“J-joshua!?” pagkagulat ang nakita niyang rumihestro sa mga mata nito. Gusto man niya itong sampalin ng ubod lakas sa mukha ay hindi niya magawa.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa tapat ng mesa nito at naninigas na nakatitig sa mga mata ni Monjover, asking why? Bakit kailangang mahuli niya na naman itong gumagawa ng katarantaduhan, dahil ang buong akala niya ay nais nitong maayos ang pagsasama nila. But what happen again?
“Oh! Hi dear, nandito kadin pala?” malambing na tanong ni Lesiel, dahilan upang bigla siyang natauhan.
Napakalambing talaga ng boses nito tulad no'ng gabing una niya itong nakaharap, na para bang hindi nito kayang magalit o kahit magalit man ay hindi nito kayang manigaw dahil sa sobrang lumanay ng boses nito.
Napalingon siya sa dereksyon ng babaeng ngayon ay kampante lamang na nakaupo sa kinauupuan nito, hindi man lang niya iyon nakitaan ng kunting kaba o takot ng makita siya.
Ang makinis na kutis nito, ang magandang mukha na parang unukit ng isang magaling na iskultor. Lahat nang nasa babaeng kaharap ay maganda. Kahit sa mga naunang babae ng asawa ay wala siyang maipintas dahil lahat ay magaganda.
Wala siyang makitang kapintasan sa mga ito, maliban sa kanya. Kahit nakaayos na’y napaka-simple padin ng dating. Maputi din naman siya ngunit hindi kasing kinis ng kaharap. Maganda din naman siguro siya, dahil iyon ang sabi ng Mamay niya ngunit hindi kasing ganda nito. Kung wala siyang makitang kapintasan sa mga naging babae ng asawa, lahat naman ng kapintasan ay nasa kanya. Kaya siguro hindi siya magawang mahalin ng asawa dahil ang daming kulang sa kanya.
“You can join us Joss,” ramdam niyang isang alanganing ngiti ang ibinibigay nito sa kanya.
Ayaw lang nitong maging bastos, kaya pilit parin nitong mini-maintain ang boses.
Gustong-gusto niyang ipaalala sa kaharap kung sino ulit siya, ngunit hindi niya magawa. Dahil kung titignan ngayon ang sitwasyon nilang tatlo ay parang ito ang asawa at siya naman nanggugulong kabit. Hindi ito mapagkakamalang kabit ng asawa niya dahil parang perfect match ang mga ito kung titignan.Napalingon siya ulit sa dereksyon ni Monjover nang bigla itong tumikhim. Binigyan siya nito ng isang blangkong ekspresyon, na parang iwan wala itong dapat e-explain. Nais niyang sigawan ito at pagmumurahin habang sinasampal ng magkabilaang pisngi. Iyong hindi niya iti titigilan hangga't hindi ito namumukhang bubig sarado. Ano pala ang ibig sabihin ng mga sinabi nito? Lahat ba nang iyon ay drama lang at pinapasakay lang siya.
"A-akala ko nasa meeting ka," pilit niyang pinapahinahon ang boses dahil ayaw niyang gumawa ng eksena at mag-iskandalo.
"Mag-usap nalang tayo sa bahay mamaya, Joss. But for now we really need to be alone," anito.
Hindi siya makapaniwala sa sinagot nito, malayo pa sa Laguna ang sinagot ni Monjover sa tanong niyang nandito lang sa Makati. "I wont go!" mahina ngunit may diin niyang sambit.
"Then, I guess we need to leave."
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Talaga bang aalis nalang ito na hindi ibibigay sa kanya ang sagot na kanina pa niya nais marinig? Hindi man lang ito apektado sa sitwasyon nila ngayon at ramdam niyang si Lesiel ang pinipili nitong samahan kesa sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya rito? Lagi naman e.
“Let’s go Les,” aya nito sa babae na agad namang tumayo.
Akmang lalampasan na sana siya nito ng iniharang niya ang katawan sa daraanan ng asawa. “Kung aalis ka ngayon. Hindi mo na ako maaabutan sa bahay,” banta niya. Mahinahon ngunit may riin niyang sambit.
Alam niyang niloloko niya lang ang sarili sa pananakot rito. Alam naman niyang hindi ito matatakot sa banta niya, baka nga magdiwang pa ito sa sobrang tuwa dahil kusa na siyang aalis sa buhay nito.
Imbes na matakot ay nagpatuloy itong humakbang palayo sa kinatatayuan niya kasama ang babae. Alam naman niya, matagal na. Kahit minsan ay hindi siya naging mahalaga sa buhay ni Monjover, kahit kailan ay wala siyang puwang sa puso nito. Kahit kailan ay hinding-hindi siya pipiliin nito.
Wala sa loob na nag-unahang pumatak ang kanyang mga luha. Ang luhang kanina pa niya pinipigilan sa pagtulo, gaano ba siya kahirap mahalin? Bakit kay hirap siyang mahalin ni Monjover. Hindi na niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanya. Sa nanlalabong paningin ay sinikap niyang humakbang palabas sa mall at umuwi sa bahay nila.
-_-"
Saareee, guys kung medyo mabagal ang update ni Monjover.
Bz si Inday uyyy!
Abangan!
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...