"FOUR"

2.7K 31 0
                                    

“I’m sorry Sir pero naka-hold po ang pera sa card na ibinigay niyo,” magalang na sambit sa kanya ng Saleslady sa isang department store kung saan niya binibilhan ang kanyang date ng mamahaling regalo.

“'Di nga? Lahat nalang ng binigay kung card ay naka-hold, Miss?” aniya na pinipigilan ang galit.

Hindi niya alam kung ano na naman ba ang nakain ng Kuya Monjour niya at naka-hold na naman ang pera niya.
“Okay. I’ll give you cash, magkano ba?” aniya habang tinitignan ang cash sa loob ng pitaka.

“It’s ten thousand and eight hundred sixty pesos Sir.”

“Pota!” mura niya sa sarili ng makita ang laman ng wallet.

Limang libo lang ang dala niyang pera. Tabingi niyang nginitian ang Saleslady. Wala siyang choice kundi ang ipa-cancel ang bibilhin.

“I’m sorry  Miss,” hinging paumanhin niya.

Nakakahiya ang araw na ito. Paanong nagawa ng kuya niyang ipa-hold ang laman ng card ng hindi man lang siya sinasabihan.

Dumiretso siya sa M&M CONSTRUCTION SUPPLY & COMPANY. Ang kumpanya nila ang nagsu-suply sa lahat ng klase ng mga kakailanganin sa construction. At ito ang pinapatakbo ng Papa at Kuya Monjour niya.
Nang maihatid na niya si Cynthia Perez. Humingi siya ng paumanhin sa babae dahil hindi niya nabili ang gusto nitong damit at bag kanena.

He is Monjover Maniquis the youngest son of Don Monico Maniquis Sr. ang isa sa pinakamayaman sa bansang Pilipinas. And yes! There last name is Maniquis na minsan ay katunog ng MANYAKIS! Kung noong bata palang siya’y inis na inis siya sa apelyedo nila. Ngayon naman ay buo niya iyong ipinagmamalaki. Hindi na siya nahihiya kapag kinakantyawan siyang Manyakis dahil tanggap naman niya ang katotohanang iyon. Bukod sa looks niyang in-demand sa lahat ng kalahi ni Iba ay mas lalo itong nagkaka-interes sa kanya kapag naipakilala niya ang kanyang unique na apelyido.

But for now he have to handle his prim, kind and proper big brother na si Monjour Maniquis. Tatlo lang silang magkakapatid at puro sila mga Adones. Hindi sinuwerteng biyayaan ang mga magulang niya ng isang Maria. Sa kanilang tatlo ay ang Kuya Monjour niya ang ni minsan ay hindi pa nagpapasaway sa mga magulang nila dahil kung ang tatanungin mo’y ang pangalawa nilang si Monico Jr. ay mas sakit sa ulo ang hatid nito kesa sa kanya.

“Kuya!” aniya ng tuluyang makapasok sa loob ng opisina nito.

“What?” anito na hindi man lang nagulat sa pagdating niya at ipinagpatuloy parin ang pagbabasa sa mga nakalapag na papeles sa ibabaw ng mesa.

“Bakit na naman naka-hold ang mga card ko, Monjour Maniqius!” sinadya niyang buuin ang pangalan nito sa inis.

“At bakit naman hindi? Kung ito lang naman ang ginagawa mo sa perang pinaghihirapan ko at ng Papa,” ibinato nito sa kanya ang isang puting sobre.

Agad niya iyong binuksan upang makita ang laman ngunit napausal siya ng mahinang mura ng mabasa ang nakasulat sa long bondpaper na itinupi ng tatlong beses. Lahat ay nakalista kung saan niya ginagastos ang pera. Hotel charges sa kung saan-saang mamahaling hotel, mga mamahaling Restaurant pati nadin sa iba’t-ibang department store kung saan binibilhan niya ng mamahaling regalo ang mga babaeng nakaka-date.

“It was called generousity,” bulong niya upang ipagtanggol ang sarili.

“Now tell me why wouldn’t  I hold your cards. Hindi naman ako naniniwalang iginastos mo ang lahat ng iyan sa asawa mo.”

Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag. Umabot na pala siya ng limang milyon sa kakawaldas ng pera bakit hindi man lang niya napansin.

“I’m sorry ‘bout this! Pero hindi 'yon sapat na dahilan para ipa-hold mo nalang basta-basta ang mga cards ko. Alam mo bang napahiya ako kanena sa department store dahil lahat ng ibinibigay ko’y puro talbog!”

