Ang bawat haplos ng lalaki sa kanyang katawan, hatid ayinit at nakakabaliw na sensasyon. Ang bawat halinghing nito sa saliw ng musikang silang dalawa lamang ang nakakarinig, ay masarap sa tainga. Ang bawat indayog nito sa ibabaw niya'y nagdadala ng mumunting kaligayahan at kaliti sa kanyang kaibuturan.
Kaligayahang alam niyang ilang segundo nalang ay matatapos din, kasabay ng pagputok ng pagnanasa nito'y gano'n din kabilis mawawala ang kaligayahang nararanasan niya.
Tinawag siya nito kanena upang gawin ang obligasyon niya bilang isang asawa— sa kama. Ayaw man niya ay walang reklamong nagpaubaya siya.
Hinahalikan lang siya nito kapag tinatawag ito ng kalibogan sa katawan, kapag ganitong nag-iinit ang katawan nito sa pagnanasa ay doon lang nito naaalalang babae pala siya at asawa siya nito.
He never been gentle when he f*ucked her, hindi ito ang tinatawag na make love dahil sa kanilang dalawa ay siya lang naman ang nagmamahal at ito ay init lang naman ng katawan ang pakay nito sa kanya. Lagi itong nagmamadali na animo'y may hinahabol, ni minsan hindi man lang ito nag-abalang tanongin siya kung nagustuhan man lang ba niya ang ginawa nito at kung na siyahan man lang ba siya o kabastusan man ay hindi nito inabalang alamin kung nilalabasan man lang ba siya sa ginagawa nito. Wala itong pakialam basta ang importante ay mailabas nito ang sariling libidong nagpapainit sa sariling katawan.
Pero kahit gano'n ay hindi siya nag-rereklamo. Kahit na minsan ay nabibitin siya rito, dahil wala naman siyang karapatan magreklamo. Mula ng maiksal siya rito ay nawala narin ang karapatang pantao niya.
Nang nailabas na nito ang init ng pagnanasa ay agad itong gumulong sa kabilang dulo at tinakpan ng kumot ang ibabang parte ng katawan.
“Umalis kana! Bumalik kana sa kwarto mo,” naiinis na boses ni Monjover ang dahilan kaya nagmadali siyang bumangon sa kama nito at sinimulang pulutin isa-isa ang mga nahubad na damit.
Kane-kanena lang ay ramdam na ramdam niya ang mainit na pagnanasa nito sa kanya. Ngunit ng mailabas na nito ang init na iyon mula sa katawan ay agad din nanlamig ang trato ng asawa.
Dalawang taon na silang kasal mula no'ng gabing nilasing niya ito at dalhin sa isang motel. Ito na nga sila ngayon, mag-asawa ngunit magkahiwalay ng tulugan. Tinatabihan lang siya nito kapag nakakaramdam ng libog sa katawan.
Kapag nairaos na nito ang init na iyon ay agad siyang pinapaalis sa harapan nito na para bang panira siya ng gabi o araw.
“Bilisan mo at matutulog na ako. Pakisara nalang ng pinto paglabas mo,” anito sabay talikod ng higa.
Nais man niyang mainis sa paraan ng pagtrato nito’y wala siyang magawa dahil alam na niya kung saan na naman patungo ang usapan kapag pumalag siya dito.
“O-okay,” mahina niyang sambit.
Nang maisuot ang mga damit na nahubad kanena’y agad na siyang lumabas sa silid ng asawa. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang pasensiya niya dito at hindi niya din alam kung hanggang kailan siya sasaktan nito. Hindi nga siya magawang saktan nito pisikal pero ang emosyon niya ay sobrang sagad na ang ginagawa nitong pananakit sa puso niya.
Kung makapagdala ito ng babae sa bahay nila’y akala mo isa lamang siyang katulong kung itrato ng mga ito. Lagi itong wala sa bahay, uuwe ito kung kailan nito gustong umuwe at wala siyang karapatan magreklamo dahil kapag ginawa niya iyon ay sobra-sobrang panunumbat ang ibabalik nito sa kanya.
Nang nasa tapat na siya ng kanyang silid ay saka lang niya inilabas ang kanena pa pinipigilang luha. Kung may magtatanong man sa kanya kung nagsisisi siya sa ginawa dalawang taon na ang nakakalipas ay sasagotin niya agad ito ng malakas na OO! Kung maibabalik lang niya ang panahon, hinding-hindi niya gagawin ang katangahang ginawa noon.
------
“Oh! At bakit nandito kana naman Joshua?” matining boses ng kanyang Mamay ang sumalubong sa kanya.
Napagdesisyunan niyang umuwi sa bahay nila at dito na mag-aalmusal, masyado na siyang nalulungkot sa bahay nila ni Monjover.
