TRENTA 'y KWATRO

2.5K 33 2
                                        

Ang akala niya'y hindi na matutuloy ang sinabi nito kanina, ngunit nagsilakihan ang mga mata nila ng makitang nag-park sa tapat ng gate nila ang isang kulay itim na Lamborghini.

"Nandito na yata ang asawa mo nak," nakangiting tukso ng Papay niya.

"Papasokin mo muna bago kayo umalis," singit naman ng Mamay niya.

"Anong gagawin niyo sa kanya, May?" nag-aalala niyang tanong.

"Kakausapin lang. Bakit ano bang akala mo?"

"Galit ba kayo kasi nagpakita siya dito?" tanong niya sa lahat, ngunit sabay-sabay lang na nagkibit-balikat ang mga ito. "Sana huwag niyo nalang siyang pagalitan, hindi ko din kayang makitang pinapagilatan niyo siya."

"Oo alam namin 'yon bunsoy, kaya nga binu—" agad namang tinakpan ni Jake ang bunganga ni Claire.

"Ano iyon kuya?" taka niyang tanong sa dalawa.

"Wala 'yon bunsoy. Ang ibig sabihin ng Kuya Claire mo ay binu—hat nalang namin ang sarili naming pride at pinabayaan nalang namin ang asawa mo, tutal malalaki narin naman kayo. 'Yon! Ang ibig niyang sabihin," nauutal na wika ni Jake.

"Ahh! Akala ko binugbog ang sasabihin ni kuya. Naghiwalay kami na wala na akong bitbit na konsensya, walang bigat sa dibdib ko. Kaya ayokong makarinig na may ginawa kayong hindi maganda sa kanya dahil konsensya ko na naman 'yon." Sabay naman na nagtanguan ang mga ito.

"Alam naman namin 'yon bunso," nakangiting sambit ni Jake na agad namang tinanguan ni Claire.

"Papasukin ko lang. Sana naman kahit plastikan harapin niyo siya ng maayos," nakikiusap niyang wika. 

Kilala niya ang pamilya sa pagiging palaban at ayaw magpaapak sa ibang tao. Kaya natatakot siyang baka gantihan ng mga  kapatid niya si Monjover dahil sinaktan siya nito ng labis noon. Nang masigurong kalmado ang lahat ay lumabas siya upang pagbuksan ito ng pinto.

"Tuloy ka muna, maaga pa naman," aya niya kay Monjover na rentng nakatayo sa labas at hinihintay siya.

"Sige," nakangiting sambit nito at hindi nagdalawang isip na pumasok sa loob ng bahay nila.

"Mag-bless ka kay Mamay at Papay," bulong niya rito. Noong nagsasama pa sila ay hindi ito nakakagawi sa bahay nila, isang beses lang at ito ang pangalawa.

"Calvin, samahan mo muna si Joshua sa taas mag-uusap lang kaming lahat dito," utos ng Mamay nila.

Nais niyang mag-protesta sa inutos ng Mamay niya. Ngunit ng makita niyang kinindatan siya ng kaniyang Papay ay agad naman siyang nagpahila kay Calvin. May tiwala siya sa ama kaya alam niyang walang mangyayaring masama kay Monjover.

"'Lika na sis, hayaan na muna natin silang mag-usap."

Agad naman siyang naglakad palayo sa mga ito at muling tinitigan ang kaniyang papay. Nakikiusap na sana ay ingatan si Monjover at huwag itong saktan, mas may tiwala siya sa Ama kesa sa mga Kapatid niya, kaya nung kumindat itong muli  ay hindi na siya pumalag pa at tinalikuran na ang mga ito.

"Sige Mon," paalam niya, saka tuluyang umakyat sa taas at magtago muna sa kwarto. Anoman ang pag-usapan ng mga ito ay hindi niya narinig, dahil nasa kwarto silang dalawa ni Sissy Calvin niya.

----

Ngayon naman ay nasa mamahaling restaurant siya dinala ni Monjover, ito na ang pinag-order niya ng makakain nila dahil kanina pa siya natetense sa presenya ng dating asawa. Kanina pa niya nais tanongin ang lalaki kung ano ang mga napag-usapan nila ng pamilya niya ngunit hindi niya maisingit sa usapan nila dahil kanina pa siya kinakausap nito ng mga kung ano-anong bagay, tulad ng kung anong nangyari sa kanya ng mag-punta siya ng Japan at paano niya nakilala si Mr. Furukawa, wala naman siyang ibang ginawa kundi kwentuhan ito ng kwentuhan.

Masarap naman palang kausap ang dating asawa, kung noon kunting usapan lang ay nagkakabangayan na agad sila, ngayon naman ay mas pinapakinggan nito ang bawat sagot niya sa tanong nito. Madali lang naman palang magkasundo kung gugustuhin lang talaga nila. Kaso siya lang ang may gustong kausapin ito noon, habang ito naman ay ayaw siyang makausap dahilan upang hindi sila magkatagpo. May magandang nangyari din naman sa paghihiwalay nila.

