“Oh! Monico," masayang bungad ng kanyang Ina at agad itong tinakbo at niyakap. "Buti naman at nakapunta ka akala ko pa naman bibiguin mo na naman kami ng Papa mo,” may himig tampong sambit ng kanyang Mama.
“Pasaway lang ako, Ma. Pero mahal na mahal ko kayo.” Bola pa nito sa dalawang matanda.
Sa kanilang lahat ito ang ala Robin Padilla. Mayabang daw kuno, sabi ng nakakakilala sa kanya. But he know his brother more, kaso para itong NPA ng pinas o No Permanent Address.
Hindi niya alam kung bakit ito gano'n na para bang ang daming pinagtataguan dahil hindi man lang ito naperme sa isang lugar. Kahit ang Papa at kuya Monjour niya’y hindi ito kayang patinuin.
"Mabuti naman kung gano'n nga," seryosong sabat ng kanilang Papa.
"Huwag kanang magtampo, Pa. Magtitino din ako, pagdating ng panahon!" natatawa nitong sambit.
Hindi niya alam kung may pag-asa pa kaya itong magtino o ganoon na lamang ito habang buhay.
“Hey! ‘lil bro, kumusta?” nakangiting baling nito sa kanya.
“I’m fine.”
“Hi Joss, ganda mo naman ngayon,” puri nito sa asawa na bahagyang ikinataas ng kanyang kaliwang kilay.
“Thank you kuya Monico.”
“Inaalagaan kaba ng Bunso namin? Bakit parang nangangayayat ka yata?” puna pa nito na hindi pa nakuntento sa malayo dahil nilapitan talaga ito ng kapatid at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi. "Ang payat mo na Joss."
Hindi agad nakasagot si Joshua, dahil narin siguro sa ginawa ni Monico. Kaya naman siya na mismo ang sumalo at sumagot.
“Masama ba kung nais niyang magpa-sexy?” naiirita niyang sambit, kahit kailan talaga ay hindi niya gusto ang tabil ng dila nito.
“Hindi naman sa gano'n. Halata lang kasi na hindi ka marunong mag-alaga dahil nangayayat si Joshua eh,” anito saka binalingan ulit si Joshua. “You know what? Mas bagay sa'yo 'yong chubby ka.”
“Parang hindi naman po,” nahihiyang sambit ni Joshua.
“Promise, pero alam mo. Kung pinapahirapan ka ng kapatid ko. Umalis kana dahil wala nang pag-asang magbago yan.”
Talagang ginagalit siya nito.
Akma na sana niya itong susugurin ng suntok ngunit biglang may nagsalita sa likuran nila.“Stop the two of you! Ngayon nga lang kayo nagkita ulit ganyan pa ang isasalubong niyo sa isa’t-isa!”
Hindi na nila kailangan pang lumingong lahat sa may pinto dahil kilalang-kilala na nilang lahat ang boses ng panganay nilang kapatid, ang tigre at tuso, walang pusong negosyante, mukhang pera at marami pang ibang tawag ng mga nakakakilala sa kapatid niya. Walang iba kundi si Monjour Maniquis, ang panganay na anak ni Monico Maniquis Sr. Ang kanilang Papa.
Saway ng kuya Monjour nila na kararating lamang. “…and you Monico!" Hindi naman ito nakasigaw. Matigas nga lang ang bawat kataga nito kaya nakakatakot. "Don’t act as if naman napakagaling mong mag-alaga ng babae at hindi kadin isang pasaway dahil mas malala kapa kay Monjover!” baling nito kay Monico, na walang ibanv sinagot kundi isang kibit balikat lamang.
"Ahh! By the way. May kasama ako at tiyak akong matutuwa kayong lahat dito." Excited ang mukha ng kuya Monjour niya habang nagsasalita. "You can now come in Lesiel," may tinawag itong Lesiel.
And that name— Biglang bumagal ang ikot ng mundo dahil sa pangalang tinawag nito.
"Hi, everyone! I'm back."
Isang masiglang boses ng babae ang narinig niya at hindi siya nagkamali sa hinala. Lesiel was his first love, bumalik na pala ito galing America.
"L-lesiel!" masayang tawag ni Monico sa babae at agad itong tumakbo upang yakapin ito. "Kumusta, namiss kita sobra." Halata ang saya nito sa bawat binibitawang salita.