Imbes na sagotin ang Ina ay nilampasan niya lang ito. Namimiss niya ang maingay na kapaligiran ng bahay nila lalo na’t umaga. Alarm clock nilang lahat ang bunganga ng kanilang Mamay.“Makikikain ako May,” maiksi niyang sagot at agad ng umupo sa sala.
“Bakit? Wala kabang makain sa bahay niyo.”
Natawa siya sa sinabi nito. Kahit ganito ang Mamay nila mahal na mahal nila ito. Daily life niya dati ang bunganga ng Ina, umagang-umaga palang ay nagbubunganga na ito at mukhang hindi kumpleto ang buong araw nito kung hindi nito nabubunganga-an ang mga kapatid niyang puros lalaki.
Sa lima nilang magkakapatid ay siya lang ang bukod tanging babae dahil lahat ng kapatid niya’y puro kalahi ni Adan— oyy! Teka muna wait, may kapatid pala siyang undecided. Ito ang kapatid niyang pinaghalong 'Iba' at 'Adan' for short isa itong BADAN.
Iyon ang kuya Calvin niya pang-apat sa lahat nilang magkakapatid bago siya. Masipag ito at ito ang kaagapay ng kanyang Mamay at Papay. Ito lang din ang nakakaintindi sa mga nararamdaman niya dahil isa itong pusong babae.
“May, anong ulam?”
Ito naman ang kuya Jake niya, ito ang pinaka-panganay sa lahat at ito din ay isang malaking PALAMUNIN kaya araw-araw itong nabubunganga-an ng Mamay nila.
“D'yan ka magaling Jake! Ang matulog kumain at tumambay. Tapos ngayon nagtatanong ka kung anong ulam bakit hindi ka magluto ng sarili mo total wala ka naman ginagawa.”
Hindi niya alam kung naiinis ba ang Ina kaya ito nagbubunganga o wala lang. Nakasanayan nalang ng Ina.
Kung 'yong iba ay may pa MILO everyday, ang nanay nila ay may pa YAWYAW everyday.“Babawe din ako May,” nakangiti nitong sambit.
“Naku! Ilang taon ko ng narinig yan Jake, hanggang ngayon wala kapa din binawe.”
Napangiti siya sa sinabi ng kanyang Mamay.
“May ‘andito na ang inorder mong crispy pata.”
Ito naman ang kuya Claire niya ito ang pangalawa sa magkakapatid. Tunog babae ang pangalan nito ngunit isa din itong barako.
Noong nagbubuntis daw kasi ang Mamay nila ang lumabas sa Ultrasound ay isang Baby Girl. Kaya naman naisip nilang Claire ang ipangalan. Ngunit nung lumabas ito’y laking gulat ng mga magulang niya dahil imbes na hiyas ay kargada ang bitbit. Kaya naman pinanindigan nalang ng mga ‘to ang nabuong pangalan ng kuya nila. Hindi tambay, hindi din masasabing may trabaho dahil paraket-raket lang at walang balak magtrabaho ngunit kahit papa'no ay nakakatulong naman ito kay Mamay, ngunit kapag wala din itong raket ay isa din itong PALAMUNIN katulad ng kuya Jake niya.“Bayaran mo muna Claire,” anang Mamay nila.
“Kulang pera ko May.”
“Naku! Letchugas naman. Kailan ba ako makakaasa sa inyo,” naiinis nitong sambit.
“Ito na May ipambayad mo.” Inabot ng Kuya John Mark a.k.a JM ang pera sa delivery Boy at nagpasalamat.
Sa kanilang lahat ito ang isa sa naaasahan ng kanyang pamilya. Ito ang pangatlo sa kanilang lahat at ito ang pinaka simple. Mas marami ang nanliligaw dito kesa ito ang gagawa ng panliligaw. Ito ang uri ng lalaking pa-tweetums at napaka-responsable pa. Kaya napaka-swerte ng babaeng mamahalin nito. Isa itong Head Manager sa isang sikat na Fast Food Chain sa Pinas.
“Wow! Anong meron at may pa Crispy Pata si Mayora?” tanong niya.
Siya naman ang bunso at ang Unica Hija ng lahat at siya ang ewan ba? Minsan naiisip niyang baka ampon siya ng mga magulang dahil kung ang mga kuya niya’y ang popogi siya naman ay ewan? Hindi lang siguro siya nagagandahan sa aura niya, pero sabi naman ng Mamay niya ay maganda daw siya sa sarili niyang paraan.
She is Joshua Madrigal and they are the MADRIGAL FAMILY. Katulad nang nangyari sa kuya Claire niya ay gano'n din ang nangyari sa kanya, kaya panlalaki ang kanyang pangalan.
Minsan nais niyang sisihin ang mga magulang sa ibinigay na pangalan ngunit wala naman din mangyayari kung magrereklamo pa siya. Nasa NSO na niya ang pangalan niya at malaking gastos pa kapag pinalitan.
-Flor de Luna ♥
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...