Sa kaka-kwento niya'y hindi niya namalayan na nag-thirty minutes na pala gaya ng sinabi ng waiter na hihintayin nila ang thiry minutes bago maiserve ang mga inorder nilang pagkain.

"Nandito na pala ang pagkain," nagpasalamat sila ng matapos ang waiter sa paglapag ng mga pagkain nila.

"Kain na muna tayo saka ulit tayo magkwentuhan," nakangiti niyang sambit na sinuklian naman nito ng matamis na ngiti.


Kung noon sana ay nagsimula sila sa ganitong tagpo baka hindi nangyari sa pagitan nila ang lahat ng sakit at pahirap na dinanas niya.

"Hmm, masarap ang pagkain na ito," anito saka humiwa ng kapiraso at inilagay sa plato niya.

Kahit minsan noon ay hindi nito nagawa sa kanya ang bagay na iyon. Nakakatuwa lang isipin na kahit matagal na silang hiwalay ay saka lang natupad ang mga bagay na inasam-asam niyang gawin sana nito noon sa kanya.

"Alam mo bang ngayon lang ulit ako ginanahang kumain ng marami, mula kasi nang umalis ka parang ayos na ako kapag nalalagyan lang ng kunting pagkain ang tiyan ko," anito habang ngumunguya.


Hindi nito ginawa ang bagay na iyon noong nagsasama pa lang sila. Hindi ito ganito ka-komportable noon sa harapan niya. Lagi lang kasing nakakunot ang gatla at nakasalubong ang kilay ni Monjover, kapag nasa harapan siya nito. At pakiramdam niya noon ay lagi itong walang ganang kumain kapag kaharap siya, kaya nga pinipili nalang muna niyang magdilig at magwalis sa bakuran kapag kumakain ito noon, para makakain lang ito ng maayos.

"Talaga, Bakit naman?"

"Hinahanap ko kasi ang luto mo," diretso nitong sagot.  "Nasanay kasi akong ipinagluluto mo ako palagi, kaya nahirapan akong kumain sa labas. Nakakakain lang ako ng marami kapag umuuwi ako sa mansiyon at ipagluto ako ni Mama," pilit ang ngiti nito sa labi.

Hindi niya alam kung ano ang idudugtong sa sinabi nito kaya naman mas pinili nalang niyang manahimik. Lilipas din ang oras na ito at matatapos din ang gabing magkasama sila ngayon, kaya mas maigi nalang na huwag na siyang magsalita ng kung anoman na maaari niyang pagsisihan kinabukasan. Ngunit sadyang nangangati na talaga ang dila niyang tanongin ito kung anong meron sa gabing ito at ano ang dapat nilang pag-usapan.

"Ahm, k-kaya mo ba ako dinala dito Monjover, dahil nais mo nang mapag-usapan natin ang annulment?" nakita niya kung paano ito natigilan sa kaniyang sinabi. "Kanina ko pa tinatanong sa sarili ko kung ano ba ang pag-uusapan natin at wala akong ibang maisip kundi ang bagay lang na iyon. Huwag kang mag-alala hi—" hindi niya naituloy ang nais sabihin ng bigla itong nagsalita.

"Hindi! Hindi iyon ang pag-uusapan natin Joss," mataman itong nakatitig sa mga mata niya, may sinasabi ang tingin nito, may nais ipahiwatig ngunit hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon.

"Eh, ano kung ganun?"

"Gusto kong magsimula tayong muli," anito. 

Bigla niyang nabitawan ang kobyertos na hawak. "A-ano?"

"Nagpaalam ako sa pamilya mo na gusto kitang ligawan ulit, kung papayag sila. Ang sabi nila ay dapat ikaw ang kausapin ko sa bagay na iyon. I don't want to lose you anymore, that's why I'm doing th—"

Hindi na niya pinatuloy ang nais sabihin nito, agad niyang hinarang ang kamay upang tumigil ito sa sinasabi. "Paano naman kung ayaw ko ng bumalik sa'yo," nakita niyang namutla ito dahil sa sinabi niya.

"Bakit? May mahal ka na bang iba? Mahal mo ba ang hapon na iyon?" mahina nitong tanong.

×××

Oh- oh!
Wala talagang pagsisisi na nauuna :(

Btw. Malapit ng matapos ang kwentong ito.
Guys, parang awa niyo na may book2 po ang istoryang ito.
Ang kwento naman ni Monjour ang ilalahad ko.
At ngayon palang ay pinapasalamatan ko na kayo mwaaah :*

  F L O R D E L U N A

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon