Lasing na naman ba si Monjover o high lang ito sa matagal na pagtulog? Bakit ibang babae na naman ang tinawag nito sa kaniya? Sino ba ang yam na iyan? Narinig na niya iyan noong panahon na ni-rape niya ito. Nakakainis na ah! Lagi na lang siyang napagkakamalang ibang babae.
"Hindi ako si yam mo," aniya na medyo may inis sa boses. Ayaw niyang mairita dahil akala niya'y para sa kaniya talaga ang rebelasyon nito kanina 'yon naman pala'y para kay 'yam' ulit.
"Yes you are," walang pagdadalawang isip naman nitong sagot.
"Paanong ako?"
"I called you yam when we're in college don't you remember that? 'Yan ang lagi kong tinatawag sa'yo kapag naglalambing ako, tapos kapag nagseselos ako. 'Yon nga lang kapag normal lang ang pakiramdam ko'y tanging Joss lang ang tawag ko sa'yo. Ikaw 'yong makakalimutin hindi ako," wika nito dahilan upang magsalubong ang kaniyang kilay.
Bahagya siyang napaisip sa sinabi nito. Hindi naman kasi niya pinapansin ang endearment nito noon sa kaniya, kaya siguro wala siyang maalala. "A-ako ba yo'ng yam na 'yan?" paninigurado niyang tanong. "Kung ganun. Nung gabing may nangyari sa'tin hindi ibang babae ang iniisip mo kundi ako?"
"Exactly!" tumatangong wika ni Monjover.
"Eh, bakit nung nagising ka kinabukasan ay nagalit ka sa'kin!?"
"Dahil sa ginawa mo. Gising na gising ako ng mga panahon na iyon at hindi ako lasing o anumang tulog. Alam ko kung paano mo ako naipanhik sa kwarto at kung paano mo akong hinubaran. Lahat alam ko dahil uulitin ko gising ako. Sinakyan ko ang kalokohan mo at nagpanggap na lasing o galing sa malalim na tulog at ni-rape ka. But let me remind you, that was not a rape! Dahil pareho nating ginusto ang bagay na iyon, subconciously ay hindi ko namalayan na tinawag kitang yam, maybe natural na lang iyon na lumabas sa bibig ko dahil iyon naman talaga ang tawag ko sa'yo noon pa.
Nagalit ako dahil tinali mo ako sa ganung paraan. Yes! I'll admit kasalanan ko din naman kung bakit ka nagalit sakin noon. But I did that 'coz I dont want to hurt you more. Bata pa ako noon ang I really want to explore something at ayokong masaktan ka habang ine-explore ko ang mga bagay-bagay. But what did you do? You really want me to hurt you, dahil itinali mo na talaga ang sarili mo sa'kin. Lalo akong nagalit nang makunan ka.
I thought we could really be a real family. Nung panahon na iyon ay handa na akong isuko ang lahat para sa magiging anak natin. Ngunit nawala lang ng gan'un. I'm sorry kung mas inisip ko ang sarili ko kaysa isipin kita," madamdaming wika ni Monjover sabay haplos nang mukha niya. "I know you've suffer much. Ngunit nabulag ako sa nararamdaman kong sakit. Kaya mas lalo pa kitang sinaktan.
Nung dumating naman ang panahon na narealize ko ang lahat ng mali ko'y dun ka naman napagod at sumuko," dumudungaw na din ang pinipigilan nitong luha. "Napagod ka at sinukuan ako. Iniwan mo ako and I think I deserved that. Akala ko hindi ka na babalik pa sa'kin. Ang akala ko'y tuluyan mo na akong iiwan at hindi mo na ako babalikan. Akala ko talaga na hanggang dun na lang ang istorya nating dalawa," humahagulhol nitong wika na agad naman niyang pinapatahan.
Hindi pa ito masyadong magaling kaya baka masama rito ang umiyak. "I'm sorry." Hinahagod niya ang likod nito. Baka kasi mabinat ito, kagigising lang nito'y na-stress na agad.
"No! You don't need to say sorry. Ako, ako ang dapat humingi nun, Joss at araw-araw akong hihingi ng sorry sa'yo sa lahat ng maling ginawa ko. Sana patawarin mo na ako," anito.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...