"May, uuwi na po kami," paalam niya kay mamay. Gabi narin at kailangan na nilang umuwi ni Monjover dahil medyo shinglot na silang dalawa.
"Mag-iingat kayo, sana ay dito nalang kayo matulog Joshua." Alam niyang nag-aalala ito sa kanilang mag-asawa dahil nakainum silang mag-asawa. Ngunit mas pipiliin niya pang umuwi kesa, makasama itong matulog sa iisang silid.
"Hindi na May, kaya pa naman ni Monjover mag-drive. Huwag kana po sanang mag-alala," aniya.
"Basta mag-iingat kayo ah," muling bilin nito.
"Salamat po May," magalang na nag-blessed pa ang asawa niya sa ina.
Hindi niya alam kung bukal ba iyon sa loob nito o hindi. Pero atleast kahit pakitang tao lang iyon, ang mahalaga ay ginagalang parin nito ang pamilya niya.
Kumaway muna siya sa mga kapatid saka tuluyang pumasok sa loob ng kotse ni Monjover. Tmatalab na ang tama ng alak kaya ramdam na ramdam na niya ang pagkahilo, ipinasya niyang isandal sa headrest ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang pagkahilo. Bahagya na kasing umiikot ang mundo niya. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niya pa sanang umuwi sa bahay nila ni Monjover kaso dahil kasama niya ito ay pinilit na lamang niya ang kanyang sarili.
"Lasing na ako, Mon. Kaya gisingin mo nalang ako kapag nasa bahay na tayo. Salamat," aniya.
Ang mga sumunod na nangyari ay hindi na niya namalayan pa. Nagising nalang siya kinabukasan na nasa kama na at nakapagpalit na ng pampatulog niyang damit.
"Ahh… Shit!" mahina niyang usal habang sapo-sapo ang nanakit na ulo.
Ito ang pinaka-ayaw niya kinabukasan, ang Hangover.
"Ang bilis naman yatang nag-umaga?" takang tanong niya sa sarili.
Akmang babangon na siya at di-diretso sa banyo ng masagi ng paningin ang nakapatong sa mesang tinakpan na mangkok at isang perasong pain reliever na gamot na may kasamang sulat.
Kainin mo ang niluto kung almusal mo, para pwede mong inumin ang gamot. Dahil alam kung sasakit ang ulo mo.
Ingatan mo palagi ang sarili mo.Jover.
Walang ano-ano ay agad na nagsalubong ang kilay niya sa nabasa na lalong nagpakirot sa kanyang ulo. Nakakapanibago ang asawa niya, ano ba ang nangyayari dito? Wala naman siyang ginawang mabuti o masama dito pero bakit nagkakaganito ito ngayon? Kung palabas lang nito ang lahat, sana ngayon palang ay tigilan na nito habang maaga pa. Dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang mararamdaman niya kung saka-sakali, aasa na naman siya sa wala.
-----
Maagang umuwi si Monjover na labis niyang pinagtakhan, alas singko pa lang ay narinig na niya ang sasakyan nito sa kanilang garahe.
"Anong meron?" takang tanong niya, pero imbes intindihin ang pagdating nito ay ipinagpatuloy niya nalang ang ginagawa.
Abala siya sa paghiwa ng mga sangkap na gagamitin para sa lulutuing ulam ng tawagin siya nito.
"Joss!"
Tawag nito sa pangalan niya na bahagya niyang ikinairita. Ano naman ba ang iuutos nito sa kanya? Hindi ba talaga nito magawa ang isang bagay na hindi man lang tintawag ang pangalan niya, o baka naman may dala itong babae at palalayasin muna siya upang walang istorbo sa bahay. Naiinis na inilapag niya ang ginamit ba kutsilyo. Kung paaalisin man siya nito ngayon ay sisiguraduhin niyang dadalhin niya ang lahat ng damit niya upang hindi na siya bumalik pa sa pamamahay nito.
"Bakit?" walang kabuhay-buhay niyang sagot.
"Wala kanang hangover?" dumungaw ito sa may pinto ng kusina.
Bahagya mang nagtaka sa tanong nito ay hindi nalang niya pinansin pa. "Wala na, bakit?"
"Huwag mo ng ituloy 'yan. Kakain tayo sa labas."
Lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Naninibago na talaga siya sa mga ikinikilos nito, ano bang nangyari no'ng nawala siya? Nabagok ba ito kaya na wala sa tamang pwesto ang utak? Imposible naman na bigla nalang itong natauhan at na realize nitong bigla na kailangan na pala nitong magbago at magpakabait sa kanya. Imposible! Napaka-imposible at nahihirapan siyang paniwalain ang sariling mag chance pa itong magbago.
"Bakit, anong meron?"
"Wala naman. Hindi pa kasi tayo kumakain sa labas na tayo lang kaya napag-isip-isip ko na bakit hindi tayo kumain sa labas ngayon?"
Hindi siya makahagilap ng tamang salita kaya naniningkit ang mga matang tinitigan na lamang niya ito. Duda siya sa motibo nito, may pabor ba itong nais hingin sa kanya? Ano naman ang bagay na iyon?
"S-sige. Ikaw ang bahala. Magbibihis lang ako," aniya.
Kesa makipagtalo dito ay ayaw na niyang usisain pa ang dahilan, kaya iniligpit na lamang niya ang mga nahiwang karne at gulay, saka ipinasok sa loob ng ref upang hindi masira. Saka umakyat sa taas upang magpalit ng damit.
Simple lang ang isinuot niya, wala naman siyang dapat paghandaan dahil hindi naman espesyal ang pupuntahan nila. Kaya hinugot lang niya ang kanyang tribal skinny jeans na kulay itim at pinaresan ito ng isang kulay gray na damit na pinaresan niya ng kulay navy blue na rubber shoes, mas komportable siya sa gano'ng ayos. Naglagay lang siya ng kunting liptint at polbo saka tinali ng pony ang kanyang mahabang tuwid na tuwid na buhok, saka siya bumaba. Nagulat pa siya ng makitang simple lang din ang suot ng asawa. Hindi ito naka coat & tie, sa katunayan ay naka t-shirt lang din ito ng kulay itim na may tatak na bench at ang three fort short nitong kulay puti na pinaresan ng kulay puting rubber shoes. Kahit anong isuot ng asawa ay bagay dito, para itong modelo kung magdala ng damit. Kahit nga siguro basahan ang isuot nito ay madadala padin nito ng maayos.
"Sabi ko na nga ba't ganyan ang susuotin mo. Buti nalang nakapaghanda din ako," nakangiting sambit ng asawa na ikinangiti niya rin.
Naninibago man ay wala siyang balak na tanungin ito kung ano ba ang tamang trip nito. Mahirap na, baka kasi mausog at bumalik sa dati.
"Saan ba tayo kakain?" tanong niya ng magsimula na silang maglakad patungo sa sasakyan nito.
"Ikaw, saan mo ba gusto?"
"Ha!?" Marahas niya itong nilingon at nakakangangang tinitigan ang asawa.
Bahagya niyang nalunok ang dila at lumubog naman ang utak niya kaya wala siyang maisip na sasabihin. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay ngayon lang nito tinanong kung saan niya gustong pumunta.
"Saan mo ba nais kumain?" ulit nito.
"M-malapit ng gumabi eh, kaya hindi ko alam?"
"Gusto mong pumunta tayo ng enchanted kingdom. Di'ba 'yon ang gusto mong puntahan noong college palang tayo?"
Parang may kamay na humaplos sa kanyang puso, bahagya siyang na-touch sa sinabi nito. Hindi pa pala nito nakakalimutan ang bagay na iyon, oo matagal na niyang gustong makarating sa lugar na iyon, matagal na kaso wala naman siyang kasama kaya hindi niya nagagawa.
"O-okay lang sayo?" Nagdadalawang isip siya, baka kasi pinapasakay lang siya nito.
"Oo naman. Doon tayo pupunta ngayon, 'lika na."
BINABASA MO ANG
Mission Not-So Accomplished!
General Fictionsᴇʀɪᴇs sᴛᴏʀʏ... ➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 Monjover Maniquis ( book one ) R [ 16 ] xxx Dahil sa pagmamahal ni Joshua Madrigal kay Monjover Maniquis, ay labis siyang nasaktan ng malaman ginamit lang pala siya nito noon upang school works nito...