"I'm fine, Monico. Ikaw kumusta?" Hindi man lang nagbago ang napaka-sweet nitong boses. "Hi Jover, how are you? I miss you." Titig na titig ito sa mga mata niya habang binibigkas ang salitang iyon.
Napatingin siya sa mukha ni Monico, na nagbago ang anyo ng marinig ang sinabi ni Lesiel. Minsan niyang naging karibal ang kuya Monico kay Lesiel, kaya hindi sila masyadong magkasundo.
"I miss you too— Sweet." sinadya niyang banggitin ang call sign nila ng babae upang ipaalala sa kapatid na siya ang minahal ni Lesiel at hindi ito.
Sa mga oras na ito ay nagsusukatan na silang dalawa ng matalas na tingin ni Monico, galit ito sa kanya dahil ang kaisa-isang babaeng minahal ay hindi ito minahal.
Umalis ito noon at hindi nila nakayanan ang LDR. Kaya nagpasya nalang silang mag-hiwalay at nawalan narin sila ng komunikasyon."You dare to say that? Hindi mo ba nakikita ang asawa mo." Binigyang diin nito ang salitang asawa.
Nakita niyang nabigla ang mukha ni Lesiel sa sinabi ni Monico. "M-may asawa kana pala?" mahina nitong sambit.
"Yes!" agad namang sagot ni Monico. "By the way, Lesiel ako nalang ang magpapakilala kay Joshua sa'yo dahil mukhang wala namang balak si Jover na ipakilala sa'yo ang kanyanv butihin asawa."
Nais niyang pumalag sa sinabi nito nguniy hindi niya magawa ng hiliin nv kapatid ang braso ng asawa at iniharap kay Lesiel.
"This is Joshua, the wife of Monjover." Ito na mismo ang nagpakilala sa asawa niya. "Joss, si Lesiel. Ex ng Asawa mo." Alam niyang nananadya ang Kuya Monico niya, halata sa tono nito.
"Nice to meet you."
Narinig niyang sambit ni Joshua at nakita niyang hindi man lang tinanggap ni Lesiel ang pakikipagkamay nito.
“Aah! Hehe.. ano ba naman kayo mga anak ko, ngayon nga lang kayo nagkita-kita ulit rambolan pa ang mangyayari. Kalma lang kayo ang mas mabuti pa ay kumain na muna tayo para naman magsilamigan ang maiinit niyong utak,” basag ng Mama niya sa tensyong namamagitan sa kanilang lahat.
Nang nasa hapag kainan na ay katabi niya si Joshua at katapat naman ng upuan niya si Lesiel na katabi naman ni Monico.
"Kumain ka ng kumain, Lesiel," panay ang lagay ni Monico ng pagkain sa plato nito.
"Thank you, Monico." Nakangiti nitong sambit dahilan upang magtagisan ang bagang niya.
Hindi niya gusto ang nakikita, naiinis siya at para bang gusto niyang siya ang gumawa sa bagay na ginagawa ni Monico kay Lesiel. Nang lagyan ni Monico ng carrots ang plato ni Lesiel ay agad niya iyong inilipat sa plato niya. Nakita niya kung paano na bigla ang mukha ni Monico ngunit wala siyang pakialam.
"Hindi siya kumakain n'yan." Nagtinginan ang lahat sa direksyon niya pati narin si Joshua. "Ito ang kinakain niya," nilagyan niya ng puro repolyo at kalabasa ang plato nito at nilagyan din niya ng isang hiwang karne.
Mayamaya pa ay umayos siya ng upo at parang walang nangyaring nagsalita. "Kumain kana."
Ramdam na ramdam niya ang tensiyong nakapalibot sa kanilang lahat. Pero wala siyang panahon upang bigyang pansin pa ang mga iyon. Sa palagay naman niya ay wala naman siyang ginagawang masama.
"Ahh! Joshua kumain kana din hija. Masarap ang hinain ko, alam kung paborito mo ang mga iyan. Kaya iyan ang ipinaluto ko kay Dina."
Rinig niyang kausap ng kanyang Mama kay Joshua. Hindi man niya ito tinitignan ng deretso ay alam niyang nakatitig lamang ito sa kanya at saka lang gumalaw ng magsalita ang kanyang Mama.
"Ahh… sige p-po." Nauutal nitong tugon.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...