TRENTA 'y UNO

2.6K 31 0
                                    

"Good morning ma'am," bati sa kanya ni Rose.


Buti pa ito ay binabati siya ng bukal sa loob. Samantalang itong si Gina, masama ang loob kapag nakikita siya. Agad siyang ngumiti upang gantihan ang babae nang mapansing  may bitbit itong isang boquet ng bulaklak na kulay dilaw, her favorite color.


"Hello Rose, anong sa'tin?" nakangiti niyang tanong. Abala siya sa ginagawang pag-dedesign ng pumasok ito sa opisina.


"May ibibigay ako. Ewan ko ba kung bakit hindi sa sekretarya ni VP ibinigay ang mabangong bulaklak na ito," anito sabay singhot. "Siguro kasi baka babasketin lang nito ang bulaklak kaya ako pa ang pinahirapan," nakangiting sambit ni Rose.


"Pasaway ka. Ano ba 'yan? Galing kanino?" tanong niya.


"Walang nakalagay madam e, pero may naka-note. Baka sa secret admirer mo galing," sabay lingon nito sa abalang si Monjover na para bang bingi at walang naririnig.

Tinignan niya rin ang lalaking invisible sila sa paningin nito. Abala ito sa mga binabasang papel at imposible naman na galing dito ang mga bulaklak na natatanggap niya araw-araw.


"Basahin mo na ang note, ma'am nais ko din malaman kung anong nakalagay. FYI ah, hindi ko binasa 'yan ayaw kitang pangunahan."



Natawa siya sa sinabi nito, hindi na niya dinugtungan ang sinasabi ni Rose sa halip ay binulatlat na niya ang kapirasong papel atsaka binasa ang nakasulat. 


I hope your having a good day,
I want to see your smile.


Iyon lang at wala ng iba. Anong mensahe ba naman 'yon nakakakilig pero bitin.


"Ay! Hindi marunong manligaw ang secret admirer mo na 'to ma'am. Alam mo kung bakit?" Nagtataka man ay tinanong niya parin ito kung bakit?  "Kasi tignan mo naman ang mensahe niya, bukod sa walang laman, bitin pa." May point. "Parang nagpapa-cute lang tapos parang akala mo teenager. Naku! Kung ako ang babae nililigawan ng nagpadala ng bulaklak na ito,  hindi ko 'to sasagutin," malakas na sambit ni Rose.

Natawa siya sa sinabi nito. "Ang advance mo naman mag-isip. Wala naman sinabing nanliligaw siya Rose."


"Advance ako mag-isip ma'am. Doon na ang punta no'n."


Natawa siya sa sinabi nito.
Kahit kailan talaga'y pasaway ang isang 'to.  "Haha, sige na baka hinahanap ka na ni Sir Monjour. Salamat nga pala dito Rose." 


"Ayos lang madam, basta para sa'yo, gano'n ka kalakas sa'kin. Bye aalis na ako, baka maka-award na naman ako kapag nagtagal pa ako dito," anito na agad ng pumunta sa may pinto, ngunit bigla itong lumiko at dumeretso sa mesa ni Monjover. 


"Sir, abala tayo ah. Hehe," panunukso pa ni Rose sa tahimik na si Monjover.


Kesa intindihin ang pananahimik ni Monjover ay mas pinili na lamang niyang bumalik na sa trabaho.

"Bye," maya-maya ay narinig niyang paalam ulit ni Rose.

-------

May pupuntahan silang site ngayon ni Joshua na magkasama, dahil isa ito sa  leader ng interior team at siya naman ang VP ng kompanya ay kailangan nilang mapuntahan ang site na inutos ni Monjour upang ma-check ang site kung anong improvement na ba ang nangyayari. He needs to report something to the boss, lima silang magkakasama at lahat ay puros lalaki sa madaling salita si Joshua lang ang natatanging  babae. Hindi na niya pinasama ang sekretaryang si Gina pati na ang buntot nitong si Rio.


"Dito ka sa tabi ko Joss," aniya ng akmang uupo ito sa tabi ni Engineer Salazar. Kilala niya ang lalaki at ayaw niyang mapalapit si Joshua dito.