He know his been acting so childish. Pero wala siyang pagpipilian, desperado siyang maibalik ang pera sa card niya. Pilay siya kung mawawala ang perang panluho.

“My God! Monjover Maniquis. Hindi ko alam kung iyang utak mo ngayon ay tumutukma padin ba sa edad mo,” hinimas nito ang sintido ng biglang nanakit dahil sa kanya. “May asawa kanang tao pero pakiramdam ko’y hindi mo parin iyon nare’realise  hanggang ngayon.”

Yeah! He has a wife, asawang hindi naman niya minahal at hindi naman sana mangyayari ang magkaroon siya ng asawa kung hindi siya kinorner nito.

Naaalala niya ang kanyang asawa. Joshua Madrigal, hmm yeah. It sound so odd! Pero babae po ang asawa niya at kahit papano ay maganda at sexy din ito but not Monjover’s type. She’s too boyish para magustuhan niya ang katulad nito. She’s weird and loud na kahit saan ay naririnig niya ang malakas nitong tawa na para bang nakatira sa eskwater, lahat ng katangian nito’y hindi niya gusto. And She hates her more noong plinano nitong may mangyari sa kanila para lang ma-shutgun wedding siya ng pamilya nitong katulad din nitong mga walang modo!

Inuuwian naman niya ito gabi-gabi at para sa kanya ay sapat na ang bagay na iyon atleast inuuwian niya pa ito dahil kung siya ang papipiliin ay  ayaw niya na itong makita pa ngunit ayaw naman niyang mangyari ulit ang nangyari noon na hinamon ng pamilya nito ang pamilya niya.

Dalawang taon mahigit na silang kasal ngunit hanggang ngayon ay hindi niya parin ito napapatawad sa nagawa nito noon. Nawala pa ang anak nila dahil sa kapabayaan nito kaya lalong lumayo ang loob niya sa babae. 'Yon ang dahilan kung bakit siya nakatali dito ngayon at winala lang nito. He hate's her even more. Ginagawa naman nito ng maayos ang tungkulin nito bilang isang asawa. When He need's her kusa naman itong nagpapaubaya at ni minsan ay hindi siya nakarinig ng reklamo. Kahit na ba pagkatapos niya itong galawin ay agad-agad niya itong pinapabalik sa sariling kwarto o di kaya’y tatayo siya agad at babalik sa sariling silid. Hindi sila magkasama sa iisang kwarto at ayaw niya iyong mangyari. Tama na ang magkahiwalay sila ng silid. Magpasalamat nalang ito dahil kahit papaano ay nagta-tyaga padin siyang makasama ito.

“Hindi kasama si Joss sa usapang ito Kuya. Dahil ang problema dito ay kailangan mong i-unhold ang pera ko,” aniya na pinipigilan parin ang galit na gusto ng umalpas.

“At bakit hindi? Eh, siya ang asawa mo? And let me correct you little brother wala kang pera dahil ang perang pina-hold ko’y pera 'yon ng kumpanya at ang pera na iyon ay pinaghihirapan kong dumami at gano'n mo lang kabilis waldasin!” insulto iyon alam niya. “Simula ngayon kay Joshua ko na ibibigay ang rights sa pera niyo at siya ang magdedesisyon kung bibigyan kaba niya ng pera para sa pambababae mo,” anito na deretsong nakatitig sa mga mata niya, nakikipagsukatan ito ng tingin sa kanya at alam niyang wala itong balak na magpatalo.

Ang kinakatakutan niya sa Kuya Monjour niya’y may isang salita ito. Kapag sinabi nito ay iyon na ang masusunod. Walang maaring makatibag sa salita ng Kuya niya mas matitibag mo pa ang Great Wall of China kesa sa prinsepyo nito.

Bagsak ang dalawang balikat na naupo siya sa sofa. Hindi niya kayang salungatin ang sinasabi nito, alam niyang sa mga oras na ito’y talong-talo na siya.

“I will only give your wife 15k every month kaya kailangan niyang budget-in ang pera na 'yon sa loob ng isang buwan. I’m sure mawawalan ka ng ipapambabae little brother. And last but not the least! If you want money PAGHIRAPAN mo. PAGTRABAHUAN mo,” anito na may diin ang dalawang huling salita.

“And what do you mean by that?” salubong ang kilay na nakatitig siya sa mga tusong mata ng kapatid.

-Flor de Luna

Mission Not-So Accomplished!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon