Arrival Area
"May, nasaan na kayo?" kausap niya sa cellphone. "Ahh. Nasa number ten kayo? Sige, May. Diyan lang kayo at ako na ang pupunta d'yan sa pwesto niyo. May kasama po ako ah." Pinatay na niya ang tawag, excited na siyang makita ang kanyang masayang pamilya. Tatlong taon narin niyang hindi nakita at nakasama ang mga ito at napakadami na ng nagbago.
"Paano Kim? Dito muna kami, nasa ten daw ang pamilya ko. Ikaw saan ang asawa mo?" tanong niya sa kaibigan.
"On the way pa daw, Besh. Sige na hintayin ko nalang si Alfonso. Byeeii.. Kitakits okay." Nilapitan siya nito at binulungan. "Ingatan mo si Rio ah, ayeii…" Masaya nitong sambit.
Naningkit naman ang mga mata niya sa ibig sabihin ng kaibigan, kinurot niya ito sa tagiliran saka naglakad patungo sa kinaroonan ng Pamilya. Ilang segundo lang ay nakita na niya ang Mamay niyang may bitbit pang banner, agad siyang napangiti sa makukulit niyang pamilya.
"Wow! Grabi naman 'yan may pa-banner pa talaga si Mayora," nakangiti niyang sambit. Agad namang nagsigawan ang mga ito at masaya siyang niyakap.
"Joshuaaaaa!!!"
"Kumusta kana tol. Grabi namiss kita," masayang wika ni Jake. "Nga pala asawa ko tol si Quenie. 'Di ba naka jackpot ang gwapo mong kapatid."
"Paano mo nakuha 'yan? Tinutukan mo siguro siya ng baril kaya napilitan," bulong niya.
"Ay! Hindi ah, nabihag lang talaga siya sa aking angking ka-gwapohan 'di ba Labs," anito sabay akbay sa babaeng ipinakilala nitong Quenie. Nakita naman niyang ngumiti ang babae na medyo halata na ang umbok ng tiyan dahil limang buwan na itong buntis.
"Ingatan at mahalin mo 'yan."
"Shempre," anito sabay japorms, kaya humagalpak na lamang siya ng tawa.
"Tsk! Ang ganda mo na baboy. Mukhang nahiyang ka sa bansang napadparan mo ah," ngayon naman ay si JM ang nagsasalita.
Ang kuya niyang walang kupas ang ka-gwapohan kahit may dalawang anak na.
"Hmm, mana lang ako shempre sayo."
"Ano 'yon? Si JM ba ang tatay mo kaya sa kanya ka nagmana." Palag naman agad nang Papay nila.
Tulad nang dati ay agad silang nagtatawanan kapag ito na ang nagsalita.
"Naku! Ang dami niyong dadak. Umuwi na tayo dahil alam kong gutom na ang bunso natin," wika naman nang Mamay nilang kill joy.
Agad siyang lumapit sa ina at mahigpit itong niyakap. "Oo nga, May. I miss you," lambing niya rito kaya agad namang sumilay ang matamis na ngiti nang ina. "Namiss mo ba ako May?"
"Shempre naman 'no! Miss nadin kita. Miss kana namin lahat, kaya umuwi na tayo."
Saka niya naalalang may kasama nga pala siya. "Aah, teka muna wait. Muntik ko nang makalimutan. Si Rio Furukawa nga pala anak ng amo ko, siya ang sinasabi ko sa inyong makakasama ko pag-uwi." Pakilala niya sa lalaki, agad naman itong nagbigay galang.
"Nice to meet you."
Nagtaka siya ng bigla siyang nilapitan ni Jake at binulungan. "Nagtatagalog ba 'yan bunso?" natawa siya sa tanong nito.
"Haha, opo nagtatagalog po si Rio. Kaya kalma mga kuy's hindi kayo mano-nose bleed sa kanya." Nakahinga naman ang mga ito ng maluwag sa sinabi niya.
"Oh! Hala s'ya, mag-uwian na tayo para makarami tayo." Agad naman na nagsisakay sa dala nilang L300 ang pamilya niya, alam na niya ang ibig sabihin ng mga itong makarami, makarami ng alak.
"Ang daming pasalubong hooh!" excited na sigaw ni Claire.
"Oo naman, shempre." nagtawanan silang lahat.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...
