joshua, by hook or by crook! Ngunit noong pinuntahan ko siya sa bahay nila'y wala na siya, balita ko ay nakaalis na papuntang Japan. Sa'kin pa nga nagalit ang pamilya niya no'n dahil sa ginawa mo, ngunit noong napaliwanagan ko naman ay agad naman kaming nagkaintindi. Alam mo ba na napaka-swerte mo sa pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na sa mismong asawa mo, kaso sinayang mo lahat."
Hindi siya makapagsalita sa inamin nito. Alam niyang ma-swerte siya kay Joshua, ngunit dahil isa siyang malaking gago. Kaya nawala sa kanya ang swerteng binigay sa kanya ng poong maykapal.
"Noong panahon na hinahanap ko si Joshua ay bahagya akong pinigilan ni Monico. Kung tutuusin ay dapat noon ko pa naiuwi 'yan si Joshua sa'yo. Kaso ang sabi ni Monico na huwag ko daw madaliin ang lahat at hayaan na muna kitang makapag-isip-isip, at hayaan kitang namnamin ang sakit ng pag-alis ni Joshua. Para naman maranasan mo din mismo sa sarili mo na hindi madali ang masaktan. Gago 'yon si Monico, pero alam natin lahat kung paano magmahal ang gagong 'yon," nakangiting sambit nito nang maalala ang pasaway na kapatid.
Agad naman siyang tumango sa sinabi ni Monjour. Nagbago narin naman ang Kuya Monico niya, maraming salamat sa babaeng bumihag ng bato nitong puso.
"Nahirapan akong iuwi si Joshua dito sa Pinas baka akala mo madali lang ang mga ginawa ko, maibalik lang sa'yo ang asawa mo. Ang hirap maging kupido, kailangan mong mang-blackmail ng malalaking isda, bitiwan lang nila ang diyamanteng pag-aari mo na hawak-hawak na nila."
Napangiti siya sa frustration na rumihestro sa mukha nito.
"Bakit, paano mo blinakmail ang malaking isda?" curious siyang malaman, kilala niya sa pagkatuso ang kapatid kaya alam niyang hinding-hindi ito magpapatalo ng basta-basta."Shempre! Sekretong malupit na 'yon. Hindi mo na maaring malaman pa, basta sinabi ko lang sa'yo na hindi madaling bawiin ang taong iniwan kana. Ngunit ginawa ko padin dahil mahal kita, kapatid kita at ayaw kong nakikitang nasasaktan ka dahil mas nasasaktan ako, kami ng pamilya mo. Naiinis man kami dahil alam namin na kasalanan mo at deserve mo dapat ang bagay na iyan, hindi padin kami makatiis. Maybe that's what family does."
Emosyonal niyang tinitigan ang kapatid. Nais niyang umiyak sa mga sinabi nito, ngunit bakla lang ang umiiyak at hindi na siya bata, that's why he control his tears to fall. "Salamat kuya."
"Nope! I don't need your thank you. I need a result, siyam na buwan lang na magtatrabaho si Joshua dito, 'yon ang napagkasunduan namin ni Mr. Furukawa kaya kailangang bago mag-siyam na buwan ay mapaibig mo na ulit ang asawa mo, dahil ang usapan namin ay papayag lang siya kung si Joshua mismo ang mag-reresign. Pero kung hindi ay wala akong magagawa kundi ang hayaan si Joshua na magtrabaho kay Mr. Furukawa, tignan mo nga 'yan sa pagkasigurista ni Furukawa'y ipinasama pa nito ang gwapong anak nito, gano'n kahalaga kay Mr. Furukawa si Joss, baka akala mo lang easy-easy lang ang lahat. Mahaba na ang siyam na buwan na palugit, kaya sana naman ay pagbutihan mo. And I really hope, this time you will win her heart back! Not as ASAP as I wanted to be, but I hope before nine months there's a hope for the both of you," seryoso nitong sambit.
Siyam na buwan? Anong gagawin niya upang hindi na ito bumalik ng Japan? Liligawan niya? Hindi siya marunong manligaw. Paano niya gagawin ang bagay na iyon? Bigla tuloy siyang namroblema.
Hays! Bahala na si Batman, Superman at kung sino man!
xxFLORDELUNAxx
Enjoy reading kahit medj mahina ang update hehe.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
Ficção Geralsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...