"ELEVEN"

2.5K 29 0
                                    

Nasa hardin sila ngayong lahat upang magpahangin at namnamin ang lamig ng gabi. Ngunit taliwas sa pakiramdam ni Joshua ang lahat. Pakiramdam niya'y apoy ang ibinubuga ng pang-gabing hangin, at para bang hindi siya natunawan dahil kanena niya pa hindi maintindihan ang sariling tiyan. Hindi niya mawari kung alin ba sa dalawa ang totoong apektado. Ang puso niya o ang tiyan niya.

Kanena pa naiilang si Joshua at pakiramdam niya ay wala naman siyang papel sa pamilyang ito. Pakiramdam niya ay salta lang siya at hindi siya komportable, nais na niyang umuwi kaso kabastusan naman kung gagawin niya ang bagay na iyon.

"Umiinom kaba, Joss?" Bahagya pa siyang nagulat ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

Agad naman siyang napangiti ng makita ang nakangiting mukha ni Monjour habang papalapit sa kinaroroonan niya.  "Ah! Opo kuya kunti lang."

"Tatagayan kita ha?" agad siyang tumango at ibinigay ang hawak na baso upang malagyan nito ng laman.

Agad naman nitong tinagayan ang kopita niya. Napakabango ng alak, tinignan niya kung ano ang flavor at bakit ang sarap sa ilong. Apple flavor ang alak kaya naman pala napaka-bango nito. Ganitong alak ang paborito niya, hindi lang sa alak pati sa juice ay paborito niya ang apple flavor.

Tatagayin na sana niya ang alak ng biglang may nakita sa unahan. Ang kanyang asawa at ang babaeng nagngangalang Lesiel, parehong nakangiti habang nag-uusap.

May kirot na biglang gumuhit sa puso niya habang nakatingin sa dalawa, ni minsan ay hindi niya nakitang ngumiti ng gano'n katamis sa kanya si Monjover, lagi lang ay nakasalubong ang kilay at parang laging galit kapag kaharap siya. Pero kapag kaharap nito ay ibang tao, doon lamang niya nakikita kung paano ito ngumiti na kasing tamis ng paborito niyang manggang hinog.

Sa sitwasyong ito ay parang siya ang bisita at si Lesiel ang asawa. Napahawak siya sa dibdib ng biglang may kirot na gumihit na animoy tinutusok iyon ng punyal.

"Ayos ka lang, Joss?" Nag-aalalang tanong ni Monico.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa pwesto nila ni kuya Monjour, masyadong naging abala anv isipan niya kanena habang panay ang tingin sa gawi ng kanyang asawa. 

"Ayos lang ako Kuya," alanganin siyang ngumiti at
umiiling na tinagay ang hawak na kopitang may lamang alak.

Ayos lang siya. Napangiti siya ng maisip ang salitang namutawi sa kanyanv bibig... Yeah! She's been alright since day one. Kailan ba lumabas sa bibig niyang hindi siya maayos, nasasaktan siya, buhay pa siya pero pinapatay na ni Monjover ang puso niya. Kailan ba niya nasabi sa lahat na patay na ang puso niya. Lagi lang naman ay maayos siya, okay lang siya, kaya pa niya. Kahit na ang totoo ay hindi na niya kaya.

"May iniisip ka ba, Joss?" untag ni Monjour at Monico sa kanya.

Napansin yata ng mga ito na sobra ang pananahimik niya. "…Wala po," muli ay naglabas siya ng ngiting manipis.

Ngiti na kung babasahin mo ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. "Napapaisip lang ako kung ano kaya ang buhay ko ngayon kung hindi si Monjover ang napangasawa ko at ano naman kaya ang buhay ni Monjover kapag hindi ako ang naging asawa niya?" pagak niyang sambit na hindi niya napigilang hindi pumiyok sa huling sinabi. "Ganyan kaya lagi kasigla ang makikita niyo sa mukha niya? Ganyan kaya siya lagi kasaya?" malungkot niyang sambit. 

Naramdaman niyang biglang nag-atubili si Monico kung hahawakan ba siya o tititigan nalang at hahayaang magdrama habang umiinom ng alak.

"Joss," mahinang sambit nito.

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon