Nagpasiya si Joshua na umuwi na muna sa pamilya niya kahit tatlong araw lang kaya nagtext na siya kanena kay Monjover upang magpaalam na uuwi siya sa bahay nila at sa susunod na araw nalang babalik. Mukhang wala naman itong pakialam dahil kanenang umaga pa siya nagtext dito ngunit tanghali na ngayon ay wala man lang itong reply kahit tuldok lang sana.
"Umasa ka pa sa reply no'n? Baka nga magdiwang 'yon kasi hindi ka niya makikita ng ilang araw," solsol ng demonyo niyang isipan. "Hmm… sabagay," sagot naman ng itchusera niyang puso.
Kadarating niya lang sa bahay nila at nakakapanibago dahil tahimik ito ngayon, siguro ay dahil nasa kanya-kanyang trabaho ang mga kapatid at ang dalawa naman niyang kuya ay naghahanap ng pwesto upang makapagsimula ng maliit na negosyo kesa naman tambay nalang sila forever, tanging ang mamay lang nila ang naiwan.
"Bakit naman tatlong araw ka dito? Nakapagpaalam kana ba sa asawa mo?" tumango siya. "Ah! Mabuti't pinayagan ka ni Monjover."
"Hmm. Shempre naman, May. Baka nga hanggang tainga pa ang ngiti no'n ngayon eh," hindi niya nalang isinatinig ang mga katagang iyon.
Ayaw naman niyang sirain ang asawa sa pamilya, kaya imbes na sagutin ang ina ay nagpasiya siyang tabihan ito at yakapin ng mahigpit. Namiss niyang yakapin ito, katulad noong bata pa siya na wala na siyang ibang ginawa kundi ang yakapin ang ina.
"Bakit, May. Ayaw mo ba akong makasama?"
"Hindi naman sa gano'n, Joshua. Pero may asawa kanang tao, inaalala ko lang naman ang iisipin ng asawa mo," anito na sinuklian niya ng malungkot na ngiti.
Mabuti pa ang mga magulang niya, iniisip kung ano ang iisipin ng kanyang asawa. Samantalang ang kanyang asawa ay hindi man lang naiisip kung ano'ng iisipin ng mga ito kapag nalaman nila kung ano ang ginagawa ni Monjover sa kanya.
"May, kapag ba nakipaghiwalay ang babae sa asawa nilang lalaki. Masama na ba ang tingin ng mga tao no'n sa kanya?" pasaring niya. "…ahh baka isipin mo na ako 'yan at si Mon, ah. Hindi po ako 'yan. 'Yong kaibigan ko 'yang si Sandy. Namomroblema na kasi siya sa asawa niya at nais na niyang makipaghiwalay. Shempre hindi ko naman alam kung ano ang i'aadvise sa kanya kasi wala pa naman akong masyadong experience sa ganyang mga bagay kaya ikaw ang tinatanong ko." Alam niyang nagtutunog deffensive siya, bahala na.
"Bakit ka naman magiging masama sa mata ng mga tao? Bakit alam ba nila ang paghihirap mo? Alam ba ni—"
"May, uulitin ko. Hindi po ako 'yan. Kaya huwag mong gamitin ang 'ka' na parang ako iyong tinutukoy mo. Maayos po kami ni Monjover sobra," deffensive na kung defensive.
"Oo na, example lang naman 'yon."
"Ahh! Gano'n ba? Okay hehe," alanganin niyang sambit.
"Sabihin mo sa kaibigan mo kung hindi na siya masaya sa nangyayari sa buhay niya, e di umalis na siya. May lalaki pang kayang ibigay ang kaligayahang hindi niya natikman sa asawa niya. Pwedeng-pwede siyang umalis, at walang pipigil sa kanyang umalis kung talagang hindi na siya masaya sa asawa niya. Huwag niyang ikulong ang sarili niya, palayain niya ang sarili niya at huwag niyang isipin ang iisipin ng ibang tao. Walang ibang nakakaalam sa paghihirap mo kundi ikaw lang sa sarili mo. Kaya naman kahit anong sabihin ng iba, naku! Keber! Buhay mo 'to. Ikaw ang masusunod dito, ikaw ang writer at derektor ng sarili mong buhay. 'Yon ang sabihin mo kay Sandy na kaibigan mo, anak."
Natulala siya sa sinabi ng ina. Nais niyang maiyak at sabihin na hirap na hirap na siya at mukhang hindi na niya kaya pang pasanin ang pagpapahirap ni Monjover sa kanya, ngunit hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...