Kanena pa tinititigan ni Monjover ang mga papeles na nasa harapan niya ngunit hanggang ngayon ay wala parin siyang maintindihan sa mga binabasa. Lumilipad ang isipan niya. Nandito sa opisina ang katawan niya ngunit nandoon kay Joshua ang buong isipan. Matapos ng matinding usapan nila kagabi ay nahalata niyang iniiwasan na siya nito na dapat nga ay ikatuwa niya, ngunit kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon.
Noon kahit mag-away pa sila ng sobra-sobra'y kinabukasan gumagawa ito ng paraan upang kausapin siya, ngunit hindi kanena. Nang makita niya itong papasok sana sa kusina ay agad itong umatras ng makita siya na bahagya niyang ikinadismaya dahil sa ikinikilos nito kaya sinundan niya ito hanggang sa maabutan niya si Joshua sa hardin ng bahay at nakita niyang kinakausap nito ang mga bulaklak na tinawag pa nitong baleleng.
He felt wierd ng makita niyang kinakausap nito ang isang bulaklak, ngunit bahagyang kinurot ang puso niya ng marinig ang sinabi nito sa bulaklak na;
"Hindi ka ba komportable sa kinalalagyan mo? Bakit naman hindi? Hayaan mo ooperahan ulit kita tas ihihiwalay kita sa kanila ah. Siguro lagi ka nilang inaaway baleleng."
He felt sorry for Joshua, dahil alam niyang lagi niya itong nasasaktan, sinasadya man niya o hindi pero madalas ay alam niyang sinasadya niya ang mga bagay na ikinasasakit nito. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
Minsan kinakain siya ng konsensya sa mga pinag-gagawa sa asawa. Ngunit kapag naaalala niya kung paano tinakot ng pamilya nito ang mga magulang niya upang magpakasal lang siya sa babae ay bumubugso ulit ang galit para dito.
Kung tutuusin ay hindi mahirap mahalin si Joshua, sa katunayan ay minahal naman niya ito noon hindi nga lang sobra. Pero minahal niya parin ito kahit papaano, hindi sila magtatagal ng tatlong taon noon kung hindi niya ito minahal. Nakipaghiwalay nga lang siya matapos ang school year dahil hindi pa siya sigurado sa damdamin niya noon para dito at ayaw naman niya itong masaktan sa pagiging undecided person niya, kaya mas pinili nalang niyang makipaghiwalay kesa mas saktan ito ng sobra.
Kaya naman sobra ang galit niya ng gabing nasa motel sila at nakuha niya ang pagka-inosente nito at nalaman niyang plinano nito lahat ang bagay na iyon. Biglang bumaba ang tingin niya sa babaeng hinangaan niya ng sobra-sobra. Dahil hindi lang ito maganda at seksi, matalino pa. Kumbaga complete package si Joshua sa kahit na sinong lalaki at hindi niya matanggap na ibinaba lang nito ang sarili dahil sa walang patutunguhan nitong paghihiganti. 'Yon ang ikinagalit niya sa babae.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo lil' brother," boses ni Monjour ang nagpabalik sa kanya galing sa malalim na pag-iisip.
"May iniisip lang ako," aniya na kunwa'y inabala ang sarili. "Bakit, anong sadya mo?"
"Wala naman, nais lang kitang kumustahin. Kumusta na si Joshua?" tanong nito na hindi niya alam kung paano sasagutin
Oo mag-asawa sila ni Joshua pero ni minsan ay hindi niya alam kung maayos man lang ba ito o hindi. Hindi niya man lang inabalang tanungin ang babae sa araw-araw na ginagawa nito.
"Maayos lang naman siguro siya," ang tanging sagot niya. Iwas issue!
"Hindi mo man lang ba tinatanong ng personal ang asawa mo?" nakangiti nitong sambit.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nagkibit balikat nalang siya.
"Alam mo, Jover. Napaka-swerte mo kaya sa asawa mo, alam mo man lang ba ang bagay na iyon? Naku! Malamang hindi."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Joshua was so madly inlove with you, bro. Na kahit anong sakit ang binibigay mo sa kanya, sinusuklian niya parin ito ng pagmamahal at malawak na pang-uunawa. Alam mo bang indangered species na ang mga ganyang babae ngayon. Ito pa ang isa, ginagawa ni Joshua ang lahat para mahalin mo lang siya, pagsasaing, pagluluto ng ulam niyo, pag-aalaga sayo at marami pang iba na daig na nga niya ang isang katulong at higit pa ang loving mother, ngunit lahat ng iyon ay balewala sayo. Lahat ng ginagawa niyang effort bulag ka at kahit minsan hindi mo na-aapreciate. Baka kapag sumuko 'yan sa'yo saka ka lang magsisi. Wala pa naman pagsisisi na nauuna, laging nasa huli. Kapag binitawan mo 'yan si Joshua, tol. Ang daming lalaking magpapasalamat sa'yo."
"Why are you telling me this?"
Nagkibit ito ng balikat saka ngumiti ng makahulugan. "Nothing! I just want you to realize how precious your wife is. Ayoko lang na dumating ang araw na magsisi ka sa lahat ng maling ginawa mo. That was just a big bro advise, nasa sa'yo naman 'yon kung ia-aply mo siya sa sarili mo o hindi," anito saka tumayo. "That's all, bye. Lunch time na. Balak talaga kitang yayaing mag-lunch kaso nagbago na ang isip ko," anito at dire-diretsong lumabas sa opisina niya.
Hindi niya ma'point out kung ano ang sinasabi ng Kuya Monjour niya, sana... makita niya ang mga bagay at katangiang nakikita ng pamilya niya sa asawa. Kasu duda siya sa bagay na iyon. Iniligpit nalang niya ang nagkalat na papel sa mesa at nag-desisyong sa bahay na kakain ng tanghalian.
Himala! Yes, himala.
-FlorDeLuna
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...