"Ha? Ah, sige."


Agad naman itong lumapit sa pwesto niya. Nasa private plane na silang lahat ngayon papuntang Cagayan de Oro.



"At any hours ay nasa Laguindingan Airport na din tayo kaya mag-relax ka lang." Nararamdaman niya kasing hindi ito mapakali sa tabi niya.

Ngumiti uti ng tabingi saka nagsalita. "Ayos lang naman ako."


"Nakapunta kanang Japan, partida ilang oras ang lipad no'n sa himapapawid. Hindi ka nga natakot, tas dito isang oras lang takot na takot kana?" natatawa siya sa dating asawa. Noon paman ay matatakutin na ito sa matataas na lugar.



"Iba naman kasi 'yon. Hindi katulad nitong mas maingay at nakakatakot sakyan. Paano kung biglang bumukas ang pintuan na to, e di babagsak nalang ako biglang sabog ang buong katawan sa lupa. Ang eroplanong sinasakyan ko, malayo ang pintuan hindi mo katabi ang pintuan hindi tulad dito."


Sa sinabi nito ay bigla niyang na-check ang pintuan nito kung naka-lock na ba iyon ng maayos, nakahinga namam siya ng maluwag ng makitang maayos na iyong nakasara. "Hindi na 'yan bubukas kaya huwag kanang matakot," aniya.


Hindi na ito nagsalita pa, kaya nagkasya nalang siyang titigan ang maganda nitong mukha.
Maganda na ito kahit noon pang nasa kolehiyo pa sila, at ng ikasal silang dalawa hanggang sa magsama ay hindi parin nabawasan ang angkin nitong ganda, kaso nga lang dahil hindi na nito naaasikaso ang sarili dahil mas inuuna siya nito palagi ay natabunan iyon ng maluwag na damit at walang suklay na buhok na lagi lang nakatali at hindi nadin nito naaalagaan ang mukha, kaya nagmukha itong lusyang. Ngunit ngayong nakatitig siya ulit dito ay nagbago na nga ito, mas lalo itong gumanda at naging blooming, nahiyang ito sa bansang kinaroroonan at dahil siguro wala na itong iniisip ay mas nabigyan na nito ng pansin ulit ang sarili kaya naman lumantad ulit ang ganda nito.


Her pinkish cheek na akala mo'y nag blush-on ng sobrang kapal dahil mas nag red ito ngayon dahil sa kabang nararamdaman nito sa heights. Ang tungki ng matangos nitong ilong na ngayon ay namumula narin kasabay ng pisngi at ang labi nitong maliit ngunit kaakit-akit— matagal na panahon nadin na hindi niya ito nahalikan. Hindi niya na alam kung pati ba ang lasa ng halik nito'y kasamang nagbago.


"B-bakit?" nauutal nitong tanong ng mapansing kanina pa siya nakatitig.


"Wala," aniya saka inabot ang isang kamay nito at mahigpit na hinawakan. "Hawakan mo mo muna ang kamay ko pansamantala, para hindi ka matakot." Saglit itong nag-atubili ngunit inabot niya ang kamay nito atsaka mahigpit na hinawakan. Nanginginig iyon kaya mas lalo niya pang hinigpitan para hindi na ito matakot.


"S-salamat." nahihiya nitong sambit. 



Naramdaman niya ang unti-unti nitong pagka-relax dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito. Hindi katulad ng ibang babaeng naka-date niya ang kamay ni Joshua, magaspang ang kamay nito at hindi malaporselana. Ngunit ito ang kamay na namiss niya ng sobra. Ang kamay nitong hinihilot siya kapag napapagod at pinagsisilbihan siya ng mahabang panahon.




Ang kamay nitong maliit ngunit kayang gawin ang lahat, napangiti siya sa naisip. Ngayon lang niya napansin na swak na swak lang pala ang kamay nila. Pakiramdam niya'y ginawa ang kamay nito para hawakan niya.


xxFLORDELUNAxx

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon