After two years"Aah!!" matining na boses ni Joshua ang tanging maririnig sa buong silid ng operating room.
"Breath in, breath out ka muna mother tsaka ka um-ere ng malakas," mahinahong turo sa kaniya ng midwife.
Ganun naman ang ginagawa niya, dahil sa totoo lang. Pakiramdam niya'y hihiwalay na ang katawan niya sa kanyang balakang sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang sakit manganak at nakakamatay ang pakiramdam. Hindi na nga niya alam kung ano ang tatawagin niya; "diyos ko lord" o "na dimunyo ka!"
Muli siyang um-ere ng ubod lakas nang muli niyang maramdaman ang pagbuka ng kaniyang puwerta. "Ahm!" sigaw niya habang nakatikom ang bibig.
Nananakit na kasi ang kaniya lalamunan at pakiramdam niya'y matatastas na ang kaniyang bibig sa kakasigaw. Naglalabasan na ang ugat niya sa leeg sa sobrang hirap. Ang hirap pala talagang manganak-- parang ayaw na niyang umulit. Totoo nga ang naririnig niyang chismis na kapag nanganganak ang mga babae ay nasa hukay ang isang paa nito. Buti nga ang isang paa lang. Pero bakit pakiramdam niya'y dalawang paa niya ang nasa hukay ngayon. Ang sakit-sakit na parang gusto niyang umiyak, pero ayaw naman niyang maiyak. Masakit pa ang nararanasan niya ngayon kaysa noong sinasaktan ni Monjover ang kaniyang emosiyon.
"Isa pa mommy," masigasig na utos ng midwife.
"Ikaw na lang kaya dito! Ikaw na um-ere! Ang sakit kaya ramdam mo ba!" naiinis na siya dahil kanina pa siya ume-ere ay hindi pa din niya nararamdaman ang ginhawa.
"Ganun talaga mommy, pagkatapos ng sarap hirap ang papalit," nakangising sagot naman nito na para bang nang-uuyam.
Sasagutin pa sana niya ang hugoterang midwife nang bigla na namang sumalakay ang nakakamatay na sakit at pakiramdam niya'y kusa nang bumuka ang kaniyang puwerta kaya buong lakas siyang um-ere habang nagsasalita.
"'T*ngina Mon, kahit kailan pasarap ka lang talaga! At ako lagi ang naghihirap— aaahhhh... Lumabas kanaaaa!" ubod lakas niyang inere hanggang sa biglang bumuka ang labasan nito at iyak ng sanggol ang sumunod.
Nanghihinang nahiga siya sa kaniyang kama.
"Oh- 'di ba nakaraos ka rin. Huwag ka munang magsasalita. Makakasama iyon sa'yo," saway agad ng modwife ng makita siyang akmang sasagot sa sinabi nito.
"Ang anak ko," pabulong niyang wika. Wala na siyang lakas dahil naubos na sa kaniyang pag-lalabor at pag-ire ng bongga.
"Ang ganda ng anak mo. It's a baby girl," nakita niya kung paano ngumiti ang midwife tsaka inangat ang kaniyang bagong silang na sanggol.
"Salamat," aniya. Sa labis na panghihina ay bigla na lang siyang nawalan ng lakas at hindi na niya alam pa ang sumunod na nangyari.
Nagising nalang siya sa sobrang ingay ng paligid. Nag-tatawanan, nagpapalakpakan at nagsisigawan. Minsan, hindi din niya maintindihan ang parehong pamilya. Minsan akala mo magkakagalit kung mag-usap. Pero talagang nag-uusap lang pala talaga, sadyang pa-singhal lang kung mag-usap ang mga ito.
"Oy- gising na si Joshua," kilala niya ang boses na iyon. Boses iyon ng pasaway na si Monico, ilang oras ba siyang nakatulog?
"Yam are you alright?" concern na tanong naman ng kaniyang asawang si Monjover.
Nais man niyang barahin ang asawa ay pinigilan niya ang sarili wala siyang lakas makipagpikonan rito. Mukha ba siyang okay? Ito kaya ang manganak tapos tatanungin niya ito kung okay lang ito. Ang hirap manganak, ang sakit-sakit pa ng kaniyang tahi. Jusmeyo! Kunsimisyon. Kung hindi lang niya mahal ang lalaki, hinding-hindi niya kakayanin